xlix

1.6K 42 6
                                    

Patrick Christian Marquez
November 20 ; 06:27 pm

Kylo Limuel:
Kay Hanelle ka humingi ng tawad, huwag sa akin.
At huwag kang mag-alala, kahit hindi mo naman sabihin, iingatan ko si Hanelle at Vika. Mahal ko silang dalawa at tanggap ko si Vika bilang akin. Hindi mo na ako kailangang paalalahanan pa.
Hindi ako kasing gago tulad mo.
Nasabi ko na ito sa 'yo kanina pero sasabihin ko ulit.
Hindi mababawasan ang halaga ng isang babae kahit na magkaroon siya ng anak. At may mga lalaking hindi kasing babaw ng pag-iisip mo.
Ano ngayon kung may anak na siya? Makakabawas ba ng halaga niya iyon? Tingin mo ba, nabawasan ang pagmamahal na mayroon ako sa kaniya?
Hindi ba dapat mas mahiya ka sa sarili mo nang iwanan mo sila kasi natakot ka sa responsibilidad? Iniwanan mo lahat kay Hanelle.
Hindi ako against sa ginawa niyo. You two are both consenting adults, nasa relasyon kayo ng gawin niyo iyon. Nasa tamang edad na rin naman kayo. Pero hindi ko nagustuhan yung pang-iiwan mo kay Hanelle lalo na sa mga pinagsasasabi mo sa kaniya.
Seen

Be My BabyWhere stories live. Discover now