Prologue

3 1 2
                                    

"Yna sumama kana!"

ANDITO KAMI ngayon sa opisina namin dahil hindi pa tapos ang mga paperworks na pinapagawa sa amin ng boss namin. Pinipilit pa nila ako na sumama sa kanila sa bar para daw makapag-relax naman ako. Palagi ko kasing ginugugol ang sarili ko sa trabaho. Kahit malayo pa ang deadline ay tinatrabaho ko na ito.

"Oo nga naman Yna, relax din pag may time girl 'wag puro trabaho!" pangungulit ni Estella. Inirapan ko lang sila.

"Girls, i'm sorry okay? Hindi talaga ako pwede dahil may kailangan pa akong tapusin na trabaho. Alam niyo naman na kailangan kong mabuhay para sa sarili ko." sabi ko sa kanila which is true. Ako nalang mag-isa ang namumuhay at nagta-trabaho ako para lang mabuhay at makakain tatlong beses sa isang araw. Simula kase noong nawala sina Mommy at Daddy dahil sa isang ambush na kasama na 'dun ang magiging kapatid ko sana ay ako nalang mag-isa ang namumuhay. Hindi na din naman namin pag-aari ang kompaniya namin dahil inako na ito 'nung dating kaibigan nila ni Dad at Tito Gil. Well, tinutulungan naman ako noon ng 'dati' kong bestfriend para daw hindi na ako mahirapan.

I sighed nang maalala ko na naman siya. Kailan ka pa ba mawawala sa isip ko? Palagi mo nalang nakukuha ang oras at atensiyon ko sa pamamagitan lamang ng pagkaka-alala ko sayo kahit alam ko namang hindi na iyon maaari. Hindi na tayo mababalik sa dati—'yung dating tayo na masayang-masaya. Dating tayo na walang pino-problema. Kaso lang, hindi na pwede kase hindi kana babalik. Iniwan mo na ako ng walang paalam.

"Hoy! Nakatulala ka na naman!" napabalik ako sa realidad ng marinig ko ang boses ni Marie. Si Estella naman ay nasa gilid lang at nakasimangot akong tinignan.

"S-sorry may naalala lang ako." sabi ko pa sa kanila. Tinaasan lang nila ako ng kilay at saka inirapan.

"Ang dami mo kasing iniisip!" si Marie.

"Pwede ba kahit ngayon lang pagbigyan mo na kami? Nag-aalala na kase kami sayo. Palagi ka nalang tulala at wala sa sarili simula 'nung umalis 'yung gagong 'yun. You need to relax Liseyna Luise Cruz!" Napa buntong hininga nalang ako dahil tama sila. I need to relax, hindi dapat ako magpa-apekto sa kahit anong bagay patungkol sa kaniya o nino man.

"Fine. Pero ngayon lang okay? Ang dami ko pang gagawin."

"Sus, gusto mo lang talagang takasan ang katutohanang hindi ka na babalikan ni Gabrielle—" hindi natapos ni Marie ang sasabihin niya dahil biglang tinakpan ni Estella ang bibig niya.

"Huwag mo nang ipa-alala 'yun sa kaniya Marie! Baka hindi pa iyan sumama sa atin patay ka talaga sa akin!" Natawa nalang ako sa inakto ng dalawa. Minsan talaga aso't pusa sila eh, kaya nagpapasalamat ako na dumating sila sa buhay ko. Sabi nga nila kapag may umalis, may bagong dadating. Iniwan mo man ako ng walang paalam at hindi alam ang rason ng paglisan mo, nagpapasalamat pa din ako dahil mayroong mga bagong dumating. Kahit hindi nila kayang punan ang mga ala-ala nating dalawa, alam ko namang gagawa kami ng panibagong ala-ala na mag hihigit pa sa mga ala-ala nating dalawa.

Alam kong nagiging unfair ako pero masisisi mo ba ako? Masisisi mo ba ang isang babaeng iniwan na ng lahat ng mahal niya sa buhay? Napaka daya lang, kase kung sino pa ang mga minahal ko ay iniiwan ako. 'Yung iba may dahilan, iyong iba naman walang masabing dahilan.

Tatlong taon. Tatlong taon na ang lumipas simula ng mawala ka sa buhay ko. Nawala ka nalang ng parang bula. Okay pa naman tayo noon diba? Ok pa tayo kung hindi lang kita minahal. Napaka tanga ko para hindi maalalang kapag nagmahal ako ay mawawala kayong mga minamahal ko.
Nagpakatanga ako dahil minahal kita. Pero kahit bali-baliktarin man ang mundo hindi pa din ako magsasawang mahalin ka kahit na alam kong mawawala ka sa aking tabi pagdating ng panahon.

Ngumiti ako ng mapakla. Kapag naaalala ko ang mga ala-ala natin noon ay hindi ko mapigilang hindi maluha. Maluha dahil miss na miss na kita. Miss ko na ang mga yakap mo pero bakit naman ganito? Bakit napakasakit? Ang sakit lang isipin na ang taong mahal, minahal at patuloy na minamahal ay wala ngayon sa tabi ko. Siguro nag-iba kana ngayon,  sigurado din akong mayroon ng nilalaman ang puso mo.

At alam kong hindi ako 'yun.  Hindi na ako. Teka, kailan nga ba naging ako? Siguro kasalanan ko din dahil napakamanhid ko kaya ka nawala pero hindi naman masamang magpa-alam diba?  Na sabihin mo lang na aalis ka na't hindi babalik?  Na sabihin ang dahilan kung bakit ka umalis?  Masakit man pero tatanggapin ko ang desisyon mo ganun kita kamahal.  Kaya hinahanda ko na ang sarili ko na kung sakali,  kung sakali lamang na babalik ka't may mahal ng iba ay ako na mismo ang lalayo sayo.  Pero aalamin ko muna kung bakit biglaan kang umalis.

"Yna loosen up girl! " Si Marie habang sumasabay sa tugtug ng musika dito sa loob ng bar.  Sabi nila isa ito sa mga high-end bars sa buong manila. 

"Girl you should try this one. " Sabi naman ni Estella habang inaabutan ako ng isang shot ng wine na kulay pula. Tinanggap ko 'yun at nilagok ng diretso.  It's my first time kaya parang napapaso ang lalamunan ko nung nilagok ko ito.

"Thanks" sabi ko sa dalawa at nginitian sila. I'm so happy na dumating sila sa buhay ko.  Simula nung mawala siya ay palagi nilang ginagawa ang lahat para sa akin.  Palagi nila akong sinusurpresa para daw maging masaya ako't makalimutan ko na siya.
Nakaramdam ako ng sakit sa ulo at pagkahilo dahil sa ilang mga shots na nainom ko. Pakiramdam ko ay maduduwal ako ano mang oras.

"Girls,  CR lang ako ah? " sabi ko sa kanila.  Tumango naman sila at nagpatuloy sa kani-kaniyang buhay dito sa bar. Pa ekis-ekis akong naglalakad papuntang CR.  Hindi ko pa ito kabisado kung saan ang daan papunta 'dun pero may makikita namang mga sign kaya nagtuloy-tuloy lang ako sa paglakad. 

"ARAY! "

"Hey, you okay miss?"

Tila nag slow-mo ang mundo ko nang marinig ko ulit ang boses na iyon.  I can't be wrong!  Boses iyon ni Gabrielle! Dahan dahan akong lumingon sa kaniya at pareho kaming dalawang pinanlakihan ng mata.  Bakit siya andito?  Anong ginagawa niya dito?  Ang dami kong tanong sa isipan ko pero hindi ko iyon maisatinig.  Napako ako sa kinatatayuan ko. 

Bakit ngayon pa?  Kung saan handa na akong kalimutan ka bakit ngayon kapa dumating?  Gusto ko siyang yakapin at halikan pero hindi ko magawa.  Hindi ako makagalaw.  Andun lang ako sa kinatatayuan ko nakatitig ng diretso sa nga mata niya. 

Sana.....  Sana hindi ka nalang nagpakita ulit.  Masaya ako pero mas sasaya ako kapag hindi kana bumalik.  Kase pakiramdam ko pinaglalaruan mo lang ako.  Pinaasa hanggang sa susuko na ako at bigla ka nalang darating.

You were my bestfriend and my one and only love. But it's sad to say that I am only a nobody to you.  A worthless person to be exact.

__________________________________________________________________________________________

Itutuloy......

Breaking the Bestfriend ZoneWhere stories live. Discover now