25 : Arthritis

33.9K 997 61
                                    


Aviona

The days went so fast and we're still fighting. Pero imbes na umayos ang lahat ay maslalo lamang lumalala ang sitwasyon. The people wants Luke to step down. Sobrang paninira na kase ang ginagawa sa akin. Almost every rumors about me are all lies. Palagi kong nakikitang pagos si Luke. He smiles when he's with me, he acts as if everything is under control but I know that we are facing a huge problem.

Nawawalan na ng respeto ang taong bayan sa kaniya. I'm slowly pulling him down with me and I don't like it anymore.

Hindi na kinakaya ng konsensya ko. Wala akong laban sa mga sinasabi ng iba. Nasasaktan ako dahil kahit anong gawin kong pagtatanggol sa mama ko ay palagi nila akong sinasampal ng katotohanang isang pokpok ang nagluwal sa akin. Masakit. Sobrang sakit na. Napahawak ako sa dibdib ko ng makaramdam ako ng sakit.

Ininom ko agad iyung gamot ko. Nagiging madalas na ang pagsakit ng dibdib ko na para bang hindi ako makahinga ng maayos. Napag-isipan kong bisitahin ang doktor ko.

" Stress and too much emotions. Bawal sa 'yo iyan Avi. You have to remember that you have a fragile heart. Kahit anong minuto ay puwedeng bumigay iyang puso mo. Hindi sapat na iniinom mo ang mga gamot mo. And I'm telling you this again. Bawal sa 'yo ang magbuntis so if you get intimate with someone, make sure not to get pregnant because it will cause you your life" Paulit ulit nalang na sermon sa akin ng doktor ko.

" I'm taking pills don't worry." I said out of nowhere. Huminga siya ng malalim.

" Alam kong mahirap ang pinagdadaanan mo ngayon Avi. I'm updated with the news at ayoko ng naririnig ko dahil maskilala kita kaysa sa kanila. Mapanira ang mundo ng media at concern ako sa yo. Can't you not love a different man, Avi? Iyung hindi sikat. Iyung hindi ka sinasaktan ng ganito. Because I can see it in your eyes. You are hurting but still you choose to love him no matter what and ignore the pain because you're merely in love. Pero para sa akin, may kaakibat na sakripisyo ang pag-ibig. And It pays guts to love a very influencial man. It's not easy. It's never easy at all. But you also have to guard your heart, Avi. You have to give yourself the love that you deserve. Yes, nagmamahal ka nga, lumalaban ka nga dahil mahal mo siya pero hindi mo namamalayang nasisira ka na pala unti unti. It's love. You cannot question it. But love comes with important ingredients. Hindi sapat na may pundasyon lang ang pag-ibig. Hindi puwedeng sabihin mo na tama ang pag-ibig na meron ka dahil tama ang ang taong iniibig mo. That's not it. It also has to come with good timing. Right place and right time. I don't like seeing you sad, Avi. You smile but that's not how to smile. You laugh but you do it wrongly. Sana ay mahanap mo kung ano nga ba ang kahulugan ng buhay. You have so much to learn Avi. At alam kong kayang kaya mo. Making wise choices but hurting really bad in exchange will make you realize more in life. I'm always here. I may be your doctor but I can always be you friend" Wika sa akin ng aking doktor. Hindi ko alam ngunit napayakap na lamang ako sa kaniya. I hugged her really tight. Hindi ko namamalayang napahagulgol na pala ako sa iyak.

" Cry now but smile tomorrow. Do not keep the pain, Avi. I may not know it all but please, find a reason to let go of all the pains you have inside." She whispered.

" Kayang kaya mo iyan, ikaw pa. Ang Aviona na kilala ko ay isang strong and i dependent woman. May paninindigan sa buhay at kailanman ay hindi sumusuko." Napangiti ako sa sinabi ni Doc.

Tumango ako.

" I will. Hindi kita bibiguin. Salamat. Kailangang kailangan ko lang kase talaga ng taong makapagsasabi sa akin na importante din pala ako." I wiped my tears.

" Andiyan si Luke. Mahal ka nung gobernador na iyun. And I know that your decision will always be very significant to him. But always remember, guard your heart." She gave me another warm hug before I left her clinic.

-----

Unholy Sinner  [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon