“Of course, I will with my hands!”

“I love you so much!” he said lovingly as he touched my face.

I love you too, love.. pero bukas ko sasabihin ‘yan sa’yo sa mismong pagbaba ng araw.

You told me many things. You reminds me to take care of myself. You taught me how to love..


(Play the song attached above)

“Tita!” masigla kong bungad sa tawag niya. I heard her sobbing over the line. Hindi siya nagsasalita at tanging hikbi niya lang ang naririnig ko.

Dumagundong sa kaba ang aking dibdib habang hinihintay siyang magsalita sa kabilang linya.

“T-tita, okay lang po ba kayo? A-ano po ang nangyari, tita?” utal kong tanong.

“S-shan.. si Patrick.. si P-patrick, S-shan..”

“Tita, a-ano po ang nangyari? S-sabihin niyo po..”

My tears started to fall as she spill out the bad news..

“Na a-aksidente siya, S-shan.. he’s on his way to you when the truck bumped him.. w-wala na si Patrick, Shan.. iniwan na niya tayo..”

Nanghina ng tuhod ko at naninikip ang aking dibdib sa sinabi ng mama niya.

“N-no.. no you’re lying po.. h-hindi totoo ‘yan! Sabi niya pupuntahan niya po ako rito, e.. b-buhay po siya, tita..please.. nakikiusap akong sabihin mong buhay po siya..”

Nagtataas baba ang balikat ko habang humahagulhol at nakikiusap sa mama niya. Hindi tio totoo! Buhay pa siya.. nangako siya sa akin na hindi niya ako iiwan, e.. tutuparin niya ang mga pangako niya sa akin! Minsan lang siya mangako at alam kong hindi niya ako bibiguin..

“S-shan, wala na talaga siya.. iniwan na tayo ng anak ko..”

Nanginginig ang mga kamay kong binitawan ang cellphone at niyakap ang sarili at hinayaang lunurin ako nang sakit at pighati.

Hindi ka pa mamamatay, Rye.. kasi hindi mo pa naririnig ang gustong gusto mong marinig mula sa akin. Hindi ko pa nasasabi sayong mahal na mahal kita..

Mula sa kinauupuan ko, tanaw ko ang paglubog ng araw. Dapat masaya ang moment na ito para sa ating dalawa ngunit bakit ang sakit sakit aking tinatanaw ang paglubog ng araw?

Kasabay ng paglubog ng araw ang siyang pag-iwan mo sa akin, Rye.. paano ko haharapin ang umaga kung sa pagsikat uli ng araw hindi na kita matatanaw pa?

“Cha, pakiusap naman.. s-sabihin niyong hindi ‘to totoo, oh! Ang s-sakit sakit..” ilang beses kong pinakiusapan ang mga kaibigan kong sabihin sa aking buhay pa siya ngunit wala akong narinig.

Wala, e.. mahal na mahal ko ‘yon.. sabay kaming nangarap na dalawa. Pero bakit niya ako iniwang mag isa? Sabi niya hindi na niya ako sasaktan pa pero bakit wala na siya?

Sawang sawa na akong maiwan ng mga taong minahal ko. Si Hilary, si kuya.. ngayon si Patrick na naman. Is this what life is? Ganito ba talaga iyon kasakit? Bakit?!

As I stared at his lifeless body lying inside the coffin, nagsisimula na namang mahulog ang mga luha ko. Ang sakit sakit kasi.. hindi ko kayang tanggapin, tangina naman!

“Love.. I wanna see you a-again.. please wake up.. gusto kitang hagkan ulit k-kaya gumising ka na..” I talk to him. Hindi ko nakita ni isang beses ang sarili kong pinapakiusapan siyang gumising kasi ayaw ko pa siyang pakawalan.

Tears in Heaven (Architect Series #3) [Publish Under B&B Printing Service]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora