Iniwas ko na lang ang tingin ko kay Travis. Ayoko na. Ayoko nang maalala yung eksenang parang teleserye gone wrong. Pero kahit pilit kong iwasan ang awkwardness, parang may built-in spotlight pa rin sa akin.
But then—thank God for Symon.
Lumapit siya sa gawi ko, casual lang, parang walang nangyari. At hindi na ako nagulat nang bigyan niya ako ng pizza and burger. Comfort food is life, besh.
"Ay, ang galing mo talaga, Symon. Pero wala bang panulak? Kahit tubig lang?" bulong ko sa sarili ko habang tinititigan ang burger na parang may kasalanan.
And then, plot twist.
May kamay na nag-abot ng orange juice sa harap ko.
Kasabay ng kamay na 'yon... isang matamis na ngiti.
Si Travis.
OH MY GOD.
Gwapo. Gentleman. May juice pa. Ano 'to, boyfriend application?
"Busog na ako, guys. Pwede ko na ipamigay 'tong pagkain ko. Sinong gusto?" sabi ko, trying to sound chill kahit gusto ko nang mag-cartwheel sa kilig.
"Uhm... hehe. Thank you." pabebe kong sabi sa kanya habang hawak ang juice na parang regalo ni Cupid.
At nag-reply siya.
Malambing.
Soft.
Deadly.
"Always welcome, Iralynn."
OH MY GOD. OH MY GOD. OH MY GOD.
Siya lang ang tumatawag sa second name ko. At sa pinaka-sexy na paraan. Yung tipong parang binubulong sa tenga mo habang may background music na acoustic version ng "Falling."
Lord, bakit ganito? Bakit parang gusto ko na siyang yakapin ulit?
Hay, ano bang iniisip mo, Verniece Iralynn? Malala ka na, girl. Lakas na ng tama mo kay Travis. Isang ngiti lang, parang gusto mo nang mag-compose ng love song. Orange juice pa talaga ang panulak ng kilig?
Habang nagfa-flashback ako sa ngiti ni Travis, biglang sumingit si Symon. Nag-inarte pa, besh.
"Bakit si Kuya lang ang pinasalamatan mo? Ako rin naman ang nagbigay ng pagkain, 'di ba?" reklamo niya, sabay kunot-noo na parang hindi siya nabigyan ng credit sa group project.
Napatingin ako sa kanya. Oops.
"Ay, sorry Symon! Thank you din sa burger at pizza!" sabay ngiti ako ng pabebe para hindi na siya magtampo.
Pero deep inside?
Girl, Travis gave me juice. With a smile. And he said my second name. In the sexiest way possible. Sorry na, Symon. You're sweet, but he's... Travis.
......
After all the drama, napag-desisyunan naming mga girls na manood ng movie. Para ma-reset ang utak, para ma-divert ang feelings, para hindi ko na maalala yung juice moment ni Travis—na obviously, hindi ko pa rin malilimutan.
Diretso kami sa sinehan. Chill lang, kunwari walang tension.
"Dana, lapit tayo sa upuan ha?" sabi ko habang hawak ang ticket.
Pero ang sagot niya?
"Si Symon daw ang kalapit ko."
Okay, fine. Symon it is.
YOU ARE READING
Unexpected Fall
RomanceIsaac at Verniece. From day one, parang kasing layo nila ng langit at lupa. Mortal enemies since childhood, at mas lalo lang lumala nang ipagkasundo silang ikasal. Pero syempre, life has its twisted sense of humor. Hindi inakala ni Verniece na unti...
