Nakatulala ako ngayon sa kama ko, surrounded by a sea of gowns and dresses na parang nagpa-party sila sa harap ko. Literal na fashion show sa kwarto ko, pero wala pa rin akong napipili.
Kagabi pa ako nag-iisip kung ano bang susuotin ko sa party ni Isaac. Not that I wanna impress him or anything—ew, no thanks. It's not about him. It's about the fact na nandoon ang mga pinsan niya... at syempre, nandoon si Travis.
Travis Monteverde.
The boy I've been crushing on since I was, like, seven. Yung tipong siya lang ang dahilan kung bakit ako sumasama sa mga family reunions kahit ayoko. Actually, nung nalaman ko na ikakasal daw ako kay Isaac—yes, that walking red flag—I begged Mom to convince Dad to cancel the engagement. Like, hello? I deserve better. I deserve Travis.
Pero syempre, pinagalitan lang ako ni Dad. "You're too young to decide," daw. "It's for the family," daw. Ugh, classic.
Pero kahit anong sabihin nila, isa lang ang sigurado ko: si Travis ang mahal ko.
Kinuha ko ang phone ko, tiningnan ang wallpaper ko—si Travis, syempre. Yung candid pic niya habang natutulog sa van. So pogi kahit tulog. Hinalikan ko ang screen.
"I love you, my baby," bulong ko, sabay ngiti.
Biglang—KNOCK KNOCK.
"Hey sweetie, nakapili ka na ba ng susuotin mo, ha?" bungad ni Mom habang pumasok sa kwarto ko na parang walang warning.
"Mom! Panira ka naman eh!" arte ko habang tinatakpan ang phone ko. Buti na lang di niya nakita 'yon.
"Anak, may good news ako sa'yo. Halika, dali, baka marinig tayo ng Daddy mo." bulong niya, parang may chismis na juicy.
Napaupo ako. "Ano nga, Mom? Spill!"
"Well, sweetie... ako lang naman ang pumili ng susuotin ni Travis. Your love." sabay kindat niya. "It's a beautiful suit. Color? Champagne." sabay turo niya sa fitted dress ko—na guess what? Champagne din.
WAIT. WHAT?!
Bigla akong napasigaw. "HELL. NO." sabay yakap kay Mom na parang nanalo ako sa lotto.
"Gosh, Mommy, you're the best! As in, the BEST!" tili ko habang kinikilig. "I think mababaliw na talaga ako kakaisip kung anong susuotin ko na magugustuhan ni Travis. Pero now? This is it. This is destiny."
Hinalikan ko pa si Mom sa pisngi. Deserve niya 'yon.
"Alam mo, anak, natutuwa ako kasi nagdadalaga ka na. Parang kailan lang, ako pa naghuhugas ng pwet mo. Tapos ngayon, in love na in love ka na." asar pa niya.
"Moooom!" sigaw ko habang tinatapon sa kanya ang unan. Pero totoo naman, I'm in love. Like, head-over-heels, butterflies-in-my-stomach, playlist-full-of-love-songs kind of love.
After ng konting chikahan, sinabi ko sa kanya na magpapasalon kami nina Dana at ng mga pinsan niya. Good thing, pumayag siya agad. Thank you, universe.
Ngayon, nandito ako sa balcony, staring at the moon habang umiinom ng kape. Ang drama ko, pero ang sarap sa feeling. Parang ako si main character sa sariling pelikula.
......
The next morning, nagising na lang ako ng biglang tumunog ang phone ko. Si Nay Puring.
"Iha, may naghahanap sa'yo."
Naligo ako kahit tinatamad pa 'ko bumangon, then bumaba na rin ako, curious lang din ako kung sino'ng naghahanap sakin ng ganitong kaaga.
And then I saw him.
Symon.
Symon. My childhood playmate. The boy who used to chase me around the garden and steal my snacks.
Cute pa rin. Actually... mas gumwapo.
Ngumiti siya sa'kin, bitbit ang familiar energy na parang bumalik kami sa age 10.
"Hey, Verniece. Long time no see."
And just like that, my heart did a little flip.
YOU ARE READING
Unexpected Fall
RomanceIsaac at Verniece. From day one, parang kasing layo nila ng langit at lupa. Mortal enemies since childhood, at mas lalo lang lumala nang ipagkasundo silang ikasal. Pero syempre, life has its twisted sense of humor. Hindi inakala ni Verniece na unti...
