Chapter 2

682 23 16
                                    

Annoying


"Oh my, go—" Gulat na gulat kong usal nang maramdaman kong may kumalabit sa akin. Napahawak ako sa aking dibidib sa takot na si Mishael 'to. Kunot noo akong sinusuri ni Aja. Mukhang inabutan pa ako na inuumpog ko ang sarili ko.

"What happened to you?" Nagtatakang tanong niya habang iminumuwestrang kukuha siya ng kung ano sa fridge. Umiling kaagad ako.

"Wala. Naalala ko lang na hindi ako nakapag-review para sa long quiz bukas." Sabi ko sabay alis sa pagkakasandal sa pinto ng fridge. Binuksan agad ng kapatid ko 'yon at kinuha ang babasagin na pitsel na may tubig.

"Sige, maniniwala na ako." Sagot niya habang kumukuha naman ng baso. I made a face then she chuckled. Nataranta ako ng magtawag si Manang at sinasabing hinahanap na kami nila mama. Siguro ay kailangan na naming magpunta sa function room.

Kapag ganitong may bisita, hindi kami kumakain sa regular dining. Gamit pang-pamilya lang kasi dito. Hinintay ko si Aja. Hindi ako hihiwalay rito. I have a bad feeling that Mishael will annoy the hell out of me. Umabrisete ako kay Aja habang naglalakad. Kunot-noo niya akong nilingon pero hindi naman siya nagsalita.

Am I acting a bit weird? Si Aja ang may pinakamatalas na pakiramdam sa aming tatlo. Hindi ako magtataka kung mapansin niyang may iniiwasan na ako ngayon. I panicked when Senator Cornelius sat on Ate Selah's usual spot. Kapag ganito kasi, kay mama 'yan tatabi! Tapos mapupunta ako sa tabi niya, baka bago pa makaupo si Aja ay unahan ng Mishael na 'to! Hindi pwede!

Nakita ko ang gulat sa mukha ni Ate Selah nang makitang nagkukumahog akong maupo sa tabi ni mama.

Sorry, Ate Selah.

Sabi ko sa isip ko. Si Aja ang umupo sa tabi ko tapos si Mishael ay umupo sa tabi niya. Base sa sama ng tingin ni Aja sa akin, alam kong may napagtanto na siya. I grinned upon meeting her gaze. Success! Agad-agad rin akong dinalaw ng kunsensya nang biglang paupuin ni papa si Ate sa tabi ni Kuya Luthor.

Bumaba kaagad ang tingin ko sa porselanang pinggan. Tahimik kami buong oras ng pagkain sa hapag. Walang nangahas magsalita o sumalungat sa gusto ni papa. Tinignan ko ang ate ko na tahimik lang rin na kumakain.

How can she do that? How can she be this calm and composed when Papa is starting to control her? Kung ako ang nasa kalagayan niya, baka kanina pa ako nagdabog rito. Nanatili ang titig ko sa kanya. She must've noticed my stare. Ngumiti siya sa akin nang umangat ang mata niya patungo sa mukha ko.

Hindi ako makangiti pabalik. She's always like this. She's always showing us this strong façade as if she's not hurt. Siguro, ngayon, masasabi kong may ayaw ako kay Ate Selah. Iyon ay 'yung paggiging masyado niyang mabait at malakas. Pakiramdam ko, 'yung kalakasan niya ay kahinaan niya rin.

Tahimik akong bumuntong hininga bago binaba muli ang tingin sa aking pinggan. Ang palad ko pala na hindi ako kinokontrol ni papa. Nagagawa ko ang gusto ko. Noong nalaman niyang Biology ang kinuha ko at sinabi ko ring magdederetos ako sa medisina ay hindi naman siya nagkomento ng hindi maganda. Samantalang si ate, halos araw-araw yatang sinisermunan ni papa noon.

And all of these, I only took for granted.

Nakaramdam ako ng labis na lungkot at pagkabagabag. Dala-dala ko 'yon hanggang matapos ang hapunan at hanggang sa makaalis ang mga bisita. Halos hindi ko na nga napansin si Mishael kahit pa panay ang pagpapapansin niya sa akin.

It broke my heart when ate cried after papa threatened her about ending her dream to get into medical school. Hanggang sa makahiga ako ay naging palaisipan sa akin kung gaano kadali lang ang buhay para sa akin. Kahit hindi ako honor student, kahit hindi ko ginagalingan masyado sa eskwela ay wala akong naririnig sa magulang ko tapos si ate ay halos parusahan ang sarili sa pag-aaral para lang may patunayan kay papa.

Today's Misery (Medico Jurist Series #2)Where stories live. Discover now