"T-tita, bakit po?" Tanong ko rito. Medyo nakahinga na ako ng maluwag.

"Gusto ko sanang tumulong ka sa pagbibigay ng mga sopas sa bisita ng Kuya Lexus mo. Kaso, mukhang kausap mo itong si Sarge." Sagot ni Tita Rosa.

Sasagot na sana ako, kaso'y naunahan ako ni Sarge Edward. Shet!

"Oho, Aling Rosa. Magtatanong lang sana ako kay Jinuel tungkol sa nasaksihan niya noong gabing napatay si Lexus. Kung okay lang ho sa inyo." Nakangiting paalam ni Sarge Edward kay Tita Rosa. Bumaling ng tingin sa akin si Sarge Edward at kinindatan ako na siyang mas lalong nagbigay ng kaba sa akin.

Shit! Ano kayang binabalak ng machong pulis na ito sa akin? Alam rin kaya niya na may nangyayari sa amin ni Kuya Lucas? Nako!

"Ay, oo naman, Sarge. Kung makakatulong naman si Jinuel, wala hong problema." Mabilis na sagot ni Tita Rosa na may malaking pagkakangiti.

"Salamat po, Aling Rosa."

Umalis na rin si Tita Rosa at muling bumalik sa loob. Habang ako naman ay hindi mapakali sa aking upuan.

Hindi ko alam kung ano pang gustong malaman ni Sarge Edward tungkol sa pagkamatay ni Kuya Lexus. Nahuli naman na ang gumawa ng kasalanan sa kanya.

"Jinuel, samahan mo ako sa sasakyan ko." Muntik na akong mapatalon nang biglang magsalita si Sarge. Natawa naman ito sa naging reaksyon ko.

"B-bakit po?"

Ngumisi ito. "Ano bang paalam ko sa Tita Rosa mo?"

Hindi na ako nakasagot pa nang hilahin na nito ang kamay ko at naglakad na kami patungo sa kanyang sasakyan na nakaparada sa gilid ng kalsada.

Pinagbuksan ako nito ng pinto ng kanyang sasakyan bago siya naman ang sumakay at mabilis nitong pinaibis.

"S-saan po tayo pupunta?" Hindi ko maiwasang itanong rito habang lulan kami ng kanyang sasakyan.

Hindi parin mawala ang kaba sa dibdib ko na kanina parin nananaig. Halos pigilan ko na gamit ang kamay ko sa mabilis na pagtibok ng aking puso.

Pero sa isang banda, parang nasisiyahan ako na kasama ko ngayon ang isa sa mga lalaking pinagnanasahan ko rito sa Barangay Santolan.

"Sa lugar kung saan walang makakakita sa gagawin natin." Sagot nito at saglit na nagtapon ng tingin sa akin.

Hindi ko malaman, pero parang napapalakpak ang tainga ko sa sinabi ni Sarge Edward. Parang nakikinita ko na ang mga mangyayari ngayong gabi.

Pero sana'y patawarin ako ng kaluluwa ni Kuya Lexus kung ano man ang masasaksihan nito.

–––

Huminto ang sasakyan ni Sarge Edward sa isang abandonadong bahay. Nasa gilid lang ito ng kalsada kaya madadaanan ng mga sasakyan.

Naunang bumaba si Sarge at pinagbuksan ako nito ng pinto. Magiliw naman akong bumaba ng kanyang sasakyan.

Ang bahay na nasa harapan ko ngayon ay parang sinauna na. Sira sira na ang harapan nito. Ang pinto ay bitak bitak na, ganun rin ang bintana nito na bawas bawas na ang salaming pangharang.

Walang kailaw ilaw sa loob ng bahay. Tanging isang kandila ang nagsilbing liwanag na binuksan ni Sarge Edward.

Hindi ko napigilang mapahawak sa matinong braso ni Sarge. Tinubuan ako ng takot at kaba sa aking dibdib.

"S-sarge, bakit tayo nandito?" Natatakot kong tanong sa kanya. Hindi ko parin inaalis ang pagkakahawak ko sa kanyang braso.

Giniya ako ni Sarge Edward sa isang lumang sofa at doon ako'y pinaupo. "Tambayan ko ito kapag gusto kong mapag-isa. At ikaw ang kauna unahang babae ang nakapasok rito."

The Boys of Barangay SantolanWhere stories live. Discover now