Chapter Thirteen

180K 3.1K 125
                                    

Saturdays are the worst days. Ganitong araw ako naglalaba at wala na akong magawa pagkatapos kundi ang tumunganga. Lumabas na muna ako ng bahay para sana makahagap ng hangin nang bigla kong makita ang sasakyan ni Tyrone. Nalaglag ang panga ko.

Luminga linga ako para tignan kung sino ang pinupuntahan niya pero lalo akong natanga nang lumapit siya sa akin. Mabilis kong sinara ang pinto sa likod ko sa takot na baka makita kami ni mama na ngayon ay muling nagsusugal sa loob.

"Good morning," ngisi niya sa akin. Nakasuot siya ng polo na nakabukas ang dalawang butones sa itaas na bahagi at nakatupi ang sleeves hanggang sa siko. Napalunok ako dahil naalala kong bagong gising pa lang pala ako, at hindi pa nakakapagsuklay man lang ng buhok o nakakapagtoothbrush.

"Anong ginagawa mo rito?" Nanginginig kong tanong.

Lalo siyang ngumisi. "Di ba pumayag ka na kagabi? I told you I'll see you tomorrow. You nodded. Kaya andito ako ngayon."

Oh my God! Naalala ko na naman ang nangyari kagabi at ang pagdadrama na ginagawa ko. I mentally facepalm at hinigit ko siya palayo sa lugar na iyon. Wala akong pakialam kung nakasuot pa ako ngayon ng napakalaking sando at mahabang shorts.

Hinarap ko siya nang sa tingin ko ay malayo layo na kami. "Hindi ka pwede makita ni mama. Magagalit 'yun sa'kin." Lumayo ako ng kaunti dahil nagmumukha akong katulong sa tabi niya, at dahil hindi pa ako nagtutoothbrush.

"Sasabihin ko bakla ako." he shrugged.

Lumaki ang mata ko sa narinig. Seryoso?! Did I just hear that from him?! Humalakhak na naman ako ng napakalakas. I can't help it! Hindi ako makapaniwala na sinabi niya iyon!

"What?" Nakangisi niya muling tanong. Ang gwapo niya nga naman, oo!

"Hindi bagay sa'yo," pagaasar ko at tumigil sa pagtatawa dahil, uulitin ko, hindi pa ako nagtutoothbrush.

"Kasi gwapo ako?" Humalukipkip siya at pinanuod akong pilit na tumitigil sa paghalakhak.

"Hindi nga sabi," I rolled my eyes.

"Labas tayo?" Pag-iiba niya ng topic. Naging seryoso na naman siya at hindi ko siya masundan sa mood niya.

Is he asking me out?

"H-Ha?" Napalunok ako. Date?

"Sabi ko, labas tayo. Tara?"

Tumingin muli ako sa bahay. Saglit kong inisip yung mga labahan namin pati na rin ang mga gagawin ko sa bahay, pero masyadong nakakaakit ang kan'yang offer. Gusto ko rin sana lumabas. Tinitigan ko naman si Tyrone na naghihintay ng sasabihin ko. Sige na nga! Bahala na mamaya!

"Date ba 'to?"

Humalakhak siya ng mahina at kinurot ang ilong ko bago tumango. "Opo. Date." kumindat pa siya sa akin.

Gusto kong mahimatay.

Gusto ko siyang hampasin sa sobrang kilig! Gusto kong sabunutan ang magulo niyang buhok! Ewan ko, gusto ko na lang matulog para kunwari ay hindi ko nararamdaman itong kilig na nararamdaman ko! Gusto kong bumalik sa boring na buhay ko dahil ni minsan, hindi pa ako nakakaramdam ng ganitong extremities. Hindi ako sanay!

"S-Sige. Maliligo lang ako. Pwede mo ba ako hintayin sa kanto na lang? Pupuntahan na lang kita doon." Halos robot na ang tono ng pananalita ko dahil kapag maglagay ako ng kahit kaunting emosyon sa pananalita ko ay baka hindi ko na mapigilan at mahampas hampas ko na lang siya.

He frowned. "May nag-iinuman na naman doon."

"Kaysa hindi ako payagan ni mama dahil makikita ka niya?"

IntoxicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon