Prologue

11 0 0
                                    

"Sino kayo?"

Tanong ko sa mga taong nakapalibot sa akin ngayon. Wala akong nakikilala ni isa sa kanila.

"Nasa'n ako?" Tanong ko ulit.

"Nasa ospital ka anak" sagot ng isang babae.

"Anak? Ikaw ang nanay ko? Bakit wala akong maalala? Bakit ako nandito? Anong nangyari?" Sunod sunod na tanong ko dahil talagang naguguluhan ako. Wala akong matandaan ni kahit anong detalye tungkol sa akin.

"Dahan dahan lang sa pagtatanong anak. Gutom ka na ba? May gusto ka bang kainin? Ipapabili ko, sabihin mo lang" sagot ng babae habang nakangiti sa akin. Wala akong makilala kahit isa sa kanila.

"Sino Ako?"

It All Started with a Car CrashWhere stories live. Discover now