TLA - Chapter 1

430 3 0
                                    

***

Third Person's POV

Ilang araw na rin mula ng dumating si Inigo sa Paris. Yes, everything was planned by him. He took the flight that night for him not to force Heyna and fool himself.

Hindi niya kayang papiliin ito at iwan si Koikoi sa Pinas. As much as he wanted, he want those two to stick together. Mahirap ang malayo sa mga magulang, he must know that for he experienced that thing before. At iyon ang ayaw niyang mangyari kay Koikoi. He treasured him like he's his. Pero hindi, hindi siya pwedeng pumapel sa buhay ng mga ito gayung alam niyang mas sasaya ang mga ito kay Josh.

Ginugul niya ang sarili sa trabaho. Kaliwa't-kanan ang mga kaso na hinahawakan niya. As much as possible, he don't want to hold a case wherein he needs to go back to the Philippines. Gusto niya munang makalimot kahit papaano, at hindi mangyayare iyon kung babalik-balikan niya ang Pinas. The place speaks of Heyna and baby Marco. Maging sa Paris ay dala-dala niya ang alaala ng mga ito.

"Agent Tria." Napabalikwas siya ng tawagin siya ng isa sa mga kasamahan niya kasunod ang isang matandang officer na lider ng isang batallion katulad niya.

"Sir." Tumayo siya at nakipagkamay rito.

"I'm not here to ask for the report of a case you're holding. I'm here to personally ask for your presence on my 25th wedding anniversary celebration." Nakangiting saad nito sakanya bago inilahad ang isang envelope na naglalaman ng imbitasyon nito.

Ngumiti siya pabalik rito at tinaggap ang imbitasyon.
"Remember, I'm expecting you to go there, Tria." Wariy pa nito bago umalis na sa opisina ng quarters niya.

Napailing na lang siya. How come he can't say no to that man? Gayung isa ito sa mga tumulong at pumili sakanya para malagay siya sa ganito kataas na posisyon sa murang edad pa lang niya.

"Ano sir? Pupunta ka ba dyan? Baka kailangan mo ng driver?" Biro pa ng isa sa mga tauhan niya. Isa ito sa mga purong pinoy na sinanay noon upang makapasok sa Asiatic Group. Iilan laman silang pinoy sa grupo na ito. Kaya't isang pinoy lang ang nakuha at nakasama niya sa grupo.

"Oo ba. Basta sayo ang gasolina." Biro niya rin rito bago itinuon muli ang sarili sa report na tinatapos niya.

"Ay, hindi na pala, sir. Baka umabot ang balita sa Pinas at magalit pa asawa ko." Natatawang sagot naman nito sakanya. Unlike him, agent Montero's already married. May mga anak na ito at asawa na nakabase sa Pilipinas. Ito ang lagi niyang inaatasan sa mga kaso sa Pilipinas para kahit papaano ay mabisita at makita nito ang pamilya roon.

"Oo. At baka hindi pa iluwal nun ang anak niyo 'pag nalaman niyang pa easy-easy ka lang dito." Saad niya pa rito na muling nagpahalakhak sakanilang dalawa.

"Humanap ka na kase ng sarili mo'ng sakit sa ulo, sir. Malay mo nasa party pala iyon mamaya. Kegwapo-gwapo e. Sayang ang lahi, sir." Dagdag pa nito.

Sumandal siya sa swivel chair niya at nilaro ang ballpen na hawak niya. Napapaisip tuloy siya, kung may babae nga ba'ng ginawa ang Diyos para sakanya. Si Heyna, she was the right person but she wasn't meant for him. In his 28 years of existence, he haven't fall for someone so deep like the one he felt with Heyna.

Memories of Heyna and Koikoi keeps flashing back in his mind. Wala 'atang araw na hindi niya maiisip ang mga ito. And then he realized he have to wind up and go to the party of Mr. & Mrs. Chang to freed up his thoughts and somehow forget about them... kahit ngayong gabi lang.

***

The party's indeed a social party. Iilang personalidad ang nakita niya kanina pa sa paglilibot sa bakuran ng venue ng party. He was supposed to approach Mr. Chang ngunit hindi niya muna ito nilapitan sapagkat marami pa itong kausap.

Selling His Forsaken Wife (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon