CHAPTER 23 (Photoshoot)

Start from the beginning
                                    

Kapag ganito alam kong may mali, kahit matagal ng hindi kami nagkikita ni lolo alam kong ugali niya.

Kapag may mali siyang napapansin magtatanong at magtatanong siya

"Yes lolo? " nakangiting tugon ko.

" I wonder, why did you own the authority in this island? Nagkainterest ka na ba sa ipapamana ko sayo huh princess? " abot ang ngiting saad nito.

Haist, he's just like daddy.

" No lolo, it won't going to happen. The title in this island isn't in me lolo but the real owner of the island. I just did this to give him an interesting game to play " nakangiting saad ko kaya biglang nawala ang sigla sa mukha nito

" Apo why don't you just be my heir? " tanong nito sakin.

"Lolo being your heir or even daddy's company's heir isn't in my dreams, I want to live a life that I wanted and I don't want to be part of the chain you and daddy create so please lolo understand your cute, beautiful granddaughter " nakangiting saad ko dito kaya napabuntong hininga nalang ito

"I see, I see. Wala na akong magagawa kung iyan ang gusto mo yung apo ko nalang sa tuhod ang hihintayin kong magmana ng lahat ng pinaghirapan ko" saad nito kaya napahawak nalang ako sa sintido ko.

Ngayon yung magiging anak ko na wala pa ni sa tiyan ko ang pagmamanahin naman niya ng kayamanan niya.

Haist, lolo is always be lolo, nakakastress.

" Ok lolo, maglalakad lakad na muna po ako sa dalampasigan para naman ma refresh ang utak ko" saad ko at lumabas ng mansion para makapaglakad lakad sa dalampasigan.

I missed this place, everything in this place.

Naglakad lakad ako mula sa burol kung saan ako nahulog hanggang sa dating pinagtatayuan ng pinaglalaruan naming kubo ni chenchen.

Hanggang ngayon tila parang kahapon lang naganap ang lahat ng iyon.

If I could just bring back the time sana pala pinilit ko nalang si daddy na wag ako isama pauwi o kaya mag stay pa ako ng ilang araw para makasama ko siya.

Pagkalipas ng ilang minuto pa ng paglalakad ay nagpasya na akong umuwi dahil maaga pa kami para sa photoshoot bukas.

Kinabukasan

Iyana's POV

" Ma'am, ilapit niyo pa po ang mukha niyo kay sir at mas maganda po ata kung ilagay niyo ang kanan niyong kamay sa mukha niya na at titigan niyo lang po siya ma'am para po maganda ang kalalabasan ng litrato" sigaw ng camera man sakin nandito kasi kami sa buhanginang parte ng isla at pinipilit akong ilapit ang mukha ko kay cyrus na mas ikinailang ko.

Aish bat ba kasi kailangan to.

Dahan dahan kong hinawakan ang mukha ni cyrus at tinitigan ang mga mata nito ng bigla ako nitong hapitin kaya ang ending nakangiti niya akong hinahapit sa bewang habang ako naman ay gulat na gulat na nakatitig sa kanya habang nakahawak sa mga pisngi niya.

"Perfect! " sigaw ng camera man samin.

Bigla naman akong namula sa ginawa nito.

"Ma'am palitan niyo na po ang damit niyo maam" nakangiting saad ng camera man kaya binitiwan na ako ni cyrus at kumindat pa na mas lalo kong ikinapula, pashneyang kagwapuhan yan >Δ<

Pumunta na ako sa restroom para magpalit at sinuot ang white long dress na long sleeves at napapalibutan ng beads ang bewang with matching white silver necklace

Ang cute niya actually.

Lumabas akong suot ito at dahil may make up na naman ako ay nag retouch lang ako ng kaunti.

My Naughty Girl Where stories live. Discover now