Chapter 5

6.2K 120 43
                                    

Hindi rin ako pwedeng lumabas dahil may black eye ako sa aking mata. Masakit pa rin ang kabilang pisngi ng aking mukha.

Tahimik na kumain ako ng pop corn habang nanonood ng TV. Wala kasi akong ibang magawa kundi ang manood ng TV. Gusto ko sanang maglinis ng bahay ngunit sobrang sakit pa ng buo kung katawan.

Nililibang ko ang aking sarili sa pamamagitan ng panood ng k-drama. Kumakain naman ako ng pop corn na may cheese habang nanood. Alam ko naman na hindi healthy ang pop corn lalo na saakin na buntis.

Hindi naman siguro mapapano si baby sa pagkain ko ng pop corn. Wala pa talaga akong alam tungkol sa pagbubuntis dahil hindi pa ako nakakapunta sa OB.

Sa panahon ngayon pwede ko naman na iresearch ang tungkol sa pagbubuntis pero iba pa kasi ang iniisip ko at wala pa iyon sa aking iniisip. Marami pa akong iniisip at pang-huli ko na sa list ang pagbubuntis ko.

Ang eksena sa pelikula na aking napanood ay nakakataawa pero ako ay iyak ng iyak. Naiisip ko kasi ang sinabi ni Calvin kanina. Gusto niyang ipalaglag ko ang baby pero hindi ko kayang gawin iyon.

Naisip ko naman na ipalaglag rin ang baby pero siguro naisip ko iyon dahil sa takot lalo na at nalaman ko pang buntis si Shiela. Tatlong buwan na ang baby nila Shiela.

Umiyak ako ng umiyak at hindi na naipagpatuloy ang aking panonood. Paano kaya kung sabihin ko kay Calvin na papanagutan na ako ng ama ng bata. Natatawa tuloy ako dahil hindi naman niya ako pinanagutan.

Okay lang naman saakin na maghiwalay kami. Okay lang ba talaga? Napailing na lamang ako ng tanongin ko ang sarili gamit ang aking isip. Kahit isang linggo niya bisitahin ang baby. Kung busy siya okay lang saakin na pumunta ito saakin dalawang beses sa isang buwan.

Hindi naman kasi talaga okay iyon pero sa kagaya kong kabit ay dapat magpasalamat na lamang ako dahil may binibigay itong oras saakin. Kahit pumunta lamang si Calvin para maglabas ng init ng katawan ay okay lang saakin.

Pero sana huwag naman sanang ganoon dahil gusto kong makasama si Calvin kagaya ng dati. Iyong tipo na hindi namin iniisip masyado ang pakikipagtalik dahil sapat na ang oras namin para sa isat-isa.

Ang mga ginagawa namin noon ay napaka-imposibling mangyari. Tulad lang din iyon sa na magkacrush din ang crush mo sa iyo. Impossible at napakalabong mangyari iyon.

Ginamot ko ang mga sugat ko kinahapunan. May balak pa naman sana akong magpacheck-up pero dahil marami pa ring hickey sa ibat-ibang bahagi ng aking katawan at isa pa ay namamaga ang aking mukha at may black eye rin ako sa mukha kaya ayaw ko munang magpacheck-up.

Ayaw ko rin naman kasing may makaalam na sinasaktan ako. Wala akong ibang sinabihan na sinasaktan ako ni Calvin. Isa siguro iyon sa reason kung bakit mabigat ang aking dibdib dahil wala akong masabihan saaking problema.

Sabi kasi ng mga ito na kapag may sinasabihan ka ng problema mo ay gumagaan ang iyong pakiramdam. Ayaw kung magsabi kay Lovely dahil alam kung may sarili itong problema at ayaw ko ng dagdagan pa iyon.

Kinagabihan ay dumating si Calvin. Binuksan ko ang pinto ng bahay at pumasok si Calvin roon. Sinara ko ang pinto ng bahay at ng matapos ay nagulat paako ng hinawakan niya ako sa batok at hinalikan ako ng mapupusok.

Gumaganti naman ako sa halik nito saakin. Binuhat ako nito kaya pinulupot ko ang aking paa sa kanyang baywang. Naghalikan na naman kami hanggang sa nakarating kami saaking silid.

My goodness gumaganti na naman ako ng halik rito. Ang rupok ko talaga. Miss na miss ko na rin kasi Ito kahit kanina pa ito umalis ng bahay.

Naghubad ito ng damit ako naman ang hinubaran nito.

Sinful Affair(Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon