Chapter 26

126K 4.7K 1.3K
                                    

Criminals




Halos lumuwa ang aking mga mata, nanigas na ako sa aking kinatatayuan habang ang mga tao sa aking harapan ngayon ay natataranta at umiiyak. Nahirapan akong lumunok ng marinig ko na ang pagiyak ni Charlie sa aking tabi. Kahit ganuon ay para pa din akong nawawala sa aking sarili. Hindi ko alam kung paano ako magrereact sa lahat ng nangyayari ngayon.

"Tathriana!" sigaw na tawag ni Kuya Jasper sa akin ng huminto ang aming lumang pick up sa aking harapan.

May dalawang tricycle ding dumating. Mukhang itinawag nito ng ni Tita Chona ang nanay ni Charlie, kasama ng iba pang mukhang sasama sa amin patungo sa sta. clara. Mabilis silang gumalaw pasakay ng tricycle. Kaagad iyong napuno kaya naman mabilis ding umalis.

Naging ako sa wisyo ng haklitin ni Kuya Jasper ang aking braso. Halos kaladkarin niya ako papasok sa likuran ng pick up. Mabilis na nalipat ang tingin ko kay Mama na namumulat at umiiyak ngayon sa may front seat. Busy siya at nakatutok sa kanyang cellphone. Panay ang tawag kung kanino. Kasabay ng pagandar ng pick up at paglabas nito sa patag na daan ay ang tunog ng ambulansya at pulis patrol ang sumalubong sa amin.

"Mama...ano pong ginawa nila Papa?" naiiyak na tanong ko sa kanya. Ngayon lang nagsink in sa akin ang lahat. Halos manlamig ang buong katawan ko dahil sa takot at kabang nararamdaman. Hindi ako makapaniwala.

Hindi niya ako sinagot. Nakita ko ang pagsulyap sa akin ni Kuya Jasper mula sa rear view mirror. Kita ko din ang pagaalala sa kanyang mukha pero ang kailangan ko ngayon ay isang klarong sagot. Bakit ito nangyari? Paano nagawa iyon nila Papa? Sino sino sila?

Umiyak ako habang nasa byahe kami papuntang sta. clara. Nanginginig ang aking mga kamay, sinubukan kong dungawin ang cellphone ko para tingnan kung may mensahe galing kay Senyorito baby pero wala. Duon muling nagsink in sa akin na hindi siya makakapagtext sa akin dahil nabaril nga. Kamusta na siya? Saan siya may tama? Ang Papa niya?

Nagulat ako ng hampasin ni Kuya Jasper ang manibela ng matigi kami sa daan. "Sobrang traffic na!" anya.

Dumungaw ako sa harapan. Sa ayos pa lang ng mga sasakyan ay sigurado ng ilang oras pa ang itatagal ng pagkakahinto namin. Natarantang tinanggal ni Mama ang suot na seatbelt. "Lumabas ba tayo!" sigaw niya sa amin at hindi ba kami hinintay pa ni Kuya Jasper.

Mabilis na pinatay ni Kuya Jasper ang makina ng sasakyan kaya naman naghanda na din akong bumaba. Halos lahat ng tao ay nagsilabasan na din sa mga sasakyan nila para makiusyoso. Tinakbo namin ni Kuya Jasper ang papunta sa pinangyarihan ng barilan.

Malayo pa lang ay natanaw na namin ang ilang ambulansya, pulis patrol at mga media. Anduon na din sina Charlie, mas mabilis silang nakalusot sa traffic dahil nakatricycle sila. Hingal na hingal ako ng tumigil kami sa may kulay dilaw na taling nakaharang. Walang pwedeng pumasok. 

Hindi ko na narinig ang pakiusap nina Mama at tita Chona sa pulis na nagbabantay, iginala ko ang paningin ko sa buong lugar. Mabilis na tumakbo ang mga medic sa gitna ng malawak na lupain. Duon ko lang napansin ang ilang naglalakihang truck na pang construction.

"Naitakbo na sa BMMG yung mag ama. Pero siguradong ibyabyahe kaagad iyon sa manila" rinig kong paguusap ng ilang babaeng nakikiusyoso sa tabi namin.

"Yung anak daw ang target eh, kaso humarang yung tatay. Ang daming tama! Hindi lang isang beses..." kinikilabutang kwento pa ng isa sa kanila sabay hawak sa braso niya.

"May tama din yung anak! Pero nagawa pa niyang buhatin yung tatay niya para maitakbo kaagad sa hospital!"

Halos uminit ang gilid ng aking mga mata. Naumagine ko iyon, si Senyorito baby may tama ng baril, habang buong lakas na binuhat ang kanyang duguang ama para humingi ng tulong. Para akong malalagutan ng hininga, siguradong masyadong masakit ang tagpong iyon.

The Ruthless CEO (Savage Beast #4)Where stories live. Discover now