One
"Ang swerte mo 'no, may pamilya ka na---masaya! Lahat ng bagay na magpapasaya sa 'yo, nakukuha mo." Bakas ang lungkot sa tinig ni Shane habang magkatabi kaming pinapanood ang anak kong si Apple at ang asawa kong si Brent. Naghahabulan sa dalampasigan. Malakas ang tili ng bata na halatang masayang-masaya na kalaro ang kanyang ama.
"Maghintay ka lang dadating din 'yong taong hindi ka lolokohin at mamahalin ka na tulad nang pagmamahal ni Brent sa akin." Bakas sa tinig ko ang kasiyahan bilang asawa ni Brent, proud sa pagiging loyal ng asawa ko.
"Mayroon pa kayang gano'n?" sabi nito saka bahagyang tumawa. Puro sablay kasi ang mga past relationship nito. Hindi ko nga alam kung bakit nagiging gano'n. Samantalang okay naman itong best friend ko.
"Mayroon 'yan, tiwala lang!" sabi ko rito saka tinap ang balikat nito. Saksi ako sa lahat ng heartbreaks ni Shane. Kaming mag-asawa na kaibigan na ito simula pa noong college kami. Meron naman itong hinabol-habol na lalaki pero hindi ito natipuhan. Isa rin sa mga kaibigan namin, si Zack. Si Zack na iniwan na kami sa hindi ko malamang dahilan.
"Mommy!" sabi ng anak ko na tumatakbong palapit sa akin. Halata ang takot sa mukha ng asawa ko dahil sa takot na madapa ang apat na taong gulang naming anak. Yumakap agad ito sa akin nang nakalapit na at dinilaan pa ang daddy nito. Mamula-mula ang balat nito tanda na nagtagal sa arawan.
"Tama na 'yan, pawis na pawis na si Apple!" saway ko sa asawa ko na humalik pa sa sintido ko saka sa anak naming panay ang hagikgik dahil sa pangingiliti ng ama. Nang malingunan ko si Shane bahagya itong ngumiti. Bakas sa mat anito ang ingit habang pinanonood kami. Nginitian ko ito. Alam ko na darating din 'yong time na makikilala nito 'yong lalaking magiging reason ng happiness nito.
"Magpahinga na muna tayo. Kanina pa naglalaro itong batang makulit. Ikaw,Shane?" tanong ko rito. Kanina pa kami rito. Simula nang pumunta kami sa dalampasigan 'di na tumigil kalalaro si Apple kaya naman tiyak kong pagod na ito.
"Dito muna ako!" sabi nito saka kumaway sa amin. Kinuha ni Brent ang anak naming si Apple saka kami naglakad pabalik sa cottage na nirentahan namin.
Pagpasok namin sa cottage na tinutuluyan namin ay agad kong inasikaso ang anak para makapagpahinga na. Mukha pa naming may energy ito para maglaro, pero kailangan din nitong magpahinga.
"Daddy, bakit ako isa lang ang mommy 'yong classmate ko may 2 mommies daw s'ya!" Nagkatinginan kami ni Brent sa biglang tanong ni Apple sa kanyang ama. Hindi agada ko nakasagot.
"Gusto mo ba?" nanlaki ang mata ko sa tanong ni Brent, Mabilis kong kinurot ang tagiliran nito. Alam ko naman na nagbibiro lang ito. Never n'yang magagawa iyon sa akin. Mahal naming ang isa't isa.
"Oh, baby oh! Si mommy kinukurot ako!" sumbong pa nito sa anak namin.
"That's bad, Mommy!" nanunulis ang ngusong sabi nito. Mas lalong namula ang pisngi nito.
"Gusto mo ng ibang mommy kaysa sa akin?" nakaangat ang kilay na tanong ko sa anak. Pero pinipigil ang ngiti dahil tiyak ko naman ang isasagot ng anak ko.
"No, no! kaw lang ang Mommy ko! I love you!" napangiti ako pero pasimple pa ring kinukurot ang tagiliran ni Brent na tawa nang tawa.
Pagkatapos ipaliwanag kay Apple ang tanong nito ay pinatulog muna namin si Apple na binantayan na ng Yaya nito sa kwarto nito. Bago kami pumasok sa kwarto naming mag-asawa. Mabilis itong yumakap sa akin. Naglalambing na naman. Alam ko na ang pakay nito. Lalo't pilit na kinakapa ang harapan ko. Pasaway!
"Inaantok ako, Brent. Pwede later na lang?" sabi ko rito saka humiga sa kama. Humihingi nang pasensya ang tingin para sa asawa na biglang napasimangot. Alam ko namang miss na rin nito ang makapagsolo kami. Kapag kasi galing ito sa trabaho, pagod na lang palagi. Kaya naman nakakatulog agad. Nagtalukbong ako ng kumot. Gusto ko kasi talagang magpahinga. Marahas ang naging buntonghininga nito.
YOU ARE READING
Broken Vow - Melisse the broken wife
General FictionMaayos naman ang pagsasama ni Melisse at Brent. Mahal na Mahal nila ang isa't isa simula pa noong college, nagpakasal at nagkaroon ng anak. Pero yung masayang pamilya na binuo nilang dalawa nagbago dahil sa isang hinala. Hinala na nauwi sa pagkabuha...
