26 : Otitis

35.9K 1.1K 213
                                    



Aviona

Tuwing mabigat ang loob ko, napapansin ko ang malakas na pag-ulan na para bang nakikisang ayon ito sa nararamdaman ko.

Nagulat na lamang ako ng makita ko si Luke na nakaupo sa may couch habang nakapikit, halatang hinihintay akong umuwi. Hindi ko kase siya nirereplayan. I did not text him the whole day. Kaya naman ay nakita ko siyang nakasimangot sa akin ngayon. His arms crossed na para bang pikon na pikon sa akin. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

I just walked near him, sat down beside him and hugged him tightly.

" I missed you today" I whispered trying to appease his feelings.

" Nakasimangot na naman ang governor ko. Ngiti ka naman diyan. Di ka na busy ngayon?" Tanong ko sa kaniya.

" Busy" Sagot niya. Talagang napipikon nga talaga siya.

" Eh ba't ka umuwi. Baka di mo pa nakausap iyung ibang kanining umaga pa naghihintay para lang makausap ka" Panenermon ko sa kaniya.

" Ba't di mo sinasagot tawag at text ko" He demanded like a teenager.

" Sinagot ko naman text mo kanina ah" Patay malisya kong sagot sa kaniya

" Kaninang 7 pa iyon. Nagtext ako ng 8 tapos 9. Pero hanggang ngayon di mo sinasagot text at tawag ko" Pikon nga

" So kaya ka umuwi dahil napipikon ka na sa akin" I stated the obvious.

" Umuwi ako dahil namimiss ko na ang girlfriend ko na hindi ako nireplayan at sinagot sa mga tawag ko." Napahigpit ako ng yakap sa bewang niya.

" Sorry na. May importante lang talaga akong pinuntahan." Wika ko.

" Kiss mo nga ako" Palalambing ko sa kaniya. Nilayo niya ang labi niya ngunit hinila ko siya para sa isang matamis na halik.

" Di kita matiis. Masyado kang guwapo para isnabin ko lang." Pingot ko sa ilong niya. Napatingin tuloy ako sa mga mata niya. Halatang halata ko ang sobrang pagod sa mga mata niya. Hindi niya iyon maitatago.

Suddenly, my heart fluttered because of too much emotions.

" Kamusta ang araw mo?" I asked him.

Tumango ito bago nilagay ang isa niya braso sa balikat ko.

" Tiresome but worth it" He answered shortly.

" You're good at what you do Luke. And I'm so proud of you. Lagi mo sanang tatandaan na bilib ako sa 'yo. The people see that you're a good leader" Iyun nga lang at hindi nila tayo tanggap. Gusto ko sanang ituloy.

" Continue what you do. When the time comes that you feel tired and you wanted to give up, always remember that it is your legacy to help people. Magbakasyon ka din minsan kase. Pumunta ka ng Hawaii. Balita ko maganda daw dun. Madaming coconuts daw." I said.

" Yeah. I need a break from work. Hindi pa kita naidedate sa ibang bansa. Bukas gusto mo. I'll book a flight tomorrow" He suggested. Umiling ako.

Not this time. I have other plans. Plans he needs to know. Plans I intend not to keep from him. It's better this way. Hindi naman siguro masama kung sarili ko naman ang piliin ko sa pagkakataong ito.

" Someday Luke. Someday. But not now." Napatingin na siya sa akin ngayon. Iyung naiinis niyang mukha kanina ay naging seryoso na.

" What do you mean" He demanded. Tipid akong ngumiti.

" We-we need a break Luke" There. I've said it. Naramdaman ko ang paghigpit ng kamay niya sa bewang ko.

" No. Ayoko." Sagot niya agad.

" Luke-"

" I said NO! Ano ba sa ayoko ang hindi mo maintindihan. Walang susuko Avi. Ngayon pa na handang handa na akong bumaba sa puwesto" Ramdam ko ang magkahalong galit at takot sa boses niya.

" Nasisira ka dahil sa akin Luke. Lahat ng pinaghirapan mo, mawawala sa 'yo ng dahil lang sa akin at ayokong mangyari iyon dahil alam ko kung gaano mo kamahal ang trabaho mo" I said. I was trying so hard not to cry in front of him.

" Lintik na dahilan naman iyan, Avi! Wala akong pakialam sa pagiging gobernador ko. So what now if I am no longer a governor? I don't want to be governor without you. Nakapagdesisyon na ako Avi. Bababa na ako sa puwesto" He said. Ako naman ngayon ang umiling sa sinabi niya.

" No. Huwag mong gawin iyon." I begged

" Then don't fucking leave me! Damn it! I don't know if I could still take the pain if you leave me Avi." He whispered. I hugged him tighter this time.

" Give me time, Luke. Iyon lang ang hinihingi ko sa 'yo. I don't want you to love a broken woman. Ayokong magmahal ka ng babaeng may galit sa puso. Time. That's all I ask from you. Someday, when that time for us comes, I will surely come back to you wholly and in complete surrender. I promise you that" Wika ko. Napayuko ito bago umiling.

" Hindi ko kaya, Avi" He whispered. Pinunasan ko na ang mga luha sa kaniyang mga mata. Bago ko ito hinalikan.

" I love you, Governor" I wiped again his tears.

-----

Unholy Sinner  [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon