"Na, h'wag na kayo masyadong mag-aalala, okay? Ikaw iyong dapat h'wag magpabaya! Hindi porket mas malakas ka pa sa kalabaw ay magpapabaya ka, ikaw din!" sabi ko na lang

Ang inakalang ko na wala akong ganang kumain ay hindi nagkatotoo dahil na rin kay Nana. Ginanahan ako sa pagkain habang nakikinig sa mga kuwento niya about Tatay's childhood and I can only how Nana loves him like her own. Mas nakukumpirma ko lang talaga na sobrang swerte ni Tatay, na kahit hindi naging maganda ang pag trato sa kanya nila grandpa ay nandiyan sila Nana at Tatay Mario para punan ang pagkukulang na iyon.

"Kaya ikaw EL, lagi mong isipin na walang imposible sa buhay!  Basta matuto kang mag sipag at gumawa nang mabuti sa kapwa, wala kang dapat ikatakot. Isa pa, natural lang sa buhay natin ang madapa! Sabi nga nila, wala sa dami ng pagkakataong ikaw ang bumagsak masusukat ang estado ng tao, kundi sa kung paano siya tumayo at sumubok sa buhay! Lagi mo isipin ang mga pinagdaanan ng Tatay mo, ng mga magulang mo, marami kang matutunan! Tsaka, lagi mong isipin na hindi ka nag-iisa sa buhay, sa bawat laban mo! May pamilya kang laging matatakbuhan! Okay?" anito.

Napangiti ako sa kanya at sa totoo lang, bumigat lalo ang pakiramdam ko ngunit sa pagkakataong ito, mas nagiging malinaw naman sa akin ang lahat. Saktong sakto ang mga naging pangaral sa akin ni Nana sa pinagdadaanan ko ngayon. I just really need some time, ibigay ko na iyon sa sarili ko today. I just really want to clear my mind.

I turned off my phone. Tinext ko na lang si BB na icocontact ko siya mamayang gabi para hindi na rin magtaka iyon. Binilin ko na rin kay Nana kanina na kung maghanap man sila Nanay ay sabihin niya na lamang dito na uuwi din ako mamayang gabi at huwang na munang hanapin. Of course, Nana was suspicious pero sa tingin ko, na gets niya rin naman kung bakit. She understand, I needed time.

I'm in my car ready to wander around! Hindi ko alam kung saan ako pupunta, basta, byahe lang ng byahe. Gusto ko lang sulitin ang pag-ilag na ito habang kaya ko pa. I still don't understand how it has to end this way. How it has to be this way! Ginagawa ko naman ang lahat, inayos ko ang sarili ko, nagkaroon ako ng paki sa mga bagay na wala akong pakialam noon. I ranked, currently at the top because that's how they want me to be! Nag-aaral akong mabuti, enrolled myself to whatever there is na makakatulong sa akin mahasa ang kaalaman!

Okay na ako na ako lang, e. Okay na ako basta my siblings get to do what they want! Naiintindihan ko naman na Tatay needs help pero ganito ba talaga ang help na gusto niya? Does this kind of help is the one he actually needs? Magpapakasal si Eero, but they still need to wait for me to actually manage that company! Bakit kailangan pa nilang magsakripisyo pa!

My heart feels heavy every time I think about Eero. He is helping me by sacrificing his chance to fall into someone he really love! His freedom! At mabigat sa loob ko ang katotohanan na 'yan.

Hindi siya pinilit—my ass!

Bumalik ako wisyo nang mapansin kong may nakabusina sa akin and right, the light is green.

Where should I go now? Oh right, maybe, kapag pumunta ako roon ngayon, kahit papaano'y makakalimutan ko ang mga iniisip ko sandali.

--
"Oh, Elliot! Bakit nandito ka?"

"Magandang tanghali po, Tita, Tito! Hello rin, Agatha! May mga pinamili ako, oh!" I said sabay bigay ko sa kanila ng kaunting pasalubong nang napatigil ako sa isang snack house kanina.

Yup. Nandito ako sa bahay nila BB.

"Aba't nag-abala ka pa! Maraming salamat! Pasok ka anak, pasok!" si Tita.

"Bakit hindi ka man lang nagsabi na pupunta ka? Nang nakapaghanda kami! Batang 'to! Kumain na muna tayo!" si Tita at naghahanda ito ng pagkain. Saktong lunch time kasi nang dumating ako sa kanila.

Prince 2: Love Waits (✔️) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt