Prologue

1.3K 25 2
                                    

Prologue



“I volunteer agad,” matapang kong sagot at itinaas ang kanang kamay.

Tinitigan lang ako ng lalaking nasa harapan ko habang nakasandal at naka-crossed arms pa sa isang bookshelf sa library school. Tumaas saglit ang gilid ng labi niya at hindi maiwasan na hindi kumunot ang noo.

Bored siyang tumingin sa akin, halatang ’di naniniwala.

Tumingin pa sa paligid na animo’y naghahanap ng taong nakarinig sa sinabi ko.

“No, ’di ikaw ang hanap ko,” he mumbled.

Tumaas ang kilay ko sa sagot nito, “Ikaw na nga ang tutulungan, ikaw pa choosy?” pagsusungit ko sa kaniya.

Ngumisi siya at tumayo nang tuwid. Inayos ang medyo nagusot na damit.

Napapikit siya nang mariin at hinilot ang sintido na parang nagbibigay ako ng sakit sa ulo sa kaniya. Like, mas sasakit kaya ang ulo niya kung maghahanap pa siya ng another girl na willing tumulong sa kaniya.

Heto na, nasa harapan na nga niya pero ’di pa tinatanggap.

“Alam mo ba ang pinapasok mo?” gulong tanong nito.

Tinitigan ko siya sa kaniyang mga mata para ipakita na seryoso ako. Pero halos ’di ko na alam ang gagawin sa p’westo nang bigla siyang naglakad papalapit sa akin. Inayos niya ang buhok niya dahil nagulo ito matapos niyang mainis sa akin kanina pa.

Napalunok ako nang madiin matapos niya salubungin ang titig ko.

“Masasaktan ka lang,” babala niya.

“Matagal na akong nasaktan,” seryoso kong bulong.

Naramdaman kong nagsimulang mabuo ang mga butil ng pawis sa noo ko nang maramdaman na wala na akong maaatrasan pa, dahil pader na ang nasa likod ko.

Nanlamig ang buong pagkatao ko at parang naging tuod sa kinatatayuan na p’westo.

“Masasaktan ka.”

“Huy, concerned siya!” pang-aasar ko at agad ding napatigil.

Tumitig din siya pabalik sa mata ko at umatras ng tatlong beses nang makita na nawala ang ngiti sa aking labi.

Seryoso rin naman ako sa sinabi ko na matagal na akong nasaktan dahil sa ex-boyfriend ko na basta na lang nawala na parang bula. Tapos biglang babalik sa buhay ko at umaakto na hindi ako sinaktan, akala mo ’di siya lumayo sa akin na parang hindi ako girlfriend.

“Kasalanan ko na kung masasaktan ako, ’di mo na problema ’yon.”

I heard him curse silently, “It’s my problem! Ipapasok kita sa situation na paniguradong masisira buhay mo,” inis na bulong niya sa akin.

Lumayo siya ng ilang minuto.

Alam ko na kinakalma niya ang sarili niya at nag-iisip kung payag ba siya sa plano ko na tulungan siya. It’s my choice, wala na siyang kasalanan kung hindi ako nakinig sa babala niya sa akin.

Humarap siya sa akin, “Fine, but please, kapag nasasaktan ka na, please stop na. I am giving you a warning.” Tinuro niya ang mukha ko na para bang isa siyang guro na pinagsasabihan ang isang makulit na estudyante.

This is happening! Akala ko sa movies ko lang mapapanood na kailangan magpanggap na may other person para lang hindi maituloy at matigil ang isang engagement.

Totohanan na ito at sa akin pa mangyayari.

“So it’s a deal?” ngiting tanong ko.

Ngumisi siya at lumapit, “Deal, dating tayo and we’ll start today,” bulong niya sa kanang tenga ko na nagpataas sa balahibo ko.

“Wait, now?!”

Hindi ko na siya napigilan nang patakbo siyang lumayo sa akin nang hindi man lang tinatanong ang sagot ko. Nakarinig pa ako ng bulungan sa gilid nang makita nila na lumabas din ako sa p’westo na kung nasaan siya kanina.

Ano itong ipinasok ko?

This is it, after years of having no boyfriend since nag break kami ng long time childhood boyfriend ko. Magkakaroon ako ng boyfriend but a fake one!

I can’t believe na magvovolunteer akong maging fake girlfriend ng taong kinaiinisan ko.

I am doomed.

Used To Be Us (Dating Tayo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon