3

18 0 0
                                    


Chapter Three

Its cold...


Amoy aircon ang silid at ramdam kong nakahiga ako sa malambot na kama. My body feels comfortable and I didn't want to open my eyes yet.



Naririnig kong tumutunog ang telepono malapit sakin kaya dumilat na ako. Cellphone ko pala ang tumutunog.




Zellaa calling...




"H-hello?" Medyo masakit ang lalamunan ko.



("You at home? Damn naparami ata inom ko kagabi sakit ng ulo ko sobra")



Nilibot ko ang tingin ko at hindi pamilyar sakin ang silid. Nasan ba ako?



"Y-yeah I'm at home".




("Sino bang naghatid sakin kagabi?")




"I think si Aerol ang naghatid sayo masyado mo kasing naharass yung crush mo eh". Medyo natawa ako na maalala ang ginawa niya kagabi.



("Fuck! Totoo?! Anong ginawa ko?! Huhu baka hindi na niya ako magustuhan!")



"Relax nilayo ka naman ni Aerol, sige I'll go and get ready ikaw din".



("Hindi ako papasok bukas nalang tinatamad ako")



"Ewan ko sayo babye na".



Binaba ko ang phone ko't umupo sa kama. Malaki ang kwarto at simple lang siya. Pareho lang din naman ang suot ko salamat naman.




Sino bang nakapulot sakin kagabi?



Minasahe ko ang sentido ko't tiningnan ang mukha ko sa screen ng phone ko. Nagulat akong makita ang mukha kong walang make up.



"Putek nakipag laplapan ba ako kagabi?". Nataranta akong bumangon sa kama at dumiretso sa banyo.



Pagkalabas ko ng banyo ay may nakita akong maliit na papel na nakadikit sa lamp shade.




Fix the bed before you leave.

-S





Tulad nga ng sabi ng may-ari inayos ko ang higaan at kinuha sa beside table ang phone at wallet ko. Buti nalang hindi siya nangupit baka wala na akong perang pang uwi neto.




Eto ang nakukuha ko sa impluwensya ng mga kaibigan ko eh! Kakatayin ako ng tatay ko pag nalaman niyang nalasing ako at natulog sa ibang lugar.




Masakit padin ang ulo kong lumabas ng kwarto at napahinto ako sa pinto nang makita kung gano kalaki ang condo. Grabe naman parang bachelor naman ang may ari nito.



Modern style siya, malinis ang paligid dahil puti at brown ang theme. Hindi ko kilala kung sino pero alam kong maraming pera tong nakapulot sakin.



May nakadikit na papel din sa may keyholder.




Lock the door.

-S




Sana naman binilinan niya ako ng breakfast at lagyan din ng sticky note na 'eat your brealfast' o 'don't leave without eating' para sweet. Sayang.


Napansin kong nakalapag ang isang calling card sa may divider at nakita ang pangalan ko don.



"Tangina ba't nandito to?!". Kinuha ko kaagad at binulsa't mabilis na lumabas ng condo.



Then, in SummerWhere stories live. Discover now