Niyakap ng mga lalaki isa-isa si Diego. Ganito ba talaga sa section nato parang kulungan lang. Dapat kulungan ang tawag sa section na to. Hindi section X.

"Maddy bakit ikaw lang ako hindi" narinig kong sabi ni Unika.

"Ayos na rin yun para may kasama si Yumi rito. Kaya kayong dalawa iwas-iwas din sa gulo pagmay time"

"Ganito ba talaga dito para tayong nasa kulungan?" Tanong ko. Natawa sila.

"Yup tama na ang tatlong taon kong pamamalagi rito. Wala e kailangan magbagong buhay para sa future" sagot ni Maddy. Naisip ko na naman ang sinabi ni tanda sakin kagabi.

"Unika ikaw ilang taon ka na sa section X?"

"I think 1 year na" bago pa lang pala.

"Paano kayo napunta rito?" Dumaldal na yata ako. Lagi ko kasing kasama itong si Unika e. Nahahawa tuloy ako.

"Ako nasagot ko si Brienne tapos si Maddy aksidenting tumama ang bola ng volleyball kay Brienne kaya ayun sa Section ang bagsak namin"napatawa ako "Mukha siyang joke" napairap ako bigla sa sinabi niya "Baliw na ang babaeng yun. Parang yun lang ang babaw niya. Pansin ko rin lagi siyang kuniktado sa mga taong naririto"

"Di lang koniktado Yumi dahil siya ang may gawa ng lahat. Kaya nga hindi na lang lumaban o sumagot si Kimjie kahapon" sabi ni Maddy. Napatango na lang ako

"Tara lunch na gutom na ako e" sabi ko. "Sorry Yumi di na ako pwedeng sumama sa section X kayo na lang ni Unika pero babawi nalang ako sa labas ng campus. Samantalahin ko na rin ang pagkakataon na to Yumi. Thank you nga pala dahil kahit sa kunting pagkakataon kitang nakasama alam kong mabait ka. Ingatan niyo ang isa't isa ha!" Tapos niyakap niya kami ni Unika. Bago siya lumabas sa section X

Kasama niya si Diego, nag wave siya bago tumalikod. "Tara kain na tayo Yumi" tumango ako at sumunod sa kanya. Pagdating namin sa canteen kami ang kumuha ng dapat naming kainin. "Dito tayo Yumi, bawal ang section X diyan dun tayo sa gilid" turo niya sa pinakagilid. Di na ako nag reklamo maganda naman kasi ang view glass kasi ang dingding nasa side kami nakita ang kalsada.

Sa kalagitnaan ng pagkain ko bigla na lang umingay ang paligid kaya napalingon ako. Pumasok ron si Weland kasama ang lima pa naming lalaki na kaklase at ang babaeng sobrang sarap tusukin ng tinidor.

"Sino yang isang babaeng kasama nila Uni?" Out of curiousity natanong ko sa kanya. "Yan bang inakbayan ni Owen?" Napatango ako."si Lhey yan girlfriend ni Owen. Sobrang bait niyan Yumi. Di din sila magkasundo ni Brienne"yeah, she's pretty, cute height din siya.

Bumalik na lang ako sa pagkain habang si Unika kaharap ang pagkain pero ang mata nasa libro. Hinayaan ko na lang siya. "Get lost!" Napa tingin kami ni Unika sa sumigaw. Yung babae na naman kahapon ang sinigawan ni Brienne.

"What a attention seeker?" Napa rolled eyes pa si Unika at ibinalik ang attention sa binasa. "Kumain kana lang diyan Yumi. Hayaan mo yang papansin na yan, gusto lang naman niyan na mapunta sa section X kaya ganyan. Pero sad to say hindi siya nagtagumpay" natatawa pa niyang sabi.

"Talaga! Kaya naman pala. Oh wait papalapit na sila dito" sumubo ako ng sunod-sunod para matapos na ako sa pagkain. Pati rin si Uni, isinara muna ang librong binasa. "Hi girls" nagkatinginan kami ni Unika at sabay na umirap.

"Oh god! Not, now please. Ayokong masira ang araw ko" narinig ko pang sabi ni Unika. "Can we set here" muling nagsalita si Brienne

"No!"

"Hindi!"

Sabay naming sabi ni Unika. "Why?" Pa inosente pa niyang tanong.

"Because I don't want to. Bakit papalag ka ba?" Pagtataray ko. Nagkasalubong ang dalawang kilay ni Weland. Pa simple namang ngumiti ang mga kaibigan niya.

"Oh c'mon Mayumi. Why you always like that?" Ngumiti pa siya sakin na parang close na close kami. Napakaplastic talaga Umupo pa rin siya sa upuan na katabi ko kaya tumayo ako at tiningnan siya ng masama

"Oh c'mon Brienne, why can't you understand?. Brienne nga yung pangalan mo pero wala kang utak" tawanan ang narinig ko sa paligid.

"You're enemy had been slain" narinig ko pa ang halakhak ni Unika.

"What are you trying to say ha! Nasa section A ako kaya wag na wag mo kong tawaging bobo, dahil kung ikumpara tayong dalawa ikaw ang mahina ang utak!" Sigaw niya

"Well, kung kumpara lang ang usapan dear, walang-wala ka sakin" sagot ko na ikapula ng pisngi niya.

"I am the princess in this campus. You will regret this Mayumi!"

"Anong magagawa ng pagiging prinsesa mo sa pagiging bitch ko."

"Tama na Yumi!" Madiin na pagkasabi ni Weland. Pumagitna rin siya samin ni Brienne. Akala niya papatol ako sa sambunutan, ano ako cheap?

"Let's go Uni, bye dear, see you around" nakangiti kong sabi habang siya salubong na salubong ang kilay.

Pagkalabas namin sa canteen sabay kaming nagtawanan ni Unika. "Grabe Yumi lugmok ang mukha niya, ikaw lang yun ha paano pa kaya kung nakisali rin ako kanina"

"Magpapakamatay na yun. Next time sumali ka para naman masaya" nag high five pa kaming dalawa. Nakasalubong namin sina Maddy at yung Kimjie. Ngiti lang ang iginawad namin. Dahil bawal nga sila lumapit sakin.

"Uni bakit bawal silang lumapit satin. Ang unfair naman yata nun, sila Lhey at Brienne nakakalapit kila Weland"

"Ganyan talaga favoritism Yumi. Di ko rin masisisi si Maddy kung bakit gusto talaga niyang maka alis sa Section X, graduating na kasi ang isang yun"

"We di nga. Akala ko kasi same grade lang natin siya" nakakagulat naman, dala lang siguro ng kaputian niya kaya napagkamalan ko siyang magka edad lang kami.

Tumawa siya" yan din ang akala ko nong una e. Pero sinabi niya sakin na grade 12 na siya"

"Kakaiba talaga ang Section natin ano. Buong high school life ko ngayon lang ako nakasalubong na ganito." Salita ako ng salita pero ang kasama ko nakatingin lang sakin. "Anong nangyari sayo?" Kinaway ko pa ang kamay ko sa mukha niya.

"Ah...eh...di ko kasi aakalain na magiging close tayo ng ganito. Kasi alam mo na nong una nating pagkikita ang sungit mo sakin..." natawa pa siya. "...tapos ngayong bumait kana sakin ng kunti"

"Uni, hindi ako mabait yan ang lagi mong tandaan. I am a bitch remember?." Napatango siya

"Aware ako diyan pero bakit?"

"Anong bakit?" Taka kong tanong

"Bakit ka naging ganyan. May feeling akong di ka ganyan dati. Kaya bakit nagbago ka?"

Huminga ako ng malalim" sabihin na lang natin na may mga bagay na, nakakapagbago sa isang tao"sabi ko. At tumingin sa kawalan. Bumalik kami sa room, wala kaming ibang ginawa kundi matulog hanggang sa mag uwian na.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 14, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mafia Siblings 1:When the Day becomes DarkWhere stories live. Discover now