"Dadalhin kita sa emergency room. May tama ka" madiing sabi ng kapatid kong si Kenzo sa akin. Tsaka lang ako bumalik sa wisyo dahil aa kanyang paglapit. Duon ko lang din napansin ang patak ng dugo sa sahig na nanggagaling sa sugat sa aking braso.

We almost lost Dad. Hindi naging madali iyon para sa pamilya namin. Ako ang sumalo ng lahat ng naiwang trabaho ni Daddy.

"Aalis ako. Aasikasuhin ko ang kaso" paalam ko sa kapatid kong si Kenzo.

Kumunot ang kanyang noo. "Ang kaso ba talaga ang puputahan mo duon, o ang anak ng kriminal?" tanong niya sa akin.

Naikuyom ko ang aking kamao. Kaagad kong hinigit ang collar ng damit niya. Wala siyang karapatang sabihin iyon kay Tathriana.

"Bawiin mo yan!" galit na asik ko sa kanya.

Sandaling nakipagtitigan si Kenzo sa akin hanggang sa napabuntong hininga siya. "I'm sorry" paumahin niya.

Marahas ko siyang binitawan. Alam ko, pare pareho lang kaming pagod at nasaktan sa nangyari. Balita ko din ay may hindi sila pagkakamabutihan ng girlfriend niyang si Sera.

Pabalik balik ako ng Bulacan para makipagkita kay Tathi. Hindi ko iyon ipinaalam sa aking pamilya bukod kay Kenzo. Walang kasalanan si Tathriana sa nangyari. Kung ano man ang meron sa aming dalawa. Labas kami dito.

Nahirapan pa ako nung una na makipagkita sa kanya. Ramdam ko, alam kong takot siya sa akin. But, Baby I won't hurt you.

Isang mahigpit na yakap ang ibinigay ko sa kanya ng muli kaming magkita. Wala na akong pakialam.

"Tathriana, wala kang kasalanan" sabi ko sa kanya. Halos hindi niya ako matingnan sa mata, para bang takot siya sa akin. Pakiramdam niya may kasalanan siya sa nangyari kahit wala naman.

"Pero anak ako ni..."

"Wala akong pakialam kung kaninong anak ka" madiing sabi ko. Mahal ko siya, hindi iyon nabawasan sa pagiging anak niya ng taong nagtangka sa amin ni Daddy.

Pareho kaming naging abala habang lumalakad ang kaso. Siya sa pagaaral at ako naman sa companya. Kahit papaano ay nababalance ko ang oras ko sa kanya, sa pamilya at sa trabaho hanggang sa tuluyang bumaba ang hatol. Guilty.

"Hindi ito pwedeng malaman ng Daddy mo. Hindi pa ngayon" nagaalalang sabi ni Mommy sa akin ng ibalita ni Abuela na wala na si Lolo Austin.

Kailangan kong pumunta ng spain sa lalong madaling panahon. Walang ibang aasahan kundi ako lang. Kahit pa pinagmamadali na ako ng lahat ay nagawa ko pang bumyahe patungo sa Bulacan.

Malakas na ang buhos ng ulan. Pero wala akong ibang nasa isip kundi si Tathi. May usapan kaming magkikita, ayoko siyang biguin. Hindi ko siya bibiguin.

Nanghina ako at hindi na tumuloy sa paglapit sa kanya ng makita kong kasama na niya ang Kuya Cayden niya. Kahit alam kong kapatid niya iyon sa tunay niyang ama ay nakaramdam pa din akong selos. Ako dapat iyon, ako dapat ang yayakap at magpapatahan sa kanya.

Kinailangan kong umalis ng sumunod na araw ng hindi man lang nagpapaalam sa kanya. Wala akong magawa, ang sabi ni Attorney Santos at Cayden, mas makakabuti kung lalayuan ko muna si Tathi. Masyado pa siyang bata para sa ganitong klase ng gulo.

Inabala ko ang aking sarili sa pagaaral at pagtratrabaho. Don't worry Baby, ang lahat ng ito ay para sa atin. Akala ko makakaya kong baliwalain ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero hindi ko nagawa.

"Gusto ko siyang makausap" sabi ko kay Eroz ng tawagan ko siya. Hindi ko na kaya, miss na miss ko na si Tathi.

Pinilit ko siya. Nainis pa ako dahil parang may ipinaglalaban din siya. Ang sabi ko aa kanya, bantayan niya. Bakit parang may iba? Hindi ako kuntento sa mga impormasyong ibinibigay ni Cayden sa akin. I want to know more, I want more of my Baby.

The Ruthless CEO (Savage Beast #4)Where stories live. Discover now