¤ Chapter 18 ¤ Couple's Pageant

Start from the beginning
                                    

Masyado akong matalino, para mauto mo Monique.

"Guys! Huwag na kayong mag-away. Ang mabuti pa ay pagbotohan nalang natin 'to, diba classmates?" tanong pa niya sa mga classmate namin at yung mga classmate namin ay sabay-sabay na nagpa-oo.

-KINABUKASAN -

"Bakit parang pinag-sakluban ng langit at lupa ang hitsura mo?" tanong ni miss president.

"Ayoko talagang sumali sa 'Couple's Pageant' na'yon. Nahihiya ako paano kung madapa at mapahiya ako doon?" parang maiiyak kong sabi.

I really don't want to join that stupid pageant.

Nakakainis silang lahat. Bakit ba ako ang binoto nila?

Oo binoto nila ako para lumaban sa 'Couple's Pageant'. This is my greatest nightmare.

Nandito pala ako ngayon sa loob ng classroom at nagmumukmok.

"Ano ka ba? Wala ka bang tiwala at confidence sa sarili mo?" tanong ulit niya.

Hindi naman sa ganoon.

"Iba nalang ang isali niyo please?" nagmamakaawa kong sabi.

"Sophie kaya mo'yan! At isa pa gusto naming makillala yung boyfriend mo." masaya niyang sabi.

"Ano bang mapapala niyo kung makilala niyo yung boyfriend ko?" inis na tanong ko.

"Gusto naming masigurado na hindi ka niya lolokohin at ipagpapalit gaya nang ginawa sa'yo ni Jarred." biglang sulpot ni Samantha.

Nagpapatawa ba sila? They're really getting on my nerves now. All of them.

I snorted. "Talaga? Ooh, na touch naman ako." sarcastic kong sabi.

"That's what friends are for." nakangiti namang sabi ni Abby.

Yeah right. As if maloloko niyo ako. I knew you have a hidden agenda.

Alam kong may binabalak na naman kayo.

*FLASHBACK*

Matapos magbotohan kung sino ang ilalaban sa 'Couple's Pageant', which is unfortunately me and Monique, pumunta ako kaagad sa loob ng ladies comfort room para ilabas ang galit ko at inis ko sa mga classmates ko at kay Monique.

Masasayang ang mga pinaghirapan ko ng mga ilang araw kapag ipinakita ko ang tunay kong nararamdaman sa harap nila.

Nang may mga narinig akong mga boses na papasok sa loob nang ladies comfort room.

Kaagad akong pumasok sa loob nang isang cubicle para magtago. Sina Monique, Abby at Samantha ang mga 'yon. Marinig nga kung anong pinag-uusapan nila.

"Monique, ano na naman ba ang binabalak mo?" tanong ni Abby.

"At bakit ko naman sasabihin sa inyo ang mga binabalak ko? Diba kakampi niyo na ngayon si Sophie?" sagot ni Monique.

"Monique you know na hindi yun totoo, kakampi mo parin kami. And you know how I hate your sister right? Bakit ko siya kakampihan?" sabi naman ni Samantha.

"Ewan ko sa inyo. Nasilaw siguro kayo sa mga mamahaling gamit niya?" sagot naman ni Monique.

"That's right. All we want from her is her things, kapag nakuha na namin yon sa kanya iiwan na namin siya." sabi naman ni Abby.

"And paano niyo naman makukuha iyon sa kanya?" tanong ni Monique.

"Kakaibiganin namin siya at unti-unti namin yung kukunin sa kanya." sagot naman ni Samantha.

"And paano niyo nga kukunin sa kanya ang mga iyon?" tanong ulit ni Monique.

"Diba ang mga magkakaibigan nagbibigayan?" natatawang sabi ni Abby.

Nagtawanan silang tatlo.

"Hihingin niyo sa kanya ang mga iyon?" manghang tanong ni Monique. Siguro ngayon naka-smirk at tuwang-tuwa siya sa sinabi ng mga kaibigan niya.

