03

838 28 1
                                    


Chapter 3
3rd Person's POV;
"Arkhon ... kumain ka muna nasa lamesa na ang---." Naputol ang sasabihin ng dalaga ng pagbukas niya ng bathroom wala na dun ang bata kaya naglakad siya papunta sa kwarto ng anak para silipin kung nasa loob ang batang bisita.

"Stop crying idiot, nakakairita." Pagsusungit ng batang si Cross habang nakaupo sa sahig at nakasandal sa kinauupuang kama ng batang lalaki.

"Tumigil ka nga sa ka eenglish mo, mas matanda ako sayo kaya matuto kang rumespeto." Singhal ng batang lalaki na kinaismid ng batang si Cross at binigyan ng pansin ang hawak nitong libro.

"Bata lang tayo Arkhon at kung may ano mang naging problema ng parents natin nung past nila, hindi natin maiintindihan yun." Out of the blue na sambit ng batang si Cross makalipas ang ilang minuto.

"Nasasabi mo yan kasi wala ka sa sitwasyon ko." Humihikbi na sambit ng batang lalaki.

"Hindi ko maintindihan ang pinopoint mo sa issue na hindi ka anak ni tito Alcide." Naiiritang sambit ng bata bago lingunin si Arkhon na nakayuko at umiiyak.

"By blood ba ang pagiging mabuting daddy?" Tanong ni Cross na kinatingin ng batang si Arkhon.

"I think hindi naman, hindi lang naman kasi si daddy Cadmus ang tinuturing kung papa. Andiyan sina tito Venedict, Tito Dwayne, Tito Alvis, Tito Alcide, Tito Charlie ang Tito Kein." Dagdag ni Cross na kinatigil ng batang lalaki.

"Pano kung ibalik ako ni Daddy Alcide ayoko lumayo kina mommy at daddy." Natatakot na sambit ng bata.

"Im sure naman hindi papayag sina Tita Aila, lawyer si Tito Alcide at mayaman kayo. Sinabi ko na bata lang tayo bukod sa umiyak, humingi at magtampo wala na tayong magagawa pero kung ngangawa ka lang diyan at magrereklamo lumabas kana ng kwarto ... nagbabasa ako ng libro istorbo ka." Pabalyang sagot ng batang lalaki na hindi mo alam kung nag cocomfort o nang iinsulto.

Habang nag uusap ang dalawang bata hindi maiwasang makaramdam ng lungkot ang dalaga lalo na ng marealize na ang mga anak nila ang maaring sumalo lahat ng pressure na ginawa o nangyari sakanila nung past.

---
"Aila." Bungad ng dalaga ng masagot ng kaibigan ang tawag mula sa kabilang linya.

["S-Sissy si Arkhon nawawala."] Mangiyak ngiyak na sumbong ng dalaga.

"Sissy pumunta dito si Arkhon nandito siya sa bahay." Sagot ng dalaga bago naglakad papunta sa living room at iwan na ang dalawang bata sa kwarto.

["Ohmygosh! Paano nakarating diyan ang anak ko! ... may sugat ba siya o ano."] Tanong ng dalaga na may sobrang pag aalala sa boses.

"Sissy relax ka lang he's perfectly fine pero mukhang hindi okay ang anak mo emotionally, umiiyak kasi na pumunta dito ang bata." Sagot ni Astrid na kinatahimik ng dalaga sa kabilang linya.

["P-Papasundo ko na kay A-Alcide si Arkhon, b-baka magkaproblema ka pa pag nag away pa yung dalawang bata diyan."] Mababa ang boses na sambit ng dalaga.

"Wag mo na muna alalahanin si Arkhon, weekend naman bukas ...dito muna siguro si Arkhon para naman makapag isip isip yung bata." Ani ng dalaga.

"Masyadong na shock si Arkhon sa nangyari sa pamilya niyo ... andito din naman si Cross wag kang mag alala ako na bahala sa dalawang bata hindi ko sila pababayaan dito." Dagdag ng babae ng marinig ang pagbuntong hininga ng dalaga sa kabilang linya.

["Siguro nga sissy, salamat sissy ah siguro kailangan ko na din maghanda kung pano ko ieexplain lahat kay Arkhon."] Sagot ng dalaga.

"Matalino ang anak mo girl, Iknow maiintindihan ka niya ... nabigla lang siguro yung bata kaya naging ganun ang reaction niya this past few days." Ani ng dalaga.

Gear on AfflictionWhere stories live. Discover now