Chapter 9 (Sick 2)

583 45 24
                                    

Arjay's POV

Hindi ko namalayan na nakatulog pala uli ako, nagising lang ako nang marinig ko ang tatlong ulit na pagtunog ng luma naming doorbell. Kaya kahit masama ang pakiramdam ko, pinilit ko pa ring bumangon para tignan kung sino ang taong nasa labas. Bigla akong nagtaka dahil hindi ko makita ang mga kasama kong multo sa bahay lalo na ang manyak na multong iyon.

Nasa harapan na ako ng pinto, nang buksan ko ito, bumungad sa akin ang hindi mapakaling mukha ni Kuya Luke. Napataas naman ako nang kilay kung bakit nandito si Kuya Luke.

"Anong g-ginagawa m-mo dito kuya?" Tanong ko kahit namamaos.

Tinaasan naman niya ako ng kilay sabay lagay ng palad niya sa noo ko. "You texted me, you know"

"Huh?" Taka kong tanong. Inilingan lang ako nito sabay tulak sa akin papasok ng bahay.

"Stay inside at baka mas lalo pang lumala ang sakit mo" ani niya at pinaupo sa sofa.

"Nagleave ako sa trabaho nang matanggap ko ang text mo sa akin na may lagnat ka, kaya nandito ako ngayon sa harapan mo" ani niya.

Magtatanong pa sana ako nang makita ko ang kaluluwa ni Franco sa isang sulok habang nakikipaglaro sa batang multo. Napapansin ko pa itong pasulyap-sulyap sa gawi ko, kaya hindi na ako nagtangka na magtanong dahil alam ko na kung sino ang may kakagawan nun. And I don't want Kuya Luke to be confused.

"Um n-naaalala ko na po hehehe"

"Tsk, ikaw talagang bata ka! Huwag ka munang magsalita, kita nang namamaos kana eh" sermon nito. Napangiwi nalang ako dahil sa panenermon niya, sorry naman po.

"Uminom ka na ba ng gamot?" Tanong niya, pero umiling lang ako bilang sagot. Sabi niya huwag muna akong magsalita eh, eh di huwag.

"Kumain?" Umiling uli ako. Kaya sabay na nagtaasan ang mga kilay niya at nagpameywang sa harapan ko.

"Bakit ayaw mo magsalita?" Tanong niya, napabuntong hininga naman ako. Eh sa sabi niyang huwag ako magsalita eh.

"S-sabi mo huwag muna ako m-magsasalita" sagot ko. Napahilamos nalang siya sa kaniyang mukha dahil sa pagtitimpi. Tama naman ako diba?

"Naku! Kung wala ka lang talagang sakit, baka napingot na kitang bata ka" ani niya sabay halungkat sa dala niyang bag.

Nang makuha niya na ang dapat kunin, iniwan ako nito at nagtungo sa kusina. Pero makalipas lang ang isang minuto, bumalik ito sa harapan ko.

"Nagluto ka ba?" Tanong niya kaya nagtatakang napatingin ako sa kaniya, pero mahina na napahampas ako ng noo nang maalala na magluluto pala kanina si Franco bago ako nakatulog.

"A-ah O-opo hehehe" sagot ko sabay tago ng mga braso sa likuran ko at pinagkrus ang dalawa kong hintuturo. Pangalawang beses na akong nagsinungaling ngayon dahil sa manyak na multong ito.

"Napakakulit talaga! May sakit na nga, galaw pa nang galaw. Stay here at ihahanda ko na ang kakainin mo para makainom ka na ng gamot, at makapagpahinga para mawala na ang lagnat mo" ani niya, at iniwan muli akong mag-isa sa sala.

Makalipas lang ang ilang minuto, bumalik na rin si Kuya Luke. May hawak na silver service tray sa kaniyang dalawang kamay.

"Oh kumain ka na muna" sabay lapag nito sa maliit na lamesang nasa harapan ko. Umalis muna ako mula sa pagkakasandal ko sa sofa, umupo sa sahig bago ginalaw ang dalang pagkain ni Kuya Luke at kumain.

Kahit wala akong panlasa sa ngayon, kailangan kong kumain para makainom ng gamot at gumaling na. Pagkatapos kong kumain, inaabutan agad ako ni Kuya Luke ng tabletang gamot bago niya inayos ang pinagkainan ko at nagtungo sa kusina.

Pagkainom nang gamot, hindi na ako nagulat nang biglang sumulpot sa aking harapan si Franco. Sanay na ako na parang kabute siyang sumusulpot. Binigyan ko lang siya nang blankong tingin, at ang loko ngumuso pa kasi hindi ako nagulat.

"Hindi ka manlang nagulat" tila nagtatampo nitong saad. Palihim naman akong napairap, napatulala naman ako sandali kay Franco habang nakatingin sa ibang direksyon at nakaarko ang mga kilay.

"What?!" singhal niya nang makitang nakatingin ako sa kaniya.

Umiling lang ako hanggang sa unti unti naramdaman ko ang labi ko na may lumitaw na isang ngiti, kita ko kung paano natulala si Franco. So I take advantage of it, just to pat his head. Tulala pa rin siya nang hawakan ang kaniyang ulo na pinat ko.

"Pfftt, Cute" bulong ko na hindi niya maririnig.

"Thank you for texting Kuya Luke to checked on me. And sorry for worrying you, Franco" pasasalamat ko at muli siyang binigyan ng ngiti.

"Wh-Who i-is f*cking worried?!" Utal utal na tanong nito at biglang naglaho pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang pamumula ng mga tenga niya.

"HAHAHA, I didn't know you have this side on you" pang-aasar ko. At kahit hindi ko siya kaharap, alam kong naririnig niya ako.

"Shut the f*ck up!" rinig kong sigaw niya kaya kahit nanghihina, napatawa ako nang mahina.

"And why are you laughing, young man?" Napabaling ako kay Kuya Luke na nakasandal sa pader habang nakakrus ang mga braso niya at nakatingin sa akin na tila'y naweweirduhan.

"W-wala po" ani ko. Napailing nalang ito habang papalapit sa kinaroroonan ko.

"Halika na pabalik sa kwarto mo, para makapagpahinga ka na" aya nito sabay alalay sa akin patayo hanggang sa kwarto ko.

Pagdating sa loob ng kuwarto ko, dumiretso agad kami ni kuya sa kama para pahigain na ako. Papalabas na sana siya nang huminto siya at tinignan ako.

"Nakapagdesisyon ka na ba sa offer ko?" tanong niya. Umiwas naman ako ng tingin sa kaniya at huminga nang malalim bago sumagot.

"I want to stay, hindi ko kayang iwan ang huling alaalang meron ako kay Lolo" sagot ko at tumalikod. Ayoko na makita niya akong umiiyak, narinig ko ang pagbukas nang pinto.

"I see, but please take care of yourself" saad niya bago ko marinig ang pagsara ng pinto. Pagkalabas niya, doon ko na pinakawalan ang kanina ko pang pinipigilang hikbi.

Kinuha ko ang nakataob na picture frame sa side table ko at niyakap ito.

"I miss you, Lolo" sabay hikbi.

Luke's POV

Pagkasara ko palang nang pinto, rinig ko mula sa loob ang paghikbi ni Arjay. I offered him to live with me, lalo na't ako ang nagpresentang maging guardian niya simula nang mamatay ang kaniyang Lolo. But I understand him na hindi niya kayang umalis sa bahay na ito, dahil ito nalang ang huling alaala na meron siya sa lolo niya.

I was about to leave when someone passed by me and I felt a sudden coldness. I looked back to see what is it, and my eyes widened when I saw a young man standing in front of Arjay's room. He has this worried expression written in his face, hanggang sa tumagos siya sa pinto at nawala.

A-am I hallucinating?

Napaayos ako ng buhok habang nakatingin pa rin sa pwesto kanina ng lalaki, is it a sign for me to see that young man who is a ghost?

Habang iniisip ko ang nangyari kani-kanina lang, hindi ko mapagilan ang mapangiti. I took one last look before I turned my back to leave.

"Well, I guess I am not needed here" I said while smiling before leaving for real.

To Be Continue

_______________________________

Boyslove_04

My Ghost Lover (BL) ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon