Chapter 2: Sister?

10 0 0
                                    

Typos and grammatical errors ahead..

Alexander Liam's POV

Papunta ako sa ospital ngayon, I really don't know what happened, tinawagan lang ako ni mommy at pinapunta sa ospital.

Nang makarating sa ospital ay dumeretso ako sa Emergency room at hinanap si Mommy. Di rin naman nagtagal ay nahanap ko na siya.

"Mom!" I called as I approached her.

"Son!" She called back.

"What happened mom?" I asked. Nararamdaman ko yung takot at kaba niya.

"I didn't m-mean it" balisang sagot niya.

"I know, now tell me what happened. Please?"

"Pauwi na ako nun then suddenly I bumped into her, it was dark, I didn't see her coming. Promise, it was never my intention to hurt someone, believe me son" kwento niya.

"I do believe you, calm down, she'll be fine" pagpapakalma ko sa kanya. I really hope that she's okay, di rin siguro kakayanin ng konsensya ko lalo na kay mom, baka madagdagan lang yung depression niya.

Ilang sandali lang ay lumabas na ang doctor na ang doktor.

"Good evening ma'am, are you the patient's relatives?" Tanong nito.

Sasagot na sana ako ng biglang maunang sumagot si mommy, sagot na nagpagulat sa akin.

"Yes, she's my daughter" walang alinlangang sagot niya. Pinagkunutan ko siya ng noo pero di man lang niya ako pinansin.

"Well, kailangan pong maoperahan ang anak niyo, nagkafracture po ang kaliwang braso niya. Kailangan din po natin siyang i undergo ng CT scan dahil po sa pagkakabagok ng ulo niya. We also need to conduct some test so she needs to be confined here." Paliwanag ng doktor.

Naririnig ko siyang magpaliwanang pero nakatuon lang kay mommy ang buong atensyon at sa katotohanang inangkin niya ang babaeng yun bilang anak.

Days passed and we're still here at the hospital. Hindi parin maalis sa isipan ko ang sinabi ni mommy noon, na anak niya ang babaeng yun. I don't know her, we don't know her, how come she's my sister.

"Anak, gisng na ang kapatid mo!" Masayang salubong sa akin ni mommy nang makalabas siya ng kwartong kinaroroonan nung babae.

"Mom? Can we talk?" I can't take this anymore. She needs to stop this nonsense or will be all doomed.

"Of course son, about what?"

"About her mom, we don't know her, di natin alam kung saan siya nanggaling, sinong mga magulang niya, sino siya? How can you claim her as your daughter? Baka hinahanap na siya ng mga magulang niya" mahabang litanya ko.

Nginitian lang niya ako at pumasok ulit sa loob ng kwarto. Hindi pwede tong ganito, kailangan niyang makabalik sa pamilya niya.

Sumunod ako sa loob ng kwarto at nadatnan ko ang isang babaeng nakaupo sa kama habang nakakunot ang noo.

"Sino kayo?" Tanong niya sa amin. Walang nakasagot, nakatitig lang ako sa kanya.

"Nasa'n ako?" Tanong niya ulit.

"Nasa ospital ka anak" sagot ni mommy sa babae.

"Anak? Ikaw ang nanay ko? Bakit wala akong maalala? Bakit ako nandito? Anong nangyari?" Sunod sunod na tanong niya na para bang naguguluhan. What's happening?

"Dahan dahan lang sa pagtatanong anak. Gutom ka na ba? May gusto ka bang kainin? Ipapabili ko, sabihin mo lang" sagot ni mommy habang nakangiti sa kanya.

"Sino Ako?" Tanong niya na sumagot sa lahat ng tanong na tumatakbo sa isip ko. Wala siyang maalala. Wala siyang maalala kaya mas dapat na maibalik siya sa totoong mga magulang niya.

"Ikaw si Alexandria Lorraine, Alexandria Lorraine Torres at ako ang mommy mo, siya naman ang kapatid mo, si Alexander Liam." Sagot ni mommy. Seriously? Unbelievable!

"Anong nangyari sa akin? Bakit ako nandito? Ba't wala akong maalala?" Sunod- sunod na tanong niya. Nakikinig lang ako at naguguluhan kung pipigilan ko ba si mommy sa pag-angkin sa babaeng to o hahayaan nalang siya sa gusto niya. Alam kong mali pero habang nakikita ko yung nanay kong nakangiti at makikita sa mga mata niya yung tunay na saya na matagal ko nang gustong makita at namimiss ko na, parang nagiging tama. Parang lahat ng nangyayari ay tama at dapat.

Nabalik ako sa ulirat ko ng naramdaman ko ang titig ng babae sa akin. Parang nagtatanong siya at inaalam ang totoo, parang kinikilala ako. Nginitian ko lang siya at ibinaling ang atensyon ko kay mommy na nakatingin sa amin habang nakangiti parin. Kailangan kong linawin to.

"Mommy? Can I have a word with you outside please?" Tanong ko.

Tumingin siya sa akin sandali at agad na ibinaling ang tingin sa babae. Kinausap niya ito, at tumango tango naman ang babae sabay higa sa kama at pikit sa kanyang mga mata. Naunang lumabas si mommy sa akin. Pag karating anmin sa labas ay kinausap ko na agad siya.

"Mom! She's not Lorraine and will never be Lorraine. Lorraine is dead!" Alam kong nasaktan ko siya sa mga sinabi ko pero kailangan niyang magising sa katotohanang wala na si Lorraine, wala na ang kapatid ko.

"What are you talking about? She's alive, she's here and she's okay. Ayos naman ang mga test ng kapatid mo, anytime soon baka maiuwi na natin siya." Sagot niya na para bang hindi niya naintindihan ang mga sinabi ko kanina.

My sister's dead years ago, she died hours after she was born. Mommy can't accept it, she suffer from depression, and almost quit her life. Ngayon nakakita siya ng panibagong dahilan para ngumiti, maging masaya at magpatuloy sa buhay, kukunin ko pa ba yun sa kanya? Pero mali ang manatili ang babaeng yun sa amin at pagsamantalahan ang pagkawala ng ala-ala niya. Maling mali... Ang gulo.

I'm stuck between right and wrong, my mom and the rights of that girl to be with her real parents. I'm stuck and doesn't know what to do. If I choose my mom, she'll be happy but that means I will let that girl live a lie, live a life that isn't hers which is wrong. If I choose her, my mom will be in pain again for losing another daughter even if that girl isn't her real daughter. I don't want my mom to suffer again for the same reason but I don't wanna be unfair to that girl. Sana tama yung maging panig at desisyon ko sa susunod pang mga araw.

Seriously? Sister?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 22, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It All Started with a Car CrashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon