xxxvi

1.5K 45 22
                                    

Patrick Christian Marquez
November 09 ; 05:16 pm

Patrick Christian:
Talagang ipinaako mo na sa iba si Vika.
Bakit may ibang kinikilalang papa si Vika? Ako lang ang papa niyan!

Aitana Hanelle:
Patrick, hindj kita inunblock para sabihan mo ako ng kung ano-ano
Hindi ako ang nagturo sa anak ko ng ganon.
Pero kahit na hindi ako ang nagturo, masaya ako na kinikilala niyang papa si kylo

Patrick Christian:
Pero ako ang ama ni Vika!

Aitana Hanelle:
Hindi naman kita inaalisan ng karapatan kay Vika.
Oo, tatay ka rin niya. Wala akong problema ron.
Pero tinuturing niya ring tatay si kylo.

Patrick Christian:
Puro ka kylo! Tigilan mo na nga yan at nabubwisit ako!

Aitana Hanelle:
Bakit nam hindi?
Eh sa gusto kong banggitin lagi yung pangalan ng lalaking sinamahan ako mula nang malaman ko ang pagbubuntis ko kay Vika.
Yung lalaking nilapitan ko kaagad nung bigla mo akong pagsarahan ng pinto ng bahay niyo nang malaman mong buntis ako.
Si Kylo na iniyakan ko noon nang sabihan ako ng masasakit na salita ng mga magulang mo.
Si kylo na sinamahan akong mag-crave, magpa-check up, at sumasalo ng galit ko sa yo.
Si Kylo na ginigising ko sa madaling araw para bumili ng kung anu-ano.
Si Kylo na nagmadaling pumunta sa  akin kahit na sa kalagitnaan ng gabi nang malaman niyang manganganak na ako.
Si Kylo na kasama ko mula nang iwan mo ako... At hanggang ngayon.
Si Kylo na tumayong tatay ni Vika.
Si Kylo na nagbigay ng pangalan kay Vika...
So bakit hindi ko dapat banggitin ang pangalan niya?
Bakit bawal kong banggitin ang pangalan ng taong mahal ko dahil lang sa nabubwisit ka?
Bakit?
Dahil ba sa may kwenta siya at ikaw, wala?
Oo, pinagduduldulan ko sa'yo na wala kang kwenta.
Pasalamat ka pa nga na pinakilala pa kita sa anak ko kahit na ayoko kasi karapatan mo yun, karapatan din ni Vika yun.
So dapat bang ako pa ang mag-adjust para sa 'yo?

Be My BabyWhere stories live. Discover now