Inantay kong makabalik si Cali at nang maupo siya sa tabi ko ay matalas na ang nguso niya at puwede nang pagsabitan ng kaldero.

"Nakakapagod, gusto ko na lang maging libag sa singit ng basketbolistang arabo," bulong niya na hindi ko na pinansin.

Our day went on like that. Nang matapos din ang klase ay mabilis kong hinagilap ang laptop at may hinanap doon.

"2012 files... 2013... 2014! Okay. I got it," parang tanga kong saad sa sarili nang makita ang hinahanap ko.

I was having doubts if I should use this as bait to blackmail him, pero wala na akong ibang maisip! This is the only thing that will trigger him... I wish.

"Girls, punta muna ako sa building nina Rouge," paalam ko sa tatlong kaibigan na busy sa pagssketch.

Dahil abala, wala silang pakeaiam kahit nang makaalis ako. May kaba sa puso ko pero mas lamang ang determinasyon na kunin si Rouge bilang modelo ko. He was the only man who fit my taste. I tried visualizing how my designs would look on other people, and although that worked out okay, I don't want to give it a try because Rouge had this strong sense of masculinity that I couldn't just let go.

I sighed. Ang dami kong iniisip pero ang totoo, gusto ko lang naman siyang kunin dahil gusto ko siyang makasama.

My long-sleeved crop top and sweatpants made me look taller. May ilang estudyante ang napapatingin sa akin nang makarating ako sa College of Hospitality Management and Tourism. Of course, they knew that I wasn't from their precious department. Kami lang namang fashion designing students ang walang uniform.

"Hi, do you know the schedule of BSTM 4A?" tanong ko sa isang matangkad na lalaki.

He eyed me from head to toe before grinning. "May bulletin board sa gilid, miss. Samahan ba kita?"

My eyebrow shot up as I glanced into the corner of the Dean's office where the bulletin board was.

"No need. Salamat," I replied.

"Hmm... I bet you're one of the fangirls of Narcissus?" tanong niya bago pa ako tuluyang makaalis.

Bahagya akong natigilan.

"Uh... no." I shook my head.

Dumaan ang aliw sa mata niya. "Sino bang hinahanap mo?"

I had the urge to push him away, but of course, being the nice woman that I was, I couldn't do anything bad to other people... or maybe I could.

"Pakialam mo?" I asked.

Hindi niya pinansin ang pagsusungit ko at lalo lang akong nginisian.

"I hope you're not looking for Harvin or Zane, pretty girl," he said with a cocky smile on his lips.

"And why is that?" ganting tanong ko, wala nang pakialam kung masyadong nagtatagal ang usap namin.

Bakit hindi ko puwedeng puntahan si Rouge?!

"They're in a relationship... you'll only create a mess."

Kumunot ang noo ko. "At paano mo naman nalaman 'yon? Are you their manager or something?" I asked as I chuckle. "And Harvin doesn't have a girlfriend."

"Oh... so it's that guitar boy," aniya habang tumatango-tango. "He's single but he likes someone else, missy."

I rolled my eyes, getting impatient. "You know what? You're too nosy for a guy."

Sasagot pa sana ito nang tawagin ito ng isang lalaki mula sa likod ko.

"Hunter!"

Sabay kaming napalingon at halos panawan ako nang makita ang Narcissus na nakatingin na sa amin. Rhome was the one who called him, and he had a huge grin on his lips.

Loving the Sky (College Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon