Chapter 20

17.7K 677 1.3K
                                    

#MMIM20

A few weeks have passed since the storm. Nakapag-enroll na rin ako for my fourth year at si Vale naman sa third year niya. According to him, mostly board exam subjects daw ang mayroon this year dahil internship na nila pagdating nila sa fourth year.

Nakita ko naman kung gaano ka-hirap para sa kanya. Sa unang semester, panay aral at recording ang meron sila dahil mukhang mas may exposure na rin ang banda nila nina Seven.

Nasi-schedule na rin siyang tumugtog sa youth at Sunday services namin sa Church. Mabuti nga at hindi nagagalit sina Tita Karla sa kanya kapag hindi siya nagsu-Sunday service sa Church nila.

By the time Christmas rolled around, I experienced my first time going out with Vale's siblings. Working na sina Franco ngayon kaya hindi na kami maka-spontaneous outings, kaya napagdesisyunan na lang namin ni Vale na dalhin sina Valir sa Christmas village.

"Uuwi sina Tita?" tanong niya sa akin habang hinihintay sina Clint, na ngayon ay pinipicturan yung dalawang kapatid niya.

Tumango ako. "Won't be alone for Christmas!"

"That's good." He held my hand. "Sort of wish you'd spend Christmas with us again, though."

Nginitian ko siya, muling naaalala yung nangyari last year. "Nakaw halik ka naman, eh!"

"Wow!" He laughed. Inakbayan niya na ako habang tinitigan ang iba't ibang mga palamuti.

It was a beautiful time. A beautiful season. It was still a secret, something precious that only belonged to Vale and I.

Well.. alam rin naman ni Hanzo, but I'm glad he's been doing a good job keeping it a secret.

"H'wag na, please," sabi ko kay Vale habang inaayos ang gown ko. "It's just a graduation ball. Hindi ko naman kailangan ng date! Atska, gusto mo bang magtaka mga tao bakit parehas tayong wala sa youth service?"

"Pwede naman ako palitan ni Josh.. or Isaac," he said at the other end of the video call. "O ihatid na lang kita doon? Pwede kitang ihatid tapos diretso akong Church."

"No na, okay? Promise me, hindi mo ako ihahatid!"

He playfully rolled his eyes. "Promise."

I smiled at the camera, changing the topic. "Ang ganda ko, 'no?!"

"Ang yabang!" He laughed and shook his head.

"Sino 'yan?" Rinig kong tanong ng isang babae galing sa video call.

Hinarap niya yung cellphone kay Aurora na nagsi-skincare ngayon. She smiled at me and waved.

"Ang ganda, Ate Nat!" she said. "Mabuti na lang at magkakulay yung dress mo at—"

Agad na binalik ni Vale ang cellphone sa kanya at kumaway.

"Lowbatt na ako, bye bye!" he immediately said.

Bago pa ako makapag-paalam ay inend niya na kaagad yung tawag. Ngumuso ako at tinanggal ulit ang suot kong gown dahil mamayang gabi pa naman 'yon.

Graduating na kami nina Odette, kaya kami kami ang mga may ball ngayon. Ibang department si Margaux kaya hindi ko siya kasama ngayon. Hindi ko rin naman maimbitahan sina Lance dahil busy busy na sila ngayon.

Inayos ko ang sarili kong buhok at nag-makeup na rin para sa ball mamaya. Tatawag na sana ako ng taxi para makapunta na ako sa venue, pero nagulat na lang ako nang may kumatok sa pintuan.

I opened the door and there I found a small kid. Valir was wearing a tux and was holding a bouquet of flowers.

Napangiti ako at nakita si Clint sa labas ng gate na naka-sandal sa isang Montero at nakapamulsa.

Meet Me In Mabini (City Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon