"You look pissed, Miss. Did I say something wrong?"

I rolled my eyes at him and tightened the grip on my case. Kung pwede ko lang ihampas sa kanya ito ay kanina ko pa ginawa.

Tuluyan na ngang tumigil ang elevator sa tapat ng palapag namin at bumukas. Nanguna akong maglakad papasok at isiniksik ang sarili ko sa gilid.

The hell, kahit gusto ko siya hindi pupwedeng ibaba ko ang ego ko, 'no!

"Hey," pagtawag pansin niya at lumapit ng bahagya sa akin nang nakasara na ang elevator.

Hindi na ako nakipindot pa kanina dahil napindot na rin niya kung saan ang lapag ko—ang groundfloor.

"Fvck!"

Malakas na pagmumura ko at niyakap ang aking case na hawak no'ng biglang tumigil ang elevator sa paggalaw. Hindi rin nakaligtas sa akin ang mabilis na paghawak ng lalaking kasama ko sa aking bewang bilang suporta sa hindi ko pagtumba.

"What the fvck happened?" inis kong tanong habang tinitingnan ang numero sa itaas ng elevator.

Hindi iyon kumikislap o gumagalaw.

"I think an emergency happened," Dela Merced stated and took off his hand away from me.

Napahinga ako nang malalim saka ibinaba ang hawak kong case na kanina'y yakap ko.

"Mukhang importante talaga 'yang hawak mo at mas inalala mo pa iyan kaysa sa maghanap nang makakapitan," puna niya habang natingin sa hawak ko.

Siyempre, kapag naalog 'to ng husto patay tayo.

"Ayaw ko namang mamatay ng birhen, 'no," wala sa sariling bulong ko.

"Did you say something?" he asked and get closer to me.

Nahigit ko ang aking hininga dahil sa sobrang lapit ng kanyang presensya.

"B-Bakit ka ba lumalapit ng sobra?" nauutal kong tanong at humakbang ng isa pagilid para makalayo.

His side lips rose and looked at me with amusement on his face.

"Are you bothered?" he asked with his raspy voice.

Pinilit kong ibalik ang wisyo ko at umiwas sa tingin
niya. "Pinagsasabi mo? Nababanasan kasi ako."

I meant half of it.

Mahina siyang tumawa at sumandal sa dingding ng elevator. "Aren't you afraid?" He glanced at me.

Nangunot naman ang aking noo sa kanyang tanong. "Saan at bakit naman ako matatakot?"

Marahan niyang dinilaan ang ibaba niyang labi.

Dry lips ba siya? Masyado niyang alaga sa pagbabasa ang labi niya, ha.

"Well, hindi ba initial reaction ng mga babae ang matakot sa tuwing nai-stock sa isang lugar?"

Napangiwi ako at hindi naiwasang tumawa.

Kamatayan nga ay hindi ko kayang katakutan, ang ma-trap pa ba?

I smirked when a naughty idea pop in my mind. Tiningnan ko siya nang namumungay at kinagat ang ibabang bahagi ng aking labi.

"Ikaw ba naman ang makasama kong makulong dito, sino'ng matatakot diba?" panggagalaw ko sa kanya saka siya pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang ibaba ng kanyang tiyan.

Napasipol ako sa aking isip nang natanawan ang malaking umbok doon.

"Eyes up, Quennie," he said with his cold baritone voice.

Napaawang ang aking labi nang narinig ko ang pangalan ko mula sa bibig niya. Madilim ang kanyang paningin at umiigting ang panga niya. Napalunok ako at umiwas ng tingin dahil bigla akong kinain ng kaba.

Napasobra 'ata ang biro ko.

Wala nang umimik pa sa aming dalawa sa mga sumunod na segundo. Nagsimula na ring mamuo ang pawis sa noo at leeg ko dahil sa unti-unting pagkalat ng init sa loob ng elevator.

Tngna. Ang laki-laki nang ibinayad ko rito para lang makulong sa elevator. Bwiset!

"W-What are you doing?" nauutal kong usisa nang nakita ko ang kasama ko na itinataas ang pang-ibabaw niyang damit.

He stared at me then smirked. "Sobrang init, Miss, at hindi ako magtitiis na hindi gumagawa ng paraan para mahanginan," tugon niya at mabilis na itinuloy ang paghuhubad.

Tumambad sa aking paningin ang perpektong hubog ng katawan niya. Sinimulan niyang ipaypay sa sarili ang kanyang damit na hinubad. Umiwas naman ako ng tingin at napalunok nang mariin.

Bakit mas lalong uminit?

"You can also strip if you want, hindi mo kailangang magtiis," aniya.

Laglag panga ko naman siyang tiningnan at ilang beses na napakurap. "Minamanyak mo ba ako?!" asik ko.

He chuckled and leaned again on the elevator wall. Mas lalo tuloy dumepino ang kanyang namumutok na abs at V line.

"Nagbibigay lang ng suhest'yon, Miss," saad niya.

Inirapan ko siya at tiningnan nalang ang numero sa itaas ng elevator na hindi gumagalaw.

Darn it! Kung kailan may bagay pa akong aayusin saka naman nakisabay ang kamalasan.

"Tngna!" malutong kong pagmumura nang dumilim ang buong lugar.

Mariin kong hinawakan ang hawak kong case para masigurado na hindi iyon magagalaw ng todo.

"Medyo marumi rin pala ang bibig mo," sambit ng kasama ko.

Mula sa dilim ay inirapan ko siya. "Got a problem with that?" pagmamataray ko.

Masyado na talaga akong asar sa mga nangyayari kaya kahit siya ay napagbubuntunan ko na rin.

Mahina siyang tumawa mula sa kanyang pwesto. "Oo, dahil ayaw ko sa babaeng nagmumura," he stated.

My lips twitched because of that.

Hindi niya pa dinaretyong ayaw niya sa akin. Tss!

"Huwag kang mag-alala, mamahalin mo rin ang bibig na 'to at kaaadikan," I said and smirked.

I shrieked when a strong arm pulled me from my waist as I bumped into a hard object, no it's not an object, it's Dela Merced's chest!

"Shall I try it to believe?"

I shut my eyes tight when I heard his deep husky voice under my ear as I felt his hot breath touching my neck. It's like he's casting me a spell and I am already into it.

Damn it! Bakit ba palagi niyang nababaliktad ang sitwasyon naming dalawa?

ATRÓMITOS ORGÁNOSI #2 : BOMBER (COMPLETED)Where stories live. Discover now