Kung si Angela pa 'to, siguro matutuwa pa ako pero dahil alam kong plinaplastik lang ako ng babaeng 'to, tignan natin kung sino mas marunong sa pagiging plastik. I opened my LV Bag at kinuha ang notes ko kung saan nakalagay ang mga maling sagot in case na may gustong mangopya sa 'kin. 

Napaghahalataan lang na hindi talaga sila nagfofocus sa discussion because even a bit of information ay hindi nila magawang I-check kung tama ba ang sagot o hinde. I know what I'm doing is not good but atleast, this will serve them as a lesson. Eto rin ang dahilan kung bakit may mga so called 'Bashers' ako dahil sinasabihan akong pabibo o di kaya ay pasikat.

 Is it my fault if I'm studying hard compared to them? I just really hate those people who are so insecure to others yet, they can't even appreciate their own selves. Inabot ko sa kanya ang notes ko.

 "OMG! Thank you so much, Kaye. The best ka talaga!" Pagkakuha niya ay tumakbo na agad siya paalis. Napailing nalang ako. Dumiretso na ako sa elevator at pinundot ang floor kung saan ang first class ko. 

 "Beshhhyyyy!!!" Maingay na bungad sa 'kin ng baliw kong kaibigan. Nagawa pa niyang yakapin ako nang mahigpit na halos hindi na ako makahinga. Akala mo naman ilang dekada na kaming nagkita at miss na miss na niya ako. 

 "Ingay mo gagi," ani ko. 

 "Kumusta na kayo ng future darling mo?" 

 "Darling?" 

 "Dzuh... Si Aurcel." Geez. Napailing nalang ako sa sarili niyang endearment. 

 "You're so baduy." I rolled my eyes at her at naupo nalang sa upuan ko. Nilabas ko naman ang book ko para makapag advance reading muna. 

 "Nyenyenye. Mas baduy ka tsaka magbabasa ka na naman?! Bilib talaga ako sa kasipigan mo." Sinubukan niya pang isara ang libro ko kaya kinurot ko siya sa tagiliran.

 "Grabe ka naman! Sakit nu'n ah. May assignment ka diba? Puwede pakopya?" She giggled. Nagpout pa siya sa harapan ko kaya umakto akong parang nasusuka. Nilabas ko naman ang isang libro ko at binigay sa kanya. This time ay tamang sagot na ang nakalagay. 

 Isang subject lang ang meron kami ngayon kaya siguradong mangagawit ako kakaupo at aantukin syempre. Ikaw ba naman ang makinig lang sa discussion ng isang subject nang halos apat o limang oras, tignan ko lang kung aabutan ka pa ng buhay. 

 "Siiiiisss, kailan pa 'to matatapos? Huhu." Tinignan ko ang katabi ko habang pinipigilan ang pagtawa. Pa'no ba naman kase eh nakasuot siya ng shades na may matang nakaprint. Mabuti nalang at matanda na ang Prof at hindi gaanong napapansin ang kabaliwan ng kaibigan ko. Madalas talaga niya 'yang gawain lalo na sa loob ng classroom habang natutulog.

 "Matulog ka nalang diyan." 

 Matapos ang isang dekada ay sa wakas natapos na rin ang klase. 

 "Huy, gising!" Niyugyog ko si Angela dahil tapos na ang nakakaantok naming discussion.

 "Kyaaaahhhh! Anong meron? Bes! Bes! May sunog ba?!" Malakas na batok ang binigay ko sa kanya. Halatang nasa mundo pa ng mga panaginip at lutang pa. 

 "Ouch naman! Kahit kelan talaga, napakasalbahe mo sa 'kin." Hindi ko nalang siya pinansin at inayos na ang mga gamit ko. 

 "May pupuntahan ka ba?" tanong niya sa 'kin. Naalala ko naman ang usapan namin ni Aurcel kanina na susunduin niya ako. 

 "Yep."

 "Saan? Sama akoooo." 

 "I'm with Aurcel." Napasimangot siya nang banggitin ko ang pangalan ng kapatid niya. 

 "Ay, no thanks nalang. Ayaw kong maging third wheel." Akala ko ay hihintayin pa niya ako pero mas nauna na siyang lumabas nang hindi man lang nagpapaalam nang maayos. 

 Tsk. Bastos talaga nu'n.

 My phone is ringing at agad ko naman itong sinagot nang mabasa ang pangalan ni Aurcel.

 "Tapos na klase mo?" He asked on the other line.

 "Uhuh. Nandito ka na ba?" 

 "I'm here at the parking park already. I'll just wait you here." He ended the call at lumabas naman ako ng room namin. 

 I didn't even bother to fix myself dahil ayaw ko nang mas paghintayin pa siya nang matagal. Hindi pa nga kami totally okay... 

 "Kanina ka pa?" tanong ko nang makarating sa parking lot. Pinagbuksan naman niya ako ng pinto.

 "Yeah. Maaga kasing natapos 'yong klase namin kaya dumiretso nalang ako dito."

 "Hanla sorry. Dapat naglibot-libot ka muna." Nakaramdam naman ako ng hiya dahil nadagdagan na naman ang atraso ko.

 Goooossh! What have I done in my past life at feeling ko hindi ko siya deserve? 

 "No, it's okay. I'm willing to wait for you no matter how long it takes."

_ 

 "Are we okay now?"

 Nahihiya kong tanong habang pinagmamasdan ang mga maliliit na tao sa ibaba. Dinala kase niya ako sa isang restaurant pero mas pinili naming tumambay sa rooftop nito. Napayakap ako sa sarili ko nang bumalot sa 'kin ang malakas na simoy ng hangin. Naramdaman ko namang pinatong sa 'kin ni Aurcel ang coat niya.

 "Kailan pa tayo hindi naging okay? Nagtampo lang ako kanina but it doesn't mean that we're not okay." 

 "Really?"

 "Malalaman mo lang na hindi tayo okay kung hindi mo na ako magawang kausapin pa." Medyo naguluhan ako sa sinabi niya. 

Tatanungin ko pa sana kung anong ibig niyang sabihin nang may tumawag sa kanya. Hindi na siya lumayo pa sa 'kin at mas pinili nalang na sagutin iyon sa tabi ko. 

 "Hello? Who's this?"

 Para malibang naman ako ay kinuha ko at cellphone ko at chineck kung may messages ba ako. Nang makita kong puro mga 'Hi' at 'Hello' galing sa mga random schoolmates ko o di kaya ay mga taga ibang campus ay inoff ko rin ito agad. May nabasa pa akong nanghihingi ng number ko. 

 Geez...

 "Nichole?! I'm glad that you're back... Really?... Okay, okay I promise... See you soon." Abot hanggang tenga ang ngiti niya nang ibaba ang phone. 

 "Who's that?"

 "Somerc's ex is back."

His HeatherWhere stories live. Discover now