(10) The Battle

24.3K 375 3
                                    

********

Heyna's POV

Ang kakapal ng mga mukha nila. Pinapamukha talaga nila saken na wala silang pakialam kahit na nandito ako sa bahay.

Ang bababoy nila. I hate them both!

********

Bumaba si Josh galing sa kwarto niya papunta sa kusina habang si Heyna naman ay prenteng-prente na nakaupo sa couch nila sa may sala habang nagbabasa ng magazine.

Pagdating ni Josh sa kusina ay nakita at naamoy niya agad ang mga panis na pagkain na parang inihanda 'ata ni Heyna para sana kainin niya kagabi.

Napamura siya. First time niyang makita ang kusina niya na magulo.

'Ano ba'ng problema ng babaeng yun? Wag niyang sabihing kakainin pa niya 'to?' - mahinang bulong niya.

Di niya akalaing may pagkaburara pala si Heyna. Sa mga nagdaang linggo kase, ay humanga siya sa klase ng pag-alaga ni Heyna sa bahay niya.

Pero ngayon? Binabago niya ng pananaw niya.

Dali-dali siyang nagluto ng fried rice, egg and bacon. Actually, brunch niya na ito kase hindi pa siya kumakain simula kaninang umaga.

He's spending with his life kanina at kagabi which made him so happy today.

Habang hinihintay niyang maluto ang niluluto niya pumunta muna siya sa sala at in-on ang tv.

Napasulyap siya saglit kay Heyna na nagbabasa parin ng magazine. Naninibago kase siya sa ipinapakita ni Heyna ngayon.

Hindi siya nito pinapansin!

"Tsk. Nag-iinarte lang." - bulong niya ulit sa sarili niya bago pumunta sa kusina at kinuha ang mga niluto niya.

Dinala niya rin ang mga ito sa sala at doon na kumain.

"Usog ka nga dun." - utas ni Heyna habang nakatakip parin ang magazine sa mukha nito.

"Bakit ako uusog eh akin tong couch?" - saad niya.

Heyna give him her ah-ganun-look.

"Eh di sayo na. Tsk." - pagsuko ni Heyna habang umaalis sa sala.

Paakyat si Heyna ng hagdan pero narinig parin niya ang sinabi nito:

"Anlalandi niyo. Di ka na nakuntento saken." - habang pinupunasan nito ang mukha.

Ha? Kaya pala siya masungit ngayon ay dahil samen ni Brizza.

Napailing na lang si Josh habang patuloy na kumakain. Nagseselos lang siya. Ba't ba kase di na lang siya makipaghiwalay saken? Eh di sana wala na kong problema. Tsk.

********

Heyna's POV

Gusto ko umalis ng bahay nakakasura na kase dito.

Naligo ako at nagbihis ng simpleng violet see through dress under it is a black tube and short shorts.

Wala na akong naabutan na Josh sa sala, buti nga. Naiinis ako sa mukha nung babae niya.

So, anong connect?

Diba, ang layo?

Tsk. Mababaliw lang ata ako kung di ako sasagap ng hangin sa labas ng bahay na 'to.

I went to his sala to turn off the tv. Iniwan na naman kase niyang nakabukas. Oh diba, ang yaman niya?

Napansin kong tumunog ang cellphone niya na naiwan sa small glass table.

Hindi ko na sana pakikialaman yun kung di lang yung pangalan ng babaeng yun ang nagtext sakanya.

Babe:
Babe at my office, now..
I miss you already. :*
-end-

Anlandi landi talaga ng babaeng 'to. Tang*na!

Siya pa talagang nag initiate. Pwes, hindi ko hahayaang pumunta si Josh sakanya. Never!

Dali dali kong binura ang text ni Brizza at hinanap si Josh.

********

A/N:

Next chapter would be bitchfully intimate. ;)

Read. Vote. Comment.
Add this to your LIB. :)

Selling His Forsaken Wife (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon