Kalaunan, nang natauhan ako ay biglang sumeryeso ang mukha ko. Hindi ko na talaga siya maintindihan. Why is he acting like he cared for me? Talaga bang may pake siya or naghihiganti lang?

Sinamaan ko siya ng tingin. "Enough for your shits. Makaka-alis ka na, inaantok na din ako." taboy ko ulit sakanya.

Mas lalong nawalan ng emosyon ang kanyang mukha. "No. I'll not leave here until I make sure that you're safe." he seriously said.

Hindi ko alam kung seryoso ba talaga siya sa sinasabi niya. Bakit nakakaramdam ako na parang niloloko niya lang ako?

Umiwas ako ng tingin sakanya at doon pumikit ng mariin. "I'm already safe here. Pati, ano bang pakealam mo?" irap ko sakanya.

Narinig ko siyang marahas na bumuntong hininga. "Hindi mo ba talaga nararamdaman? It's obviously because I cared for you." medyo napatalon pa ako sa sinabi niyang iyon.

Bahagyang umawang ang aking labi at kalaunan ay ilang beses akong kumurap. Tama ba itong naririnig ko? Seryoso ba talaga siya sa sinasabi niya? Manhid na ba ako no'n?

Mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin, lalambot na sana ako sakanya kaso lang ay naalala ko ang nadatnan ko sakanila ni Nami noon. Alam kong wala naman kami ni Lycus, hindi hamak na ex niya lang ako pero nasasaktan ako kasi mahal ko siya.

"You cared for me? Stupid." iyon ang tanging nasabi ko.

Naka-iwas ako ng tingin sakanya. Natatakot ako na baka kapag tinitigan ko siya sakanyang mga mata ay makakita ako ng kakaibang emosyon doon. Natatakot ako. Natatakot ako na baka isa lang ito sa mga patibong niya.

Ilang beses akong huminga ng malalim at siya naman ay sandaling natahimik na para bang natusok siya doon sa mga sinabi ko. Hindi ko naman siya sinasabihang stupid, ang sinasabihan kong stupid ang iyong mga sinabi niyang salita.

Ano pa nga bang sasabihin ko sakanya? Sa totoo lang ay nahihiya na ako. Hangga't maaari ay ayoko na siyang makasama at maka-usap pa dahil pakiramdam ko, baka kung saan saan lang mapunta ang usapin naming ito.

"Why don't you believe me? Bakit, Axilla?" halos mapatalon ako dahil parang nakaramdam ako ng sakit sa boses niya.

Hindi ako sumagot. Bakit nga ba hindi ako naniniwala? Kasi natatakot akong baka isa lang ito sa mga kalokohan niya? Kasi baka isang araw, bigla nalang ulit siyang hindi magpakita. Baka, maniwala nanaman ako sa mga salita niya.

Ilang beses pa akong lumunok at napahawak na lamang sa lamesang naroon dahil nakaramdam nanaman ako ng hilo. Panigurado ay pagod na pagod na ako dahil kanina pa ako inaantok.

Agad ko namang naramdaman si Lycus na naka-alalay na agad sa likod ko. Hinawakan niya ang braso ko para alalayan ako, samantalang ako ay parang iikot na ang mundo ko.

"Are you okay? Take a rest, babantayan kita." wala na akong nagawa at hindi na nakasagot sakanya dahil sa sobrang hilong nararamdaman.

Kalaunan ay naramdaman ko nalang na marahan niya akong binuhay hanggang sa naramdaman kong inihiga na niya ako sa malambot na kama. Pagkatapos no'n ay agad na akong nilukod ng antok.

Agad naman akong nagising nang umagang iyon nang si Demeter na ang nasa tabi ko. Medyo nagulat pa nga ako dahil nasa tabi ko na siya, I wonder kung anong oras na siguro siya naka-uwi.

Nang maramdaman niya sigurong nagising na ako ay gumising na din siya agad. Bumangon ito at agad akong nilapitan at parang kinakamusta ang pakiramdam ko. Ako naman ay medyo magaan na ang nararamdaman, siguro ay dahil nakatulog na ako.

"Sorry kagabi," iyon agad ang sinabi niya nang lumapit siya saakin.

Nang naalala ko ang kagabi ay agad ko siyang sinamaan ng tingin. "Saan ka ba galing kagabi? Alam mo bang muntik na akong mabastos tapos dumating si Lycus para iligtas at ihatid ako dito." kwento ko sakanya.

Setting Fire on Roses (CNS#1) Where stories live. Discover now