Chapter 11 (Glimpse)

307 29 4
                                    

Arjay's POV

Kakababa ko palang ng tricycle, kita ko na ang ilang mga nurse na abala sa pagtatrabaho mula sa malayo. Nang makarating na ako sa mismong harapan ng ospital, sinalubong agad ako ng security guard ng ospital.

"Magandang hapon po, Sir Arjay" bigla naman akong nailang dahil sa itinawag sa akin ni Manong Guard. Kahit anong pilit ko na tawagin ako nito sa pangalan ko, wala pa ring pagbabago. 

Simula kasi nang malaman nila na guardian ko si Kuya Luke, ganito na ang naging tawag nila sa akin. Parang amo na nila ako kung ituring kahit hindi naman kami magkadugo ng mismong may-ari ng Ospital na ito.

"Manong naman, diba po ang sabi ko tawagin niyo nalang ako sa pangalan ko" parang nagtatampo kung maktol, na nakapagpangiti lang kay Manong.

"Pasensiya na po Si—"

"Manong naman" napailing-iling nalang ito saka ngumiti sa akin.

"Sabi ko nga, Arjay" sambit nito at ginulo ang buhok ko, napasimangot naman ako kasi kakaayos ko lang kanina ng buhok dahil nilipad ng hangin habang nasa tricycle ako.

"Sige pumasok ka na sa loob, at baka kanina pa naghihintay si Doc. Luke sa iyo" Ani nito. Tumango naman ako at pumasok na sa loob, nang makita ako ng mga empleyado, binati agad ako ng mga ito. Pero bakit may kasama pa ring "sir".

Tanging ngiti nalang ang tinutugon ko sa kanila, kahit ilang na ilang na ako. Makalipas ang ilang minutong paglalakad, narating ko rin ang Office ni Kuya Luke. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago binuksan ang pinto, ngunit nahinto ako sa balak na pagpasok nang masilip ko na may kausap pala sa loob si Kuya Luke.

Balak ko sanang lumabas muli nang hindi nila napapansin ngunit nakalikha nang ingay ang paglagitngit ng pinto, kaya sabay silang napatingin sa akin. Nahihiyang binuksan ko nang malaki ang pinto at tuwid akong tumayo habang naiilang na nakangiti.

"Pasensiya na po, labas po muna ako at mukhang mahalaga po ang pinag-uusapan niyo"

"No, it's okay hijo. Tapos na rin naman kami mag-usap ni Doc. Luke tungkol sa kalagayan ng anak ko, and it's nice to know that you are doing well" bigla ko namang namukhaan ang babaeng kausap ni Kuya Luke.

"Ah, magandang hapon po, Mrs. Montemayor" Pagbati ko.

"I thought i said that you should call me Tita" sambit niya habang nakangiti, pero makikita mo sa mga mata nito ang pagod, pag-aalala at pangungulila para sa anak niya.

"Sorry po, Tita" ang nakangiti kong tugon.

"So, thank you for the information Dr. Luke. Mauna na ako, see you later hijo" paalam nito at tinapik ang balikat ko.

"So, bakit ngayon ka lang?" Bungad agad ni Kuya Luke nang bumaling ako sa kaniya. Abala ito sa pagtingin ng lab results ng mga pasyente, umupo muna ako sa sofang meron siya sa loob ng kaniyang opisina at nilibang ang sarili habang nakatingin sa mga bagay na nasa paligid.

"Busy ka pala Kuya, sa susunod nalang tayo kumain sa labas" pagbasag ko sa katahimikan. Napatingala naman ito at diretso ako na tiningnan sa mata.

"I promise Thalia na kakain tayo ngayon sa labas, so I can't postpone it." At pinagpatuloy na niya ang ginagawa.

I know that all of you are wondering who is Thalia. Ate Thalia is Kuya Luke's Girlfriend for 3 years and counting, I met her when Kuya Luke volunteered to be my guardian. Kasama niya kasi ito, and she is also my guardian. Mabait si Ate Thalia at maalaga, she is an only child kaya ganun nalang ang pagturing niya sa akin bilang kapatid katulad ni Kuya Luke. Pangarap niya kasi magkaroon nang nakababatang kapatid ngunit hindi na siya nasundan pa dahil delekado raw kung magbuntis ang mama niya.

My Ghost Lover (BL) ON-HOLDWhere stories live. Discover now