"Hindi naman ako mawawala, 'no! Para kang tanga d'yan." Hinampas ko agad ang braso niya kaya natawa na naman siya.

"Hindi mo talaga ako sasamahan?" tanong ko at tiningala siya.

Bumitaw siya sa akin at napakamot na naman sa batok. "Kinakabahan akong umuwi, e."

"Huh? Bakit naman?" taka kong tanong dahil wala namang dahilan para matakot siyang umuwi!

"Kapatid ni Calyx si Callie," sagot niya at umawang naman agad ang labi ko.

"Kapatid ni Calyx?" gulat at medyo malakas kong tanong kaya tinakpan niya agad ang bibig ko. As if naman may ibang makakarinig! Kaming dalawa lang naman ang nandito.

Dahan-dahan siyang tumango. "Baka bugbugin ako no'n."

#

Alexis talked to his girl before going home with me. May balak naman pala talaga siyang umuwi dahil pinapauwi na siya ng parents niya. Kinakabahan lang siya dahil alam na ata ni Calyx ang tungkol sa kanila ng kapatid nito.

"Are you sure that you're going alone?" he asked, worried about me. Sabi ko kasi ay ako na lang mag-isa ang bibisita kay Tita dahil kaya ko naman.

"I'm going to be fine." I rolled my eyes jokingly.

Dumating na ang sundo namin. Hindi kami sabay sa isang sasakyan dahil pinasundo siya ng parents niya.

I dialled Kuya Anthony's number while trying to rest in the car. I sighed when he didn't answer the call. Baka busy dahil nasa ospital pa rin. Si Andrei na lang ang naisipan kong tawagan.

"Nakauwi na 'ko," pauna kong sabi. "Saang ospital si Tita?"

[Sinabi ko na sa driver kung saan ka dadalhin,] sagot niya at pinatay ko na agad ang tawag pagkatapos no'n.

Pumikit muna ako ng mariin sandali para mag-isip. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. Hindi ko alam kung saan siya hahanapin. Hindi na raw kasi 'yon umuuwi sa bahay nila sabi ni Alexis. May sariling condo na raw. Hindi alam ni Alexis kung saan kaya hindi niya nabanggit sa akin.

We arrived at the hospital at exactly one in the afternoon. I thanked the driver before closing the car door. I sighed while staring at the building in front of me.

I was about to push the glass door when I smell a familiar scent behind me. My heart started beating rapidly. I knew it was him who's behind me. I can feel the familiarity of his presence.

Huminga ako ng malalim at tuluyan nang pumasok ng hospital. Akmang maglalakad na ako ng diretso para hanapin ang kwarto ni Tita pero tinawag niya ang pangalan ko.

I held my chest as I swallowed nervously.

"Jade," he softly whispered my name.

Umawang ang labi ko kasabay ng pagpatak ng isang luha mula sa mata ko.

Pakiramdam ko sasabog ang puso ko kapag hindi ko siya nalapitan at nayakap ngayon.

Tangina, mahal ko pa rin talaga.

I missed him. God, I missed him so much!

Huminga ako ng malalim. Umayos ako ng tayo at lakas-loob na hinarap siya.

There. . . those cold eyes that will always begin to warm when he's looking at me. . . I finally get to see it again.

The Only GirlWhere stories live. Discover now