Kunot-noo niya akong tinitigan. Bahagya pang umigting ang kaniyang panga habang nakatingin sa cellphone ko.

"May tatawagan ka bang hindi ko dapat marinig?" diretyo niyang usisa sa malalim niyang boses.

Napakurap ako ng ilang beses dahil sa biglaan niyang pagseseryoso.

"Is that a guy?"

Marahan akong umiling bagamat nagtataka ako sa kaniyang ikinikilos. Huminga naman siya nang malalim saka ako malamlam na tiningnan.

"Ihahanda ko lang kailangan mo," aniya bago ako tinalikuran at naglakad palabas ng silid.

He's acting weird.

"Nafa-fall ba siya sa 'kin?" I automatically cringe because of that.

Imposible.

Sa halip na pagtuunan ng pansin ang kakaiba niyang kilos ay kinalikot ko nalang ang telepono ko at tinawagan ang doktora namin sa organisasyon.

Nakakadalawang ring palang 'yon ay sinagot n'ya na rin agad.

"Gunshot?" she asked.

I rolled my eyes and laid down properly on my bed. Nakagat ko pa ang ibaba kong labi para mapigilan ang aking daing sa pagpintig ng paa ko sa sakit.

"No," I answered.

"Laceration?" sunod niyang tanong.

Nangunot naman ang aking noo dahil doon. "What the fvck was that?"

"Well, wala ka naman 'atang lalaki kaya imposible 'yon," aniya imbes na sagutin ako.

"Nilason ka ni Sophia?"

Mariin nalang ako na napapikit at hinilot ang aking sintido. "You should asked me the fvcking problem, Dra. Cuasay. Stop guessing around."

She chuckled on the line like she's really waiting for me to get pissed. "So, why did you call, bomber?" she asked mockingly.

I rolled my eyes and crouched a little to the side of my bed. "I did a stupid stunt earlier..." Panimula ko.

"Ahuh? And what is it?" tamad niyang sambit.

"Jumping from a building."

"Gaano kataas?"

I bit my lower lip and shut my eyes when I remember again how stupid I was. "Third floor," I answered.

Natahimik siya saglit sa kabilang linya. "Hindi mo naman agad sinabi pangarap mo palang lumipad," tudyo niya makailang saglit.

"Stop teasing me and come here in my house. Pakiramdam ko ay pinupukpok ng martilyo ang paa ko," nanghihina kong sambit.

Narinig ko ang malalim niyang paghinga sa kabilang linya. "Okay, I'll be there in two hours," sagot niya 'tsaka ibinaba ang tawag.

What? Two fvcking hours?!

Tatawagan ko sana siyang muli nang pumasok ang isang mensahe mula sa kanya.

Dra. Cuasay
Nasa labas ako ng bansa kaya maghintay ka. Hindi naman nakamamatay 'yan kaya hindi emergency.

I just groaned and throw my phone on the bed. Muling kumirot ang aking paa kaya naman napagdesisyunan ko nalang matulog para hindi 'yon maramdaman.




Madilim ang paligid. Puros mga nag-iiyakang bata ang aking naririnig. Isang eksena na paulit-ulit kong nakikita.

"Ate..." Umiiyak na tawag ng bunso kong kapatid.

ATRÓMITOS ORGÁNOSI #2 : BOMBER (COMPLETED)Where stories live. Discover now