Chapter 6: Jealous

5 0 0
                                    

I can't explain his smile yesterday, it was so genuine. Hindi ko din lubos maisip na magiging masaya ako ng ganun. Pagkatapos naming kumain inihatid na niya ko sa condo.

I was doing my routine when I saw his name popped up on my screen. Dali dali akong naglagay ng mga dapat kong ilagay para mabasa ang kanyang mensahe.

Franz:
I'm home Viel. Thanks for this day. You made me really happy. I will forever treasure this moment with you☺

I smiled to his text, hindi ko alam na sa simpleng mensahe niya ay iba ang nagiging epekto nito saakin, tila may mga malilikot na insekto sa aking tiyan. Tila aabot ng langit aking ngiti. I replied to his message.

Ako:
I'm done doing my routine.
Welcome☺. I am indeed so happy too. Thank you also for this day, even it was an epic😆

We exchange messages until I drove myself to sleep. Nagising ako kinabukasan ng may magaan na pakiramdam. Ginawa ko ang mga dapat kong gawin bago pumasok.

Pababa na ako ng kotse ng makita ko ang lalaking nakabangga sa akin kahapon. Bumalik na naman ang aking iritasyon, bwesit na lalaking yan. Bumaba ako at dumitso papunta sa aming room. Nakita ko sina Court at Reinna na iba ang titig sa akin, may halo itong ngisi.

"What?" Taas kilay kong tanong sa kanila.

"Well, any news bessy?" Ngising tanong ni Court saakin habang inaayos ang aklat.

"Saan?" Maikli kong tanong.

"Ano ba naman yan Viel! Kainis ka naman eh, news sainyo ni Franz, ano pa ba?" Sabad ni Reinna na di na ata nakapagpigil. Alam ko naman kung anong tinutukoy nila, tinatamad lang akong magkwento pa.

"Well, okay naman kami, he's courting me." Simple kong sagot sa kanila. Laglag ang panga ng mga letse.

"Oh, laway niyo, tsk." Naiiling kong baling sa kanila. Tumawa ako sa mga reaksyon nila, ang OA ah.

"Ay tang'na! Speed!" Utas ni Court ng makabawi sa pagkabigla.  Tumawa lang ako sa kanila at hindi na nagkwento. Si Reinna naman ay nakangisi lang at di na nagtanong pa. Buti pa yun, marunong makiramdam.

Natapos nag klase namin ng matiwasay. Same pa din naman tulad nung dati kapag nagkakasama kaming apat. Binalita na din nila kay Ream, tulad ng reaksyon nung dalawa ganun din sa kaniya. Kinukulit lang nila ako kung anong nangyari, since alam kong hindi sila titigil, ikinuwento ko na lang sa kanila ng matahimik. Parang sinisilihan ang dalawang babae ng sinabi ko sa kanila ang nangyari kahapon, si Ream naman ay natural lang na reaksyon. Humagalpak lang sila dun sa part na magbabayaran na. Mag letseng yan, agaw eksena ang tawa!

Ilang linggo na ang nakalilipas simula nang humingi ng permiso si Franz na kung pwede manligaw. Wala namang palya ang pagpapalitan namin ng mensahe. Minsan pumupunta siya sa school kapag hindi siya busy. Magtatapos na ang sem, at dun ko siya balak sagutin, para wala ng hassle. He was patient naman, hindi naman siya nagtatanong kung kailan kami magiging mag on, na sabi nila.

Kasalukuyan akong nasa cafeteria ng biglang lumitaw ang lalaking hinayupak na bastos. Papalapit siya sa mesa ko, I was here to have my breakfast. Ramdam niya sigurong masama ang tingin ko sa kaniya kaya nag iwas siya ng tingin, pero alam kong papunta siya sa akin. Umirap na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain.

"Hi!" Mahina niyang usal. Hindi ko siya pinansin dahil naiirita talaga ko.

"I just came here to say sorry for what happened last time." Sabi niya pa ng hindi ako umimik sa kaniya.

"I was really in a hurry that time, kaya di kita natulungan, I know that it was really rude, kaya lang mahuhuli na ko sa klase at malayo ang building ng sunod kong klase." Pagpapatuloy niya. Inubos ko ang kinakain ko bago ako nag angat ng tingin sa kaniya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 20, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hey, My AlmostWhere stories live. Discover now