Chapter 11

7.2K 283 63
                                    

Chapter 11

Tatlong araw na ang nakalipas pero naiisip ko pa rin ang napag-usapan namin ni Phoebe. Of course, she wanted me to tell my parents about my relationship with Rogue.

"Wala kang duty ngayon, anak?" basag ni Papa sa katahimikan.

Marahan kong inangat ang ulo at tumingin sa kanya bago ko inilipat kay Mama.

"Opo," tipid kong sagot.

Napakunot ng noo si Mama. Usually kasi ay madaldal ako sa tuwing kausap ko sila. Naninibago malamang sa ikinikilos ko.

Binalewala ko na lang iyon at itinuon ang pansin sa pagkain ko. I finished my food and bid my goodbye to them. Byahe papunta sa school ay puno pa rin ang isip ko ng kung ano ang dapat kong gawin.

Pagbaba ko ng jeep ay saktong tumunog ang cell phone ko. I immediately answered the call when I saw his name.

"Ragna..."

Mariin akong napapikit dahil pakiramdam ko ay kinalma ako ng boses niya. I heaved a deep sigh and smiled even though he couldn't see me. 

"Hello..." sagot ko.

"Are you okay? You look troubled."

Napatigil ako sa paglalakad dahil may humarang sa daraanan ko. Pag-angat ng mukha ko ay nanlaki ang mga mata ko pagkakita sa gwapo niyang mukha.

He hung up while looking directly into my eyes. Tatanungin ko sana siya kung bakit siya nandito pero hinaklit na niya ang kamay ko. Dinala niya ako sa parking lot.

My eyes roamed the surrounding. I pulled away from his hold when I saw a group of Accountancy students near us. Sa loob ng tatlong araw na hindi pagkikita ay puro texts at calls lang kami tulad ng nakasanayan.

Lalayo pa sana ako pero mabilis niyang hinawakan ang braso ko at hinila ako malapit sa kotse niya. Medyo tago ito kaya wala masyadong nakapansin sa amin.

"Are you avoiding me?" he asked with a serious expression on his face. "Do we have a problem?"

Lumunok ako. My mind was in chaos and I didn't know how to open up with him.

"Hindi ka ba papasok?" pag-iiba ko ng usapan.

His grip tightened on my arm. Our eyes met and his were asking. Inabot ko ang pisngi niya at marahan ko itong hinaplos.

"I'm sorry. Marami lang akong iniisip."

"Tell me what you're thinking. I can be a good listener to you."

I chuckled and it made him smile. Tumingin siya sa paligid bago ako isinandal sa kotse. Idinikit niya ang noo sa aking noo at bumagsak ang tingin niya sa mga labi ko.

"Why are you laughing, huh?"

"Aren't you a good listener to others?"

Bumaba ang kamay niya sa bewang ko at inilapit pa niya ang katawan ko sa kanya.

"I don't know." Tumaas ang hinlalaki niya sa ibabang labi ko at marahan itong hinaplos. Napalunok ako dahil sa mabilis na pagdaloy ng init sa katawan ko.

Bago pa ako makapagsalitang muli ay inatake na niya ang mga labi ko. I clung my arms around his neck and kissed him back, giving back the same intensity. I moaned as his tongue slid inside my mouth.

Nakarinig ako ng busina at agad akong lumayo sa kanya. Inilibot ko muli ang tingin dahil baka may nakakita sa amin. Umikot ako at sumakay sa kotse niya. Kita ko sa mga mata niya ang pagtataka.

Pagpasok niya ay hindi ko siya magawang tingnan. "Nagmamadali ka ba?" tanong ko.

"No, why?"

"Alis tayo saglit."

The Curse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon