Kumain na rin ako at uminom ng gatas. Natapos itong kumain at uminom ng kape ng magpaalam itong umalis. Binantaan niya paako na kung aalis ako ay hindi ako magtatagumpay dahil may tauhan na siya simula ngayon na magbabantay saakin sa malayo. Tanaw ko ang papalayo nitong sasakyan at pumasok ng hindi ko na matanaw.

Pumasok ako pero hindi ko pumasok ang luggage ko at tinaguan ito dahil kakailanganin ko ito sa takdang panahon. Ayaw man akong payagan ni Calvin kahit na mahal niya ang asawa hihintayin ko na lamang na magsawa ito saakin.

Naligo ako at nagbihis ako ng off-shoulder white dress. Kahit luma na ito, ito ang pang-dalawang beses na sinuot ko ito. Binigay ito saakin ni mama two years ago ng birthday ko. Naglagay din ako ng scarf saaking leeg . Bumaba ako at sinarado ang pinto bago ako lumabas sa gate.

Bago paako maka-alis ay hinarang naako ng dalawang lalaki. Tinignan ko ang mga ito na may pagtataka.

"Ma'am hindi po kayo pwedeng lumabas utos po ni sir." Bumuntong hininga ako.

Tinutoo pala nito ang sinabi nito kanina. Malungkot ko ang mga itong tinignan at nagpacute ako sa mga ito dahil baka payagan ako ng mga ito.

"Kahit thirty minutes lang mga kuya may bibilhin lang po ako tapos babalik po ako kaagad."

"Ano po bang bibilhin niyo ma'am so Isko na lang po ang bumili." Bagsak ang balikat na tinignan ko ang mga ito at naluluha na ako dahil sa lungkot..

"Babalik na lang po ako sa loob."y goodness kailan ako makakalabas rito? Kailangan ko ng bumili ng pregnancy test.

Bumalik ako sa loob. Tinanggal ko ang scarf na ginamit ko saaking leeg at naupo sa couch ng living room. Sa kakaisip at sa sama ng loob ay nakatulog ako ng wala sa lugar at sa oras. Nagising ako na may kumakalam na tiyan. Tumayo ako at naglalakad patungo ng kusina.

Tinignan ko ang oras sa aking cellphone at nakitang alas tres na ng hapon. Hindi ako nagluto ng aking tanghalian pero kumuha ako ng cookies atsaka gatas. Lately iniiwasan ko ng uminom ng soft drinks at juice dahil baka makasama sa baby.

Hindi ko ba alam gusto kong ipalaglag ang bata pero may parte naman saakin na hindi dahil inaalagaan ko ang aking katawan para maging healthy ang aking baby saaking sinapupunan.

Gusto ko naman talaga na magka-anak kami ni Calvin kahit na ayaw pa nito. Pero natatakot kasi ako na makatanggap ng rejection lalo na kay Calvin at sabihin nitong hindi niya anak ang dinadala. Kaya siguro nakakaisip ako ng makasalang bagay.

I suddenly miss my mother. My mother did a lot of sacrifice for her love to my father. My mother is from a rich family from Zamboanga. My grandparents is against my father who happens to be a foreigner.

My mother said that she is arrange to man he doesn't love. She meets my father and they started their love story. My mother is inlove with my father kaya nakipagtanan ang aking ina rito kahit pa ayaw nito.

My mother said that my grandmother is still alive and she wants to ask forgiveness but before she can do that it is her time and she can't do that anymore. Ang laki ng kasalanan ko kay nanay dahil nangako ako rito na hahanapin ko ang aking lola at ako ang hihingi ng tawad para rito pero mas inuna ko pa ang paglalandi ko.

Itinakwil kasi ng lola si nanay dahil sinuway niya ang utos ng kanyang mga magulang. Gusto ko sanang hanapin ang aking lola sa Zamboanga at ng makabawi ako rito sa pamamagitan ng pag-alaga ko rito.

Naghahanap lang talaga ako ng timing para maka-alis ako rito dahil sobrang sakit na ng aking nararamdaman. Dalawang araw na hindi bumalik si Calvin at sinubukan ko talagang makalabas ng bahay pero Hindi ko pa nalolock ang gate ay may humaharang na saakin.

Pumasok ang sasakyan ni Calvin at hindi ako excited na darating siya dahil sa nakita ko sa TV. Kasama niya kasi ang kanyang asawa at mukhang ang saya ng mga ito na pinakita ang sa madla ang baby bump ni Shiela.

Gusto kong magwala at magalit kay Shiela pero paano ko gagawin iyon kung ako mismo ay naawa sa pinag-gagawa namin sa kanya ng kanyang asawa. Gusto kung sabihin na ako ang girlfriend nito pero hindi ko masasabi rito na ako ang mahal ni Calvin dahil alam kung hindi iyon totoo.

