Chapter 29

44 5 0
                                    

Dahil maaga kaming dumating, nasa midline kami ng simbahan, okay nang dito kami humupo dahil kapag sa labas ay masisiksik sila lola at auntie dahil sa sobrang daming tao dahil nga bisperas ng pasko.

Tumayo na kami nang nasa pinto na ang pari at mga sakristan, sobrang daming tao sa labas kaya ang iba ay naka tayo na, medyo mainit na sa loob dahil may mga naka tayo rin sa gilid.

Nang matapos ang simba ay pumunta kami sa harap ng simbahan para magsindi ng kandila.

"Hi po ate, pwedeng magpa-picture?" Nagulat ako ng biglang may kumalabit sa akin. Agad naman akong ngumiti sa batang babae na sa tingin ko ay mas bata lang ng kaunti kay cyner.

"Sure" Agad akong ngumiti ng i-harap niya ang camera, ganon din ang ginawa ng ilan niyang kaibigan.

"Artista po ba kayo?" Nahihiyang tanong nung naka dilaw na babae.

"Ah haha, hindi" Awkward akong napangiti. Napatingin ako kay cy ng tumawa sya.

"Sige po, thank you" Nagtutulakan sila ng tumalikod. "Bye ate ganda!" Kumaway ako sa kanila at humarap kina cy.

"Hi ate ganda, pa-kiss po" Pang-aasar ni cy.

Ngumiwi ako at tumabi kay tita myra para magsindi ng kandila.

Mamimili muna sina auntie ng kakanin kaya naiwan kami at mga kapatid ni cy.

"Kuya, picture-an ko kayo dali!" Agad kinuha ni cyner ang cellphone ni cy at pumunta sa harapan namin.

Saktong nasa gitna kami ng simbahan kaya maganda ang view.

"Gandahan mo ha, po-post ko yan sa instagram, umayos ka cyner!" Tumawa ako ng sabihin 'yon ni cy.

Pinalibot ko ang kaliwang braso ko sa likod ni cy, sya naman ay umakbay sakin.

"Wow ate bietriz, kilig na kilig haha, okay 1, 2,3!" Natawa ako kaya nagpicture pa ulit si cyner.

Ang weird lang kasi nararamdaman kong may naka tingin sakin. Nilibot ko ng tingin ang buong simbahan ngunit wala naman.

"What's wrong?" Tanong ni cy

Umiling lang ako at ngumiti ng hawakan niya ang bewang ko.

Naglalakad kami ngayon pauwi,marami kaming kasabay maglakad, ang iba'y wiling-wili sa pagtingin sa paligid dahil sa mga nagnining-ning na palamuti.

Kami naman ni cy ay may sariling mundo na naman, kung ano-anong walang kwentang bagay ang pinag-uusapan.

"Tapos sabi niya, kung ang english ng laruan ay toy, bakit ka na-inlove sa sadboy?" Malakas na tawang sabi ko.

Nilingon ko si cy ng mapansing hindi naman sya tumatawa,naka ngiti lang sya sa akin habang tinititigan ako.

"W-why?" Naiilang kong tanong.

"I love you" Matamis ang ngiting sabi niya.

"Okay, sige" Pambabara ko, pero sa loob-loob ay kinikilig na.

Imagine,magpapatawa ka sa boyfriend mo tapos biglang se-segway ng ganon.

Pumikit-pikit ako ng mapansing may lalaking naka full black sa likod ng poste malapit sa malaking puno, ng mapansing naka tingin ako ay bigla syang tumakbo paalis.

"Weird" Mahinang sabi ko.

Nang maka uwi ay masayang tugtog ang sumalubong sa amin, mas umingay ang bahay na hindi ko inaasahan.

The One That got Away Where stories live. Discover now