Charm 4

2.5K 67 2
                                    

THE SECOND CHARM |
Chapter 4

I smiled gratefully at my boss after she gave me the permission to take a day off for my son's event in school. Sabi ko gagamitin ko yung leave credit ko pero sabi niya, mag-day off nalang daw ako. Very understanding naman siya sa sitwasyon ko bilang magulang kahit na minsan hindi tugma ang mga opinyon namin at nagka-clash kami.

Agad na akong bumyahe papunta sa school ni Spike. Gusto ko sanang mauna akong dumating kaysa kay Ian, pero huli na ang lahat.

Pagkapasok pa lang ng sasakyan sa gate ng eskwelahan, natanaw ko kaagad ang anak ko na naglalaro sa playground... kasama si Ian. Tapos na ba ang competition?

"Spike!" I called out soon as I got off the car. Lumapit sa akin si Spike at yumakap.
"Late na ba ako? Tapos na ba ang spelling bee?" Tanong ko.

"Hindi pa po, Mommy." Sagot ni Spike.

Ian walked over to us, and soon as he was about two steps away, he cleared his throat.

"Spike, can I talk with Mommy for a while? You can play with your friends muna." Ani Ian.

"Sige po, Daddy!" Sagot ni Spike at saka tumakbo pabalik sa playground. Namataan kong nandoon rin si Jessie, ang kaklase niyang lagi niyang kasama.

"Anong nangyari? Nakausap mo ba yung teacher niya? Hindi kasi sumasagot sa mga texts at tawag ko. Actually, hindi niyq talaga ako na-inform na may contest pala—"

"Kinausap ko kanina. Nagulat pa nga siyang makita ako eh."

"Ah. Ang alam kasi nila, single parent ako." Sana wag yun magdaldal sa mga magulang ko kapag bumisita dito. Yari ako pag nagkataon. "O, anong sabi?"

He pouted. "Elimination round pa lang naman daw 'to. Kung sino ang mananalo, siya ang ite-train nila para lumaban sa Inter-school Spelling Competition."

"So... our presence wasn't actually... required, was it?"

Kaya pala walang notification mula sa teacher...

"Oo," tumango siya. "But Spike must have wanted to spend this day with us, so... I hope you're not regretting that you're here."

"I know. Hindi naman ako nagsisisi na nandito ako. Wag kang mag-alala."

Maya maya pa ay may lumapit na teacher upang sunduin na si Spike papunta sa room kung saan gaganapin ang elimination. Naiwan kami ni Ian sa playground, at umupo ako sa swing bago bumuntong hininga. Parang kailan lang, ako yung nasa grade school at naglalaro sa playground. Ngayon, andito na ako bilang magulang.

Napasulyap ako sa gilid dahil ginaya niya ako— Ian sat on the other swing and blatantly stared at me. I did not say anything, silently urging him to snap out of the staring game and actually tell me what's on his mind.

“Sahara...” banggit niya sa pangalan ko pagkalipas ng ilang segundong tahimik niyang pagtitig.

“Bakit?” Tugon ko. He looks so serious all of a sudden...

"Nakahingi na ba ako ng tawad sayo?"

"Tawad? Tungkol saan?"

"Sa nangyari dati. Sa lahat."

"Ah... Wag mo nang isipin 'yun." Ngiti ko. "Tapos na 'yon eh."

Tapos na 'yon. Wala na akong balak masaktan pa ulit. Bakit pa uungkatin? We can just continue with this set-up. He can be the father that Spike needs and we don't have to tiptoe around each other.

"Pero—”

"Tapos na sabi 'yon. Ang ganda ng panahon oh. Pwede bang wag nating sirain? Total hindi na rin naman natin mababago ang nangyari na, diba?"

The Second Charmحيث تعيش القصص. اكتشف الآن