My attention was drawn to Rouge, who was pinching the bottom of his lip. He was in his uniform but the first three buttons of his white polo tucked in his black slacks were unbuttoned, revealing a small part of his skin. He was holding his black coat, unaware of my presence.

"O, girlfriend mo?" usisa ni Rhome ngunit hindi ko siya binalingan. I couldn't take my eyes off Rouge and he was not even giving me a glance!

"Nah, just a woman who's confessing her feelings for me again..."

Doon ako napatingin.

"Yuck," hindi napigilang bulaslas ko. "You?!"

Narinig ko ang pagtawa ni Rhome. Nang tapunan ko uli ng tingin si Rouge ay maayos na itong nakatayo habang nakatingin sa amin. Pansin ko ang masama niyang pagtingin sa akin at kung mag-isa siguro ako ay nairapan na niya ako!

"What? We were flirting just a minute ago," tawa ng lalaki sa gilid ko.

Irritation filled up my gut.

"Sorry to burst your bubble but you're not my type."

"Songs, bro," pang-aasar ni Zane sa lalaki.

That Hunter man chuckled. "Hiya lang 'yan."

"Wait, aren't you the girl from Rampage?" biglang tanong ni Rhome.

Sasagot na sana ako ngunit nagsalita agad si Rouge kaya ako natigilan.

"Matagal pa ba kayo? Uuna na ako."

Zane shrugged. "Hindi ba tayo magpa-practice muna? Ano bang line-up?"

Sumulyap sa akin si Rouge at nakita ko ang pagdaan ng inis sa mata niya. What?! Wala pa nga akong ginagawa, e!

"Sa bahay na lang tayo," he said before turning his back on us.

Ichineck ko muna kung susunod ang mga kabanda niya ngunit mukhang may iba pa silang plano kay Hunter kaya walang paalam din akong umalis doon. Dahil mabilis maglakad ang lalaki ay nakita kong pababa na agad ito ng hagdan.

Lakad takbo ang ginawa ko para mahabol siya. Ang buhok ko ay nililipad na ng hangin ngunit hindi ko ito maayos dahil malaki ang mga hakbang niya.

"Rouge! Antayin mo 'ko!" sigaw ko.

Pero syempre, hindi niya ako inintay.

Hindi na ako nakatiis at mahigpit na hinawakan ang laptop ko bago matuling na tumakbo. Wala na akong pakialam kung aakalain ng iba na nagma-marathon ako.

Nagtungo ako sa unahan niya para pigilan siya sa paglalakad.

Naiiling siyang gumilid para makadaan pero iniharang ko lang ang katawan ko sa dadanan niya. Sinubukan niya ulit gawin 'yon pero paulit-ulit lang din ang ginawa kong pagpigil sa kanya.

He gave up trying and gazed at his side, creases forming on his forehead and annoyance creeping into his eyes.

"Be my model," saad ko, bahagyang hinahapo pa. "I will follow all your orders, basta pumayag ka lang."

"Anong parte sa ayaw ko ang hindi mo maintindihan?" he asked calmly, but I could see the frustration on his face.

"Ikaw ang gusto ko, Rouge. You're the only man who can give justice to my designs," I said.

Binalingan niya ako, parang tamad na tamad sa pakikipag-usap sa akin.

"Ayoko," he said firmly. "And stop appearing in front of me, Reese."

I gulped and licked my lips. Looks like he's decided, huh? Ayaw niya talagang tulungan ako o siguro, naiinis siya sa presensya ko.

If I want to blackmail him... I need to have the nerve, right? I'm going to go to any length to get him.

"I will leak our sex videos," I whispered.

Unti-unti ang panunumbalik ng galit sa mata niya. I saw how his jaw move aggressively and for a brief second, I wanted to run and hide.

Lumunok ako. "Yes. I still have our sex tapes, Rouge. Sa oras na kumalat 'yon, puwede kong isisi sa 'yo lahat."

He snorted. Nag-aalab ang tingin na iginawad niya sa akin. Nakatingala ako sa kanya kahit medyo may katangkaran din ako ngunit basang-basa ko sa mga mata niya ang labis na galit.

"Who are you?" he asked, disbelief visible in his tone.

Hindi ako nagpatinag sa boses niya. I have to do this. Isang taon na lang ako sa Isabela. Isang taon na lang para subukang kunin siya. Isang taon na lang para makumbinsi siya ulit.

"You know that I can do it. My family is richer than yours. We can manipulate everything. I can even say that you... raped me," dagdag ko pa.

His eyes were bloodshot. Umiling siya nang ilang beses na parang hindi makapaniwala sa naririnig. Lumulubog ang puso ko sa hiya sa kanya at sa sarili. Alam kong mahal ko pa ang lalaki kaya alam ko na hindi ko rin 'yon magagawa sa kanya.

"Nakakawala ka ng respeto," he said.

I bit the insides of my cheeks to calm myself. Nasabi ko na 'yon. I couldn't take it back, and I wouldn't take it back. Hindi na ako para mag-aksaya pa ng oras dahil bukod sa pine-pressure na kami ni Ma'am para sa designs, gustong gusto ko na ulit mapasa-akin siya. I was getting tired of watching him from afar.

And he likes someone else. I have to make a move.

"Just do what I say, Rouge. I will pay for your time and effort," sabi ko kahit na para akong mamamatay sa kaba.

He scoffed. "I'm not your slave, Reese. Gusto mong ikalat? Then, do it. Do I look like I care?" diring-diring saad niya.

My jaw dropped. "W-what?"

He gritted his teeth. "Wala akong pakialam kahit i-post mo 'yan o ano. Basta 'wag ka na lang ulit magpakita sa akin."

"Rouge, no!" malakas na sigaw ko nang tumalikod siya. "Anong ibig mong sabihin na ikalat ko?! Don't you care about your status?!"

He glanced at me. "Do whatever you want. Just don't look for me ever again because I cannot stand you."

Nataranta ako. Wala akong ibang plano para makumbinsi siya kung hindi ito! Alam kong napakasama ng ugali ko para gawin 'to sa kanya pero wala na akong choice! But, he was willing to face the consequences! Basta hindi lang ako makita! Damn it!

"I can't believe I loved a desperate woman like you."

Para akong nabato sa kinatatayuan ko. I always know him as a soft-spoken man. Kahit galit ay hindi siya nagsasalita nang masama laban sa akin.

Kahit noong maghiwalay kami. Umiyak at umalis siya pero hindi niya ako pinagsalitaan.

Pero ngayon, parang naputol ang pisi ng pasensya niya sa akin. Nag-sink in sa akin ang nangyari. Sa ginawa ko, alam kong lalo lang siyang nagalit sa akin. Wala na akong ibang plano... pero mas lalong ayaw ko na hindi siya ang gawin kong model. I will, once again, search for a plan.

"May nagugustuhan ka raw?" matapang na tanong ko, walang ipinakitang kahit na anong luha o pagsisisi sa sinabi sa kanya.

Gaya ko ay hindi pa rin siya umaalis. Bahagyang nakatalikod na siya sa akin at alam ko ang dahilan noon kung bakit.

He didn't wanna see me.

"Meron," he admitted.

My chest tightened in pain, but of course, being the play pretend strong woman that I was, I acted like I didn't care.

"Sino?" tanong ko ulit. Halos magdugo na ang labi ko sa mariin na kakakagat ko rito.

Tumingin siya sa akin. "'Wag mong isipin na galawin 'yon. I will not go easy on you, Reese."

So, Hunter was right. Totoo ngang may nagugustuhan na ito. Mas lalong kailangan kong bilisan dahil baka maunahan pa ako. It hurt, yes, but it would not be enough to make me surrender. Ipinahiya ko na ang sarili ko sa kanya. Sasagarin ko na.

Am I desperate? Yes. For you, Rouge.

I smiled as another plan played in my head. "Okay."

Loving the Sky (College Series #3)Where stories live. Discover now