"Wala!" mabilis kong sagot. Umiwas ako ng tingin ngunit napansin ko pa rin ang sumama nitong tingin sa akin.

"Wala?" anito sa hindi naniniwalang tinig, tinaasan niya pa ako ng kilay habang matatalim pa rin ang tingin nito. Bumalik na naman siya sa dating Hugo na una kong makatagpo.

"Oo! Wala lang 'yun," sagot ko. Pinipilit kong ayusin ang tono upang hindi niya mahalata ang kabang kanina ko pa nararamdaman.

"Ah, wala?" Tumango ako agad, kahit mahahalata mo sa kaniyang itsura na hindi siya naniniwala.

Talagang wala naman talaga 'yun. Hindi importante ang pinag-usapan namin ni Cain kanina.

"T-TEKAA!" Napasinghap ako ng ilapit nito ang kaniyang mukha sa leeg ko at hinalik-halikan ito.

Ang kaninang mga brasong nakayapos sa baywang ko'y ngayo'y mas lalo niya akong hinapit papalapit. Isiniksik din niya ang kanyang mukha sa aking leeg.

"HUGO! ANO BA?!" sigaw ko ngunit hindi siya nakinig dahil patuloy niyang hinahalik-halikan ang leeg ko.

Naghahalo ang tawa at ungol na lumalabas sa aking bibig dahil sa kaniyang ginagawa. Hindi ko rin siya magawang itulak dahil nanghihina na naman ang aking buong kalamnan, ganito ang epekto ni Hugo sa akin.

"Tell me the truth, Aki... Mmmm?"

"H-Hugo, l-lumayo ka nga muna!" sabi ko dahil hindi pa rin nito nilulubayan ang leeg ko. "S-Sandali! Ugh!"

Napahigpit ang kapit ko sa balikat nito nang pumasok ang kamay nito sa suot kong damit at nahanap niya ang utong ko. Naipikit ko ang mga mata at hindi ko maintindihan kung bakit biglang nag-init ang katawan ko sa pagpisil sa utong at paghalik nito sa leeg ko.

"Fck! You're making me insane!"

Kahit ibinibigay ko na ang buong lakas ko'y hindi ko pa rin siya magawang itulak papalayo. Mas lalo lang akong nanghihina sa ginagawa niya at mabilis ang paghina ko na tila pa may hinahabol ang aking puso.

"H-Hugo! Oooh!" Napayakap ako ng  mahigpit sa leeg niya ng kagatin niya ang leeg ko kasabay ng paglapirot sa aking magkabilang utong.

Napahugot ako ng malalim na hininga ng lumayo ang bibig nito sa leeg ko. Alam kong nag-iwan iyon ng marka dahil sa hapdi ngunit may kakaibang sensasyong ibinibigay na dumadaloy sa katawan ko.

"You're not going to tell me?" mahinahon niyang tanong, malapit pa rin ang mukha nito sa leeg ko. Nararamdaman ko ang mainit niyang hininga na tumatama rito.

"P-Papaano ako makakapagsalita kung ganito ginagawa mo?!" naiinis kong sagot, hinahabol ko pa rin ang hininga ko. Nakuha ko rin ang lumayo sa kaniya ngunit muling pumulupot ang kaniyang kamay sa baywang ko at hinapit ako papalapit.

Lumipat ang mukha nito sa mukha ko kaya sobrang lapit niya sa akin. Nakatingin siya sa aking mga mata at gano'n din ako.

Nararamdaman ko ang bilis ng tibok ng puso nito. At kahit nakabukas ang aircon dito may mga butil ng pawis sa noo niya.

"You're beautiful. I love you, Aki. Huwag mo akong iiwan at ipagpapalit sa hilaw na amerikanong iyon."

Kumunot ang noo ko. "Sinong hilaw na amerikano?" Maayos na ang hininga ko ngunit hindi pa rin bumabagal ang tibok ng puso ko.

"That fcking Cain! I'm scared that he might steal you from me," aniya. Malambing ang kaniyang boses, ramdan na ramdam ko ang takot ngunit 'di ko masyadong nauunawaan ang lahat.

"B-Bakit naman niya ako kukunin sayo? Tinaggihan ko siya kanina dahil ayokong magalit ka," sagot ko, nakatingin ako sa kaniyang mga mata habang sinasabi iyan.

Tinaggihan ko si Cain hindi dahil sa ayokong sumali sa cooking club. Hilig ko rin ang pagluluto dahil isang chef si Mama na minsan ay tinuturuan ako, kami ng kambal. Tumanggi ako dahil kay Hugo, dahil ayokong magalit ito sa akin.

Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Gumapang ang mga kamay nito hanggang sa napunta ito sa aking magkabilang mukha.

Hindi pa rin napuputol ang titigan naming dalawa. Kaya't malaya kong nasisilayan ang kislap sa mga mata nito na para din akong hinihila sa sobrang lalim.

"I've never felt this before, Aki. Kaya as much as possible, I don't want lose you. I know I'm a big guy but yeah, I'm fucking scared that you might leave me."

Napalunok ako. Tama siya. Malaki siyang tao ngunit may tinatagong takot sa kaniyang mga mata. Ibang-iba ang ugali nito sa kaniyang physical appearance.

"Hindi ko gagawin iyon," assurance ko. Dahil alam ng puso kong sapat na siya para sa akin, wala na akong dapat na hahanapin pang iba.

"Promise?"

Marahan akong tumango. Inilagay ko ang kaliwang kamay ko sa kaniyang pisngi at inilapit ang mukha sa kaniya upang idampi ang labi sa labi nito. Ipinikit ko ang mga ko nang maramdaman kong gumanti ito sa halik ko.

Lumayo ako. Ipinatong ko ang noo sa kaniyang noo habang hindi pa rin napuputol ang titigan naming dalawa.

"Pangako." Ngumiti ako.

Muli kong naramdaman ang labi nito ng inilapit niya ang mukha at hinila ako papalapit gamit ang kamay nitong nasa batok ko na.

Dinama ko ang halik na 'yun. Siya unang halik ko at siya lang ang huling taong mamahalin ko.

Hugo's Secret [Boyxboy] (Completed)Where stories live. Discover now