Episode 61

1.3K 157 193
                                    

Episode 61: Selfish

--
Don't forget to vote, comment and share the story. ❤️ Kalmahan ang spoiler sa twitter. hihi Also, this udpdate is unedited kaya sorry in advance. Will edited it later. 🙏

---
HAPPY 100 K reads, TeamBB. 😙
---

Nang makarating ako sa kuwarto ay agad akong nagbihis. Nadatnan ko pa si Emeril na nasa kama niya at katatapos lang atang may kausapin sa cellphone niya.

"Kuys, o—okay ka lang?" he asked all of a sudden nang makahiga ako sa kama ko. I was silent at wala akong balak sagutin ang tanong niya, obvious naman na dapat ang sagot. "Good night, Kuys!" he continued

Wala pa sana talaga akong balak na kausapin siya pero hindi kaya ng konsensya ko. "Good night," I replied pero I made it sound as if ayaw ko na muna nang kausap. Gusto ko na muna talagang itulog itong bigat na nararamdaman ko.

I had enough of this day. I need to calm down.

--

Buti na lang nagtagumpay akong patulugin ang sarili ko. Kaso, maaga akong nagising at napansin kong hindi pala rito sa kuwarto natulog si Eero, siguro naka'y Nanay siya. Well, as of the moment, I'm still feeling the heaviness in my heart. It sucks dahil alam ko sa sarili kong kailangan ko lamang muna itong sarilinin mag-isa.

Agad akong naligo. Nagmadali pa ako dahil sa ayaw ko munang makakita ng sino man dahil balak ko kasing magliwaliw na muna at kung saan? Hindi ko na muna alam. Basta, gusto ko na muna talaga mapag-isa and maybe have some time to accept or maybe reassess kung ano talaga ang dapat kong gawin. Sobrang gulo ng utak ko, hanggang ngayon.

"Apo, may lakad ka? Linggo ngayon, wala ka namang pasok! May practice ka ba sa basketball?" si Nana, na siyang una nagigising sa amin dito sa bahay. Uwing uwi na 'to sa probinsya at sa tingin ko ay planong samahan na muna siya ni Emith doon. Nasa Germany kasi si Tatay Mario para samahan si Tatay dahil nga nandito na ulit si Nanay kasama namin.

"M--May pupuntahan lang muna ako, Na. Uuwi ako mamaya," nakangiting tugon ko sa kanya

"Bakit naman ang aga? Sinabi mo sana sa akin kanina at nang makapagluto ako sa iyo! Halika na muna sa kusina at lulutuan kita ng itlog man lang!"

Napangisi ako kay Nana at napaakbay, "H'wag na, Na! Sa daan na ako kakain! Matulog ka na muna kaya? Ang aga pa oh! Ikaw talaga, nagpupuyat ka! Isusumbong kita kay Tatay Mario, ikaw din!"

"H'wag mo nga akong binibiro! Sige na, dito ka na mag breakfast, mabilis lang naman! Magtatampo ako sa 'yo kung ganitong tinatanggihan mo 'ko!" aniya.

Nagdadrama na naman si Nana ,e! Ganito na talaga siya kapag hindi napagbibigyan at syempre, ayaw ko naman na tuluyang magtampo 'to. No choice, pumayag na ako sa offer ni Nana. Maaga pa naman at nakasanayan naman na dito sa bahay na kapag linggo, matagal talaga kung bumangon ang lahat. Alas sais pa naman ng umaga.

"Kumain ka ng marami at napapansin kong nangangayayat ka! Alam kong mahirap ang kinahaharap mong pagbabago ngayon, apo! Pero, sana h'wag mong pabayaan ang sarili mo! Hindi dahil sa naturingan niyong malakas ang pangangatawan niyo ay hindi pa rin magandang gawain ang magpabaya sa sarili! Lagi akong nag-aalala sa Tatay mo, walang araw na hindi ko siya naiisip! Pero sa tuwing nakakausap ko siya, masaya akong nasa mabuti naman ang kalagayan niya! Nandoon din si  Mario kaya alam kong hindi niya pababayaan ang Tatay mo!" aniya.

Nana's being emotional every time she talks about Tatay. Obviously, she misses Tatay too and that worries about him almost everyday pero napapadalas na rin naman kung kamustahin ni Tatay si Nana kaya siguro nagiging kampante na kahit papaano si Nana.

Prince 2: Love Waits (✔️) Where stories live. Discover now