Chapter 24

2.2K 77 8
                                    

[Warning: R-18]

Chapter 24

Missing

Pumasok na ako sa kwarto na sinasabi ni Lycus. Ito din ang kwarto niya, hindi na ako magtataka kung parehas man kami ng kwarto. Knowing Lycus, talagang gagawa siya ng paraan kaya hinayaan ko na lamang siya.

Inayos ko na ang aking mga bag at inilagay iyon sa cabinet na nakita ko. Walang laman doon kaya doon ko nalang nilagay ang mga gamit ko. Pagkatapos ay pumasok ako sa banyo para maligo at magbihis.

Bahagya pa akong napatalon nang paglabas ko ay nakita ko si Lycus na nakaupo na sa kama at nagsusuklay pa ito ng kanyang buhok. Napatingin din naman siya agad nang makita ako.

"Hey…" he uttered habang hindi inaalis ang tingin saakin.

Mabuti nalang pala at sa banyo ko na sinuot ang mga damit ko, nakakahiya naman kasi kung lalabas ako dito nang naka-tapis lang ng twalya. Nginitian ko lang siya at nagpunta sa cabinet para magpabango para mabango ako bago matulog.

Nang matapos na akong magpabango ay napatingin muna ako sa salamin para tignan ang aking sarili. Parang ayoko pa ngang lumabas, knowing na nandoon sa labas si Lycus at mukhang hinihintay ako, kinakabahan nanaman ako sa hindi malamang kadahilanan.

Ilang beses pa akong lumunok at kalaunan ay napagpasyahan na lumabas na din sa walk in closet. Naabutan ko naman si Lycus na mukhang inaayos ang kama. Malaki naman iyon at hindi kami mukhang magsisiksikan.

Agad siyang napalingon saakin nang makita akong lumabas na ng walk in closet, at pagkatapos ay agad niyang iginiya saakin ang kama na parang sinesenyasan akong humiga na.

"Higa ka na, inayos ko na ang kama. Don't worry, sa couch ako matutulog." sabi nito sabay turo sa couch na nasa tapat ng kama.

Tumango ako. "Bakit sa couch ka matutulog?" kuryosong tanong ko sakanya.

Sandali pa siyang natigilan at dahan dahan naman akong nilingon na parang may mali sa sinabi ko. Tinaasan ko siya ng isang kilay at kinunotan ng noo. Hindi ko siya maintindihan.

Ilang beses siyang kumurap. "B-Baka hindi ka k-komportable kapag katabi ako," sabi niya sabay iwas ng tingin saakin.

Tumango ako dahil tama nga naman siya, sa tingin ko din ay hindi ako magiging komportable kapag katabi siya. Siguro ay magiging awkward iyon para saakin. Pero at least, naintindihan niya kung anong mararamdaman ko.

Dahan dahan akong humiga sa kama at siya naman ay nahiga sa couch. Inalalayan niya pa nga ako na humiga sa kama kahit kaya naman, pero alam kong ginagawa niya lang ito para protektahan ako.

Kinabukasan, nagising ako nang wala na si Lycus sa couch kaya dali dali naman akong bumangon. Pagkabangon ko pa lang sa kama ay kaagad nanuot sa ilong ko ang mabangong amoy ng isang pagkain. Parang may niluluto.

Agad akong lumabas sa kwarto at nadatnan si Lycus na nasa kusina, may apron itong suot at may kung ano ano siyang niluluto. Wala sa sariling napangiti naman ako dahil ang bango ng niluluto niya.

"Hi. Good Morning," bati ko sakanya para mapalingon siya.

Agad naman siyang lumingon saakin at simple lang akong tinanguan. "Morning," balik bati nito saakin.

Naupo naman ako sa hapag-kainan. May naka-timpla na doong gatas kaya agad ko iyong kinuha at ininom, alam ko namang para saakin ito kaya ininom ko nalang. Habang umiinom naman ay nakatingin lang ako sa magandang likod ni Lycus.

Hindi ko alam pero bagya pang nanliliit ang mga mata ko habang nakatingin sa likod niya. Wala lang, ang ganda lang pagmasdan kaya hindi ko maiwasang mamangha sakanya.

Setting Fire on Roses (CNS#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon