Day 37

415 3 0
                                    

Hi!

Akala ko makakatakas na ko eh.

Akala ko ok na, kasi nakalusot na ko.

Kasi di na ko nakasama sa gimik nila kahapon.

Pero mali pala ako.

Wah!!!

Nagtataka ka na sa mga pinagsasabi ko noh??

..

..

..

Kasi ganito un.

Kanina, pag out ko.

Habang naghihintay ako ng taxi pauwi.

May narinig akong tumatawag sa name ko.

Miss Jane!!

Eh nagkakutob na ko kung sino ung tumatawag sakin.

Hindi ko na sana lilingunin kung nasaan man siya.

Kaso, tinawag niya ko ulit.

Ang rude ko naman kung hindi ko pa lilingunin di ba?

Kaya un!

Lumingon ako sa right side ko.

Andun nga siya.

Nakatayo sa tabi ng kotse niya.

Anong ginawa ko?

Eh di sympre nilapitan ko.

Nakakahiya naman kung siya pa lalapit.

Eh boss ko siya.

..

..

..

Tama!!

Si Sir Patrick nga ung tumawag sakin.

Dali dali akong naglakad papalapit sa kanya.

Para makauwi na din ako agad.

Bakit po Sir??
-Jane

Tumahimik muna siya saglit bago sumagot.

Tapos tumingin tingin sa paligid.

Sabay harap sakin.

Meet me on Saturday. 3pm
-Sir Patrick

Po??
-Jane

Tapos tinitigan niya ko sa mata.

Nakakatakot!!

Okay po. Gets ko na po.
-Jane

Good.
-Sir Patrick

Sinabi niya ng nakangiti sabay sakay agad sa kotse niya.

At dahil sa nangyari kanina..

Wah!!!!

Nababaliw na naman ata ako!!

Love,

Jane ^^,

TATAYWhere stories live. Discover now