Paunang Salita

10 1 1
                                    

Naniniwala ka ba sa aswang, halimaw at mga engkanto? Kasi ako, oo dahil nakita... hindi, nakasagupa ko na ang mga ito. Iba't-ibang uri at iba't-iba ang mga itsura nila. Hindi sila madali makita dahil karamihan sa mga halimaw na ito ay may kakayahang mag-anyong tao o hayop man

Nakikisalamuha sila sa mga tao at ikinukubli ang kanilang mga tunay na anyo upang hindi sila matugis ng kanilang kalaban. Gusto mo pa ba na malaman ang iba pang mga hiwaga na bumabalot sa mundong ito?? Pero bago ang lahat binabalaan kita

Ang lahat ng iyong matutuklasan ay kailangan mong ilihim sa lahat dahil ayon nga sa aking sinabi, may kakayahan silang mag-anyong tao at hindi natin alam kung sila ba ay nasa iyong paligid lamang

Hindi kita tinatakot o kung ano pa pero kung natatakot ka ay huwag mo na lang ituloy ang pagbabasa. Kung ikaw naman ay matapang, halina't sasamahan kita upang malaman ang tunay na misteryo ng ating sanlibutan

Si Isko Sa Mundong MahiwagaWhere stories live. Discover now