Panimula

5 1 0
                                    

Pano koba ito maitatalakay ng ayos. Diko alam kung san ako mag sisimula kasi ewan ko kung kailan ako huling nag sulat ng may kabuluhan eh. Siguro ang huli ata ay yung practical research 2 ko na hindi malaman kung ano ba talaga ang pinupunto ng pananaliksik na iyon kaya naman naka tanggap ako ng nangangamoteng 75 dahil sa kakamotehan ko. Ewan ko sino nga ba ang mageenjoy sa pananaliksik tungkol sa buhay ng mga ipis. Kahit siguro ikaw hindi ka sisipagin don

Pero subukan kong itry magsimula sa simula, hahaha diko din talaga naintindihan sinasabi ko. Pero dina mahalaga yon dahil kasingsing bilis ng pagpikit ng mata ko ay ang pagbabago ng aking mga pinaniniwalaan. Ang mga kwentong bayan at mga alamat na inaakala ay totoo pala na kung ikaw ang makaka kita ay hindi mo paniniwalaan

Mga bagay na tila sa aklat at tanlap(TV) mo lamang makikita at mababasa. Mga nilalang na di mo akalaing totoo't nabubuhay din pala. Dito ko na sabi na lahat ng mga akala kong tunay ay peke at lahat ng akala kong peke ay tunay

Kung itong aking ikukwento ang mamarkahan ng guro ko sa pananaliksik marahil ay bigyan niya ako ng 120 na marka dahil sa aking natuklasan

Dalawa lang naman ang dahilan ko kung bakit ko gustong sabihin ito sayo/sa inyo

Yun ay dahil gusto kong magbigay ng babala at pinag iingat kita dahil sa mundong ito hindi lang tao, hayop at halaman ang nabubuhay

Hindi kita masisisi kung hindi mo ako pagkakatiwalaan o hindi ka maniniwala na ito ay totoo kasi sa kabila ng pinagdaan kong sagupaan at labanan na halos maputulan nako ng ulo at malagay na ang buhay ko sa bingid ng kamatayan ay hindi parin ako makapaniwala na ito ay totoo

Ang ikalawa kong dahilan ay sobrang importante para sakin

Dahil gusto kong ibahagi sainyo ang aking mga makapigil hiningang pinagdaan at para narin masabi na ang lahat pinagdaan ko ay totoo kasi kung malasin man ako sa mga susunod na araw ay matatandaan niyo na mayroong isang Isko na naglakbay at kumalaban sa mga halimaw na gustong pagharian ang sanlibutan habang ang mga tao ay walang kaalam alam

Oo Isko ang ngalan ko pinaiksing Francisco na nakuha ko mula sa ama ko na nakuha nya sa lolo ko. Oh diba napaka makata ng aking ngalan. Hindi ko gusto na ganoon ang ngalan ko pero  okay na yon kesa naman Burnok pinaghalong Buseng(nanay) at Noknok(tatay) diba mas mabantot yon kagaya nung pangalan ganon din siya kabantot

Sino si Burnok? Malalaman niyo yan ayoko lang ng spoiler

Oo nga pala kaya niyo ito nababasa ay dahil sa kaibigan kong si Sixth naisip niya kasing isulat ito at ako ang ginawa niyang pangunahing tauhan imbis na si..(screeeechh) opss bawal spoiler ulit

Basta ang dahilan kung bakit niyo ito nababasa ay dahil kay Sixth

Pero balik tayo sa paksa dahil tila na lalayo na tayo

Ayun na nga ako si Isko at gusto kong ipaaalam sa inyo na sa mundong ito maraming misteryo ang bumabalot at kung handa kana upang malaman ang mga misteryong ito na tinago ng mga tao simula pa noong unang panahon

Halina at sasamahan kitang tuklasin ito sa papamagitan ng kwento ko at ng sulat ni Sixth

Tayo na at tuklasin ang mundong puno ng Hiwaga at Kababalaghan

******

Pahabol na sulat mula sa inyong maestro

"KUNG NABABASA MO ANG MGA SALITANG NAKASULAT DITO AY PINAGIINGAT KITA, ANG MGA TAONG NAKAKABASA LANG NG MGA LETRA SA AKDANG ITO AY KATULAD NAMIN, ISANG HINIRANG NA MANDIRIGMA KAYA NAMAN KUNG NASAN KA NGAYON AY MAGTAGO KA SA PINAKA LIGTAS NA LUGAR NA ALAM MO, HINTAYIN MO KAMI AT PAPARATING NA ANG MGA MAGLILIGTAS SAYO MULA SA MGA KAAWAY NA HINDI PA NASISILAYAN NG MGA MATA MO"

LOVE YOU MWA MWA CHUP CHUP
INGAT PALAGI,
LOVELOTS.

SINCERELY YOURS,
MAESTRO ISKO

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Si Isko Sa Mundong MahiwagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon