Pagkatapos ko magpahinga sandali ay nagpalit na ko ng damit at bumaba para kitain sila Kuya at Kyena sa baba para sa tanghalian.

"Kaye! Apo!" Nag-angat kami ng tingin sa palabas ng mansyon na si Lolo. Sinalubong ko siya ng yakap at halik tsaka ako nagmano. "How's your trip?"

"It's fine, Lo."

"Let's eat lunch, hinintay ka talaga namin ng Kuya mo at ni Kyena para saluhan kami."

Inakbayan ako ni Lolo. I bite my lower lip when we walked towards the people in the garden. Pasimple kong hinila pababa ang suot kong high waist short. Lalo akong nailang ng batiin si Lolo ng mga tao, syempre dahil kasama niya ako, pati ako tinawag nila.

I'm shy.

Napakaraming pagkain, Lolo always make sure na busog ang mga nagtatrabaho sa bukid. May tilapia na prito, may adobong manok, may itlog na maalat at kamatis, may nilagang talbos, okra, at pakwan. Tipikal na pagkain ng mga taga-probinsya, ang mga gulay pinipitas lang sa bakuran at maaring manghuli ng isda sa may sapa sa dulo.

Kahit maingay ay nag-enjoy naman ako sa pagkain kahit medyo conscious na baka may magawa akong mali.

"Buti at nag bakasyon kayo rito, miss na miss na kayo ni Don Antonio," Sabi ni Aling Carmen.

"Opo, wala naman po kaming ibang balak puntahan. Nasanay na rin na dalawin si Lolo dito kapag bakasyon, " sagot ng Kuya ko.

"Eh kadarating lang nireng si Kaye, hindi ba? Bakit hindi pa kayo nagsabay magkapatid?" Tanong naman ni Lola Nena, siya ang kinalakihan kong nangangalaga sa mansyon mula pagkabata ko.

"Nauna na po kasi si Kuya, may tinapos lang po akong school activity." Magalang na sagot ko.

Natapos ang maingay na tanghalian at ako yata ang unang aalis sa hapag. "Aakyat na po ako, Lo." Mahinang sabi ko tsaka humalik sa pisngi niya.

"Okay, take a rest, Kaye. Mamasyal kayo ng Kuya mo mamaya." Tinapik pa ni lolo ang balikat ko bago ako hinayaan.

Mabilis akong pumasok at umakyat sa kwarto ko. Ibigsak ko ang katawan ko sa malambot na kama at tsaka ako pumikit.

Gusto ko nang matulog pero kakakain ko lang.

I sighed as I force myself to get up. Instead of staying in my bed, I took my bag and get my sketch pad. Tinuloy ko yung dino-drawing ko kanina sa sasakyan.

I draw my dream house. 2 storey, may malawak na garden, may roofdeck, may apat na kwarto— tatlo na pwedeng tulugan at yung isa ay para sa mga gamit ko sa pag pe-paint at pag do-draw.

Nilalabas ko ang mga gamit ko sa bag nang makita ko ang brochure na pinamigay sa may gate ng school namin noong last day. I think it's for graduating students— going to college. It's from some college university in Manila, their facilities and the courses available in their campus.

I want to be architect.

Because that's what I'm good at, designing and drawing. Si Mommy, gusto akong maging doctor. Si Daddy, gusto sa bank lang ako para daw hindi abutin ng gabi sa daan. Si Lolo, well, gusto niyang mag chef ako dahil may iniwang restaurant si Lola bago ito pumanaw. Gusto ni Lolo na ako ang mamahala no'n.

Pero ayoko.

Hindi ako ganung katalino para mag doctor, takot ako sa dugo at nakakapagod mag-aral. O hindi lang talaga ako para do'n. Hindi rin ako gano'n ka close sa mga numbers para mag accountant. Hindi rin ako marunong mag luto para maging chef.

I don't see myself doing what they want me to do. Or I'm just afraid to try things?

I'm okay on architecture.

Like Strangers DoWhere stories live. Discover now