Paano ko gagawin ang bagay na iyon kung ako mismo ay captivated sa maamo nitong mukha. Paano ko ma attempt na saktan ang babae. Sa napanood ko alam kung sila ay nagmamahalan. Sa kislap ng mga mata ng mga ito habang tinitignan ang isat-isa doon pa lang talo na ako.

Pinagmasdan kong pumasok si Calvin sa silid pero hindi ako tumakbo dito kagaya ng nakagawian. Noon kasi tatakbo ako sa kanya para yakapin ito pero ngayon ay hindi ko iyon ginawa kaya kumunot ang noo nito.

Magkasalubong ang mga kilay na lumapit ito saakin. Napalunok naman ako ng makita ang galit sa mga mata nito. Galit ba ito dahil hindi ako yumakap sa kanya. Sinuway ko ang sarili ko dahil alam kung hindi iyon mangyayari ngayon dahil mahal ni Calvin si Shiela.

Hindi naako nagulat ng hinalikan ako nito pero hindi ko iyon magawa dahil nalalasahan ko sa kanyang labi ang strawberry flavor na hindi ko alam kung ano. Tinulak ko ito pero dahil malaking tao si Calvin ay hindi man lang ito natinag. Nilakasan ko ang pagtulak na ginawa ko sa kanya dahil nasusuka na talaga ako.

Tumakbo ako patungo sa banyo pero kahit sukang-suka naako ay nagawa ko pa ring pinitin ang door knob para malock ang pinto. Dali-dali akong sumuka sa iniduro. Lahat yata ng nakain ko ay naisuka ko lahat. Dahil sa sakit ng lalamunan ko ay naiiyak na lamang ako na naghintay na matapos akong magsuka.

Naghilamos ako ng mukha at tinignan ang aking reflection sa salamin. Nitong nakaraan ay ang putla ko palagi. At ganoon din ngayon sobrang putla ko rin. Nagmugmug na rin ako bago ako nagdesisyon ng lumabas.

Sisipain na sana ni Calvin ang pinto ngunit bumukas ito kaya ang paa niyang isa ay nasa ere. Kung maayos pa kami ni Calvin ay tatawanan ko ito dahil. Nakabawi naman siya kaagad at umaayos ito ng tayo. Maglalakad na sana ako palayo rito pero naunahan ako nito sa paghawak nito saaking braso.

Naiiyak kung tinignan ang nakahawak niyang kamay saakin. Ang diin kasi ng pagkakahawak nito kaya nasasaktan ako. At kapag tinanggal niya ang pagkakahawak niya saaking kamay paniguradong namumula iyon. Hindi nga pa nawawala ang hickey sa aking leeg dahil ang mga ito ay naging kulay violet na.

"Anong gusto mong bilhin nitong nakaraan." Hindi ko ito sinagot bagkus ay pilit kong pinatanggal ang kanyang kamay saakin.

"Bitawan mo ang braso ko Calvin nasasaktan ako." Mahina kong sambit rito.

"Sagotin mo ako Blessica." Galit na galit na rin ito at mas lalo lamang humigpit ang hawak nito saaking braso.

"Paki mo?" Pagmamaldita ko rito dahil kung galit siya ay galit rin naman ako.

Sinampal ako nito at ito ang hindi ko inaasahan na gagawin niya. This is the first time he slapped me. Binitawan nito ang braso ko. Gulat rin ito sa ginawa kaya nabitawan niya ako. Kahit buntis ay tumakbo ako palabas ng aming silid at nagmamadaling lumabas.

Lumabas rin ako ng bahay at ngayon ay walang humarang saakin kahit pa nakita ko ang mga ito sa labas ng sasakyan. Hindi naako tumakbo at buti na lang at may taxi kaya kaagad ko itong pinara. Sumakay ako sa taxi at lumilingon ako kung may nakasunod at wala naman kaya nakahinga ako ng makuwag.

Ang suot ko ngayon ay isang cotton short at isang sleeveless. Sinabihan ko ang driver na ibaba ako nito sa pharmacy. Dahil malapit lang naman ang pharmacy sa subdivision ay nakarating ako kaagad at nagbayad ako sa taxi driver ng pamasahe at bumaba.

Bumili ako ng limang pregnancy test at isa-isa sa isang brand ang binili ko. Dahil hindi naman ako naghihirap dahil may sarili naman akong pera bumili ako ng mamahaling pregnancy test. Kinakabahan ako sa magiging resulta at wala paakong eksaktong desisyon. Naglakad ako ng ilang minuto at pumasok ako sa isang restaurant.

Naglakad ako patungo sa comfort room at sinunod ko ang nakasulat. Pumasok ako sa isa sa mga cubicle at ginagawa ang nasa instructions. Kailangan muna daw na maghintay ng ilang minuto bago lumabas ang resulta nito.

Sinful Affair(Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon