"Ah oo..." sinusubukan kong alalahanin kung anong name nung nakilala ko sa isang bar.Nag-aaral raw siya sa USH e.

Mga panahong,sobrang haliparot ko pa kaya lagi ako sa bar.Tamang hunting lang ng pogi.

"Nakalimutan ko na name pero i know her face parin naman" i said

"Sana nga di sila masyadong ma-attitude kagaya mo" sabi ni Ate Brei kaya inirapan ko siya

"Wait..diba yun yung school na pinapasukan nung Kai? Yung sobrang hot na basketball player?" Si Cole

Omg oo nga palaaa.Si Kairo Fernandez,yung crush ko NOON.

Stop na pagiging malandi Coleen.May Gabb ka na,okie?

"Hot ba yun? E mukha namang aso" natawa ako sa sinabi ni Ate Brei.

Okay haha gaizz gusto ko lang ikwento sainyo 'to.

Nagkaroon kasi sila ng alitan nung Kairo na yun.Nangyari yun nung dumayo si Kai kasama mga barkada niya dito sa HHU dahil sa basketball training nila.

Sa di inaasahang pangyayari habang nanunuod kaming tatlo nina Ate Brei at Cole ay sumakto sa mukha ni Ate Brei yung bola na inihagis ni Kai.

Instead of saying sorry to Ate Brei ay tumawa lang siya,kaya yun sinapok siya ni Ate Brei sa mukha HAHAHA ano pa bang aasahan niyo kay Ate Brei e warfreak rin yan minsan..

Kahit mukhang duwende yan kaya ka niyang patulugin ng wala sa oras,knock-out tuloy si Kai.

"Pagkatapos nang nangyari sainyo di ko na siya nakita" sabi ko

"Kamusta na kaya black-eye non noh?" Tawa ni Cole "astig mo dun Ate Brei,small but terrible"

Ang lakas kaya ng pagkakasuntok niya.

"Hayst ewan ko sainyong dalawa,makinig na nga kayo" sabay kaming piningot ni Ate Brei

Sakit nun ah! Animal.





"Hindi ba kayo sabay kumain ni Gabb?" Tanong ni Ate Brei habang otw kami sa Cafeteria

"I dunno,baka nauna na yun" sagot ko

"Yowowo! Papunta kayong cafeteria?" Biglang sumulpot si Ate Alice na mukhang galing sa SC room.

"Oo Ate,sasabay ka nang lumamon?" I asked

"Oo sige sige,kakatapos lang rin ng meeting namin" she said

"Bat di mo nga pala kasama jowa mo Coleen?" Dugtong niya

"I dunno" sagot ko

Nang makapag-order na kami ay kaagad na rin naming inumpisahan ang kumain.I checked kung online si Gabb para tanungin kung kumain na ba siya pero minsan lang pala yun nag-oonline.

"Problemado si Coleen,huwag kang mag-alala wala namang babae yun" wika ni Ate Brei

Pinagsasabi neto.

"Ayan na pala siya oh!" Kaagad akong napatingin sa entrance door para makita si Gabb pero kainis "joke lang! Hahaha bilis ah!" Dugtong nila

LOVE WARNING // (UniCoco Series: I)Where stories live. Discover now