"Hihiramin Monique, hihiramin namin pero hindi na namin ibabalik." sagot ni Samantha. "So how about you? Anong pinaplano mo kay Sophie ngayon?" balik tanong niya.

"Oo nga Monique, bakit pinipilit mo siyang sumali sa 'Couple's Pageant'? Hindi ka ba natatakot na baka matalo ka niya? Lalo ngayon na ang ganda-ganda na niya?" singit ni Abby.

"Siya maganda, yung boyfriend niya kaya gwapo?" natatawa niyang sabi.

"Anong ibig mong sabihin Monique?" tanong ni Samantha.

"Hindi ba kayo nagtataka? Ang yaman naman yata nang boyfriend niya at mga branded lahat ang mga gamit niya?" hindi makapaniwalang sabi ni Monique. " Siguro 'MMMM' yung BF niya." dugtong pa ni Monique.

" MMMM?" tanong ni Abby.

"Oo, sa tingin ko 'Matandang Mayamang Madaling Mamatay' yung boyfriend ni Sophie. Kasi bakit ayaw niyang ipakita yung boyfriend niya saatin right? Bakit siya mahihiya diba?" sagot naman ni Monique. "Kung hindi 'MMMM' yung boyfriend niya, malamang panget siya." natatawa niyang sabi.

Nagtawanan ulit ang tatlo.

"Sabi na may binabalak ka na naman Monique eh. Sigurado mapapahiya siya sa pageant." tawang-tawa na sabi ni Samantha.

"Sigurado ako na wala na siyang mukhang maihaharap sa school na'to pagkatapos nang Intramurals." sabi ni Abby. "Pero teka, kung ganon nga ang kaso sigurado ako hindi papayag si Sophie." nag-aalalang sabi pa niya.

"Kaya nga kakausapin natin ang mga classmate natin na pilitin siya na sumali kasama ang boyfriend niya." Monique said smugly.

"Hindi pwede yun, magmumukha tayong masama kapag sinabi nating 'MMMM' yung boyfriend ni Sophie at papapilit natin siyang sumali." sabi naman ni Samantha.

"Sa tingin mo ba hindi ko naisip yan? Sasabihin natin na concern lang tayo kay Sophie kaya pagkatapos nating mapatunayan na 'MMMM' yung boyfriend ni Sophie papahiwalayan natin siya dun." sabi naman ni Monique. Pagkatapos ay umalis na sila sa loob ng comfort room na tawang-tawa.

May binabalak na naman pala kayo saakin? Abby and Samantha, sayang...hindi ko na sana kayo idadamay sa gagawin ko pero binago niyo ang lahat.

Humanda kayo saakin, dahil hindi ko na kayo kaaawaan pa.

*END OF FLASHBACK*

"So ano Sophie? Sali ka na ha?" biglang tanong ng class president.

"Oo nga Sophie, kailangan namin makasigurado na hindi ka na masasaktan pa." pilit naman ni Abby.

"Sige na Sophie." singit naman ni Samantha. "Magtatampo kami sa'yo kung hindi ka papaya." pananakot pa niya.

I clenched my fist. Wala ba talagang hangganan ang kasamaan niyo?

"Papayag na 'yan! Papayag na'yan!"chant ng mga classmate ko.

I bit my lip to stop my tears from falling. Wala ba talaga kayong magawa kung hindi ang saktan at pahirapan ako?

Tinignan ko si Monique, naka-smirk siya habang nakatingin saakin.

Is this what you want Monique?

Sige pagbibigyan kita sa gusto mo. Sana nga lang hindi mo pagsisihan ang pagsali at pagkilala mo sa boyfriend ko.

Nung mapansin niyang nakatingin ako sa kanya kaagad niyang tinignan ang mukha ko, para siguro makita ang ekspresyon ko tungkol sa nangyayari.

I smirked at her.

"Sige na nga! Alam niyo naman na hindi ko kayo maiindihan diba?" sabi ko sa mga classmates ko at sila nagcheer lang.

You will regret this Monique. Sisiguraduhin ko na pagsisisihan mo ito.

The Mafia Prince is my Stalker? anong gagawin ko?!Where stories live. Discover now