Chapter 12

46 6 0
                                    

Nanatiling naka-awang ang bibig naming magkakaibigan at pabalik-balik ang tingin kay cybier at karen. Si cybier ay naka yuko at si karen naman ay todo kung ngumiti. Girl,san 'to kumukuha ng kapal ng mukha.

Walang may balak bumasag ng katahimikan at mukhang nagkaka-paan pa.Tumayo ako at mag excuse papuntang restroom.Pagkapasok ko ay naghilamos ako at napatingin sa salamin. Bumukas ang pinto at iniluwa non si karen.

"You didn't know?" Sarkastikong tanong nya.

"He didn't mention it,but it's not problem for me." Tinignan ko s'ya sa salamin at naghihinaw s'ya ng kamay.

"Looks like he don't have a trust on you." Naka ngising sabi nya at tinignan ako sa salamin. Tinaasan ko sya ng kilay.

"Ano na naman bang problema mo? Nasa sayo na nga si mark diba,bakit ba nang gugulo ka na naman?"

"I'm here to get what's mine" Sabi nya at kumuha ng tissue sa bag para punasan ang kamay.

"What's yours? Cybier?" Tinaasan ko sya kilay.

"Yeah,so ano ngayon? Kukuhanin ko s'ya sayo"

"Napaka layo mo na sa karen na nakilala ko! Nandidiri ako sa inyo" halos naiiyak ko nang sabi.

Natigilan siya at napakagat sa ibabang labi.

"Ano bang paki mo?"

"Hindi ko hahayaan na makuha mo sya,dahil simula pa lang na pakawalan mo sya ay wala ka ng karapatan sa kanya,at bakit ba biglang nagka ganyan ka? Hindi ka ba nasayahan kay mark kaya babalik ka ngayon kay cybier ha?!" Nagtaas baba na ang dibdib ko sa bilis ng tibok ng puso ko.

"Tsk tsk tsk,hay nako bietriz,sobrang bait mo talaga, kaya ang dali kang naloloko ng mga tao sa paligid mo. Sa tingin mo ba sasama agad-agad sakin si mark ng walang dahilan? Come to think of it,sobrang saya nyo pa ni mark bago ka umalis ng bansa diba? Tapos pagbalik mo kami na agad?" Nilukob ng pang demonyo niyang tawa ang cr.

Naka tulala lang ako sa pintong inalisan niya. Anong ibig nyang sabihin? Anong dahilan ni mark? Bakit di sakin sinabi ni cybier na si karen pala ang ex nya? Kaya ba ganon na lang sya tumingin tuwing makaka salubong namen sila? Si mark ba ang tinutukoy n'yang bestfriend nya? Napasabunot ako sa ulo ko sa sobrang pagka frustrate.

Napagdesisyonan ko ng lumabas ng medyo na himasmasan ako.

"Bet.." Agad akong sinalubong ni cybier ng yakap nya. Nagpumiglas ako at tinignan ang mga kaibigan kong naka tingin sakin ng nag-aalala.

"I don't want to ruin this celebration, so let's go to the dance floor!! Party party!!" Masaya kong sabi sa kanila at hinatak sila amelia, zoey at lucy paalis don. Di ko na muling tinignan pa sila mark at cybier.

"Are you okay?!" Malakas na tanong ni zoey dahil sa lakas ng sounds.

"Yeah,dont mind me!" Sumayaw kami at tumalon-talon. Nadadala kami ng sounds,ayoko munang mag-isip ng kung ano-ano at mag-eenjoy na lang muna ako.

Nang mapagod kakasayaw ay pumunta muna kaming counter para uminom ng alak. I want to get wasted tonight. Bahala na kung anong mangyari kinabukasan.

"Kuya! One hard drink please!" Naka ngiti kong sabi sa bartender at humupo na sa high chair.

Pagka abot nya sakin ay tinungga ko 'yon agad at nanghingi pa ng isa.

The One That got Away Